"I'm going to be a grandfather!" He proudly declared and give me a hug.
Andito kami ngayon dalawa ni Zaniel sa mansyon nila. Inimbitahan kasi kami ni tito Mike na pumunta dito. Pumayag na rin naman kaming dalawa ni Zaniel dahil sa tingin namin oras na rin para malaman nila na buntis ako.
"Yes dad. Magiging lolo kana." Sabi naman ni Zaniel na nasa gilid namin dalawa ng ama niya.
"No way!"
Gulat kaming napahiwalay ng yakap ni tito Mike at nagtatakang tumingin kay Bettina na nakatayo sa hagdan. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat—at galit?
I frowned. "What do you mean no way Bettina?"
Agad nag bago ang ekspresyon niya at bumaba na rin ng tuluyan sa hagdan. Napansin ko rin sa gilid ng mata ko ang papalapit na si tita Rebecca. Walang emosyon din itong lumapit sa amin at tumabi sa kaniyang anak.
"May problema ba Bettina?" Malamig na tanong sa kaniya ni Zaniel at pinulupot ang kaniyang braso sa aking bewang.
Napatingin naman ako sa kaniyang mukha pero hindi naman niya ako nagawan tapunan ng tingin. Dahil seryoso lamang siyang nakatingin kay Bettina.
Tinumbasan naman ni Bettina ang malamig na titig niya kay Zaniel.
"Ang ibig kong sabihin. Hindi pa nga kayo kasal. Binuntis mo na agad si Cassie."
Napaawang ang labi ko sa sinambit niya. Nagtatataka ako sa pinapakita niya samin ngayon. Bakit ganito na lang siya mag react? May punto naman siya sa sinabi niya. Pero bakit parang may mas malalim pa siyang dahilan.
Narinig ko ang pag igting ng mga ngipin ni Zaniel. "Do you have any problem with that Bettina?" May halong sarkasmo na tanong sa kaniya ni Zaniel.
Napa atras si Bettina at napakapit sa braso ng kaniya ina. Pekeng tumawa si tita Rebecca at hinawakan ang kamay ng kaniyang anak.
Tumikhim si tito Mike. "Sa tingin ko kailangan na natin kumain." Tumingin ito sa akin."Alam ko gutom kana iha. Am I right?"
Nabasa ko ang pinapahiwatig ni tito Mike. Gusto niya lamang na mawala ang tensyon ngayon. Hinila ko na ang damit ni Zaniel upang kunin ang atensyon niya.
Unting unting naglaho ang dilim sa kaniyang mukha at lumiwanag ito. "Are you hungry now baby?"
Tumango ako at sandaling sumulyap sa dalawang mag ina na tila nag bubulungan. Nang mapansin nila akong nakatingin sa kanila.
Ngumiti lang sila ng tipid sa akin. Ginantihan ko na lang din sila ng tipid na ngiti at muking tumingin kay Zaniel.
"I'm hungry..." Kahit sa totoo lang hindi pa naman ako gutom. Kailangan lang talaga mawala ang tensyon na nangyari kanina.
Ngumiti ito. "Okay let's go."
Pinagsiklop niya ang aming daliri at iginiya ako papuntang dining table kung saan naka latag na ang iba't ibang putahe.
Nang makaupo na kaming tatlo sa kaniya kaniyang upuan saka lamang pumasok ang mag ina.
Walang imik lamang silang umupo. I suddenly feel so uneasy and uncomfortable because of these two. Why they are being like this all of a sudden?
"You want this?" Tanong ni Zaniel kaya nawala sa isip ko yung mga napapansin ko sa mag ina.
Tumango ako. "Yeah." Sagot ko at ngumiti sa kaniya. Nagsimula na rin mag sandok sila tito Mike. Napakagat ako ng pang ibabang labi ko nang mapansin ko sa gilid ng mata ko ang pag sulyap sulyap sa akin ni Bettina.
YOU ARE READING
Zaniel Alejandrino
General FictionThey adore him so much despite of his attitude. He easily get annoyed, mad, and pissed. Every people around him are always afraid because of his aura. He's emotionless. His eyes are cold like an ice like nobody can melt it. He's so damn handsome, a...