Ito na ang pinaka hihintay namin lahat ng bawat mag aaral. Ang aming pag tatapos.
Humugot ako ng isang malalim na hininga. Bago ko iginala ang aking mata sa buong paligid ko. Masaya ako. Ito ang masasabi ko sa nangyayari ngayon.
Pinagsiklop ko ang aking mga daliri."Totoo ba talaga to Stacie?" Sambit ko habang ginigala pa rin ang paningin ko.
Dumungaw rin ako sa pwesto nila mama at ni John. Nang makita nila ako. Kumaway kaway sila sa akin. Malapad na ngiti ang iginanti ko sa kanila. Ngunit hindi rin naman nakaligtas sa aking paningin ang luha na pumatak galing sa mata ni mama.
"Yea. This is real." Sabay baling ko sa kaibigan ko na nasa tabi ko. Pinagmasdan ko ang kaniyang mukha. Namumula rin ang kaniyang ilong dahil sa pag iyak. Pero hindi naman nabubura ang simpleng kolorete niya dahil agad naman niya naagapan ng kaniyang panyo ang mga luhang lumalabas.
"Makakapag trabaho na ako. Sa wakas matutulungan ko na si mama." Masayang ani ko at hinawakan ang kaniyang kamay. Tumango tango siya.
"Makakapag trabaho na tayo. At isa pa, magkasama pa tayo sa iisang trabaho."
Masiglang tugon niya at hinigpitan pa niya ang hawakan namin.
Oo, mag kasama kami. Duon ako sa kumpanya nila mag ta-trabaho. Ngunit bilang secretary niya. Siya na kasi ang mag hahandle ng company nila kapag nakapag tapos na siya.
Dahil ang mga magulang niya ay tutungo sa main company nila sa Australia. Para sila tito at tita na ang mag hahandle duon.
Business Management naman ang tinapos namin dalawa ni Stacie kaya hindi ako mahihirapan.
Noong una umaayaw ako dahil nakakahiya naman. Dahil marami ang nag aapply sa kanila bilang secretary ngunit mas pinariority nila ako. Pero wala akong nagawa. Hindi ko naman sila matatanggihan. Unang una ay sobrang malapit na sila sa puso ko.
"Ayan na mag sisimula na!"
Agad kaming napa tuwid ng upo ni Stacie nang marinig namin iyon. Kinakabahan at nagagalak na ako ngayon. Ito na, malapit ko na matupad ang pangarap ko. Pangarap na makapag tapos.
Utang ko talaga to sa pamilya ni Stacie. Dahil sa scholarship na binigay nila sa akin. Kaya heto , ipapakita ko sa kanila ngayon na hindi ko binalewala iyon.
Na pokus ang tingin ko sa taong nagsasalita ngayon sa stage.
"Magandang umaga sa inyong lahat. Lalo na sa mga magulang na narito ngayon upang matunghayan ang mga anak nila sa pag tatapos nila ngayon araw." Sabi ng Dean.
Nag palakpakan naman kami kaya saglit siyang napahinto. Nang matapos na ay muli itong nag salita.
"Ang mga bawat pagod at pawis na ginugol nila sa kolehiyo at mapapalitan na ngayon ng isang maganda bunga.
Ang edukasyon ay napakahalaga at kailanman hindi ito mananakaw sa atin. Kaya dapat natin ito pag kaingatan."
Iginala niya ang kaniyang paningin sa amin. Matapos iyon nag palakpakan na muli kami.
Bumaba na sa stage ang Dean at pumalit naman sa kaniya ang isang guro. Si Mrs. Baltazar.
Ito na ang pinaka hihintay namin. Ang pag tanggap namin ng aming dimploma bilang isang patunay ng aming pag tatapos.
Isa isa nang tumayo ang mga estudyante na nasa unahan upang pumila. Huminga ako ng malalim. Napatingin rin ako kay Stacie. Mahina akong napatawa ng makita ko siyang kagat kagat ang kaniyang kuko. Siraulo talaga nitong babaeng to.
"Stacie..." Pag tawag ko.
Humarap naman siya sakin. "Ga-graduate ka na. Hindi ka pa rin nag sasawa sa pag kain mo ng kuko mo." Agad naman niyang inalis ang kuko niya sa kaniyang bibig. At ngumisi sa akin.
YOU ARE READING
Zaniel Alejandrino
Genel KurguThey adore him so much despite of his attitude. He easily get annoyed, mad, and pissed. Every people around him are always afraid because of his aura. He's emotionless. His eyes are cold like an ice like nobody can melt it. He's so damn handsome, a...