Special Chapter

6.5K 133 28
                                    

"Pwede ba Zeus tigilan mo ang pangungulit mo sa akin." Iritado kong sabi sa kaniya.

Kanina niya pa ako kinukulit na samahan siyang makipag kita duon sa babaeng gusto niya daw. Kapal ng mukha hindi niya ba alam na nasasaktan ako. Manhid lang?

Niyakap na naman niya ang bewang ko.

"Sige na. Samahan mo na ako."Malambing niyang wika.

Kinagat ko na lamang ang pang ibabang labi ko para pigilan na mapahiyaw dahil sa init ng kaniyang hininga na nararamdaman ko sa aking batok.

Pumikit ako ng mariin. "Pwede ba huwag mo na ako kulitin. Kung gusto mo talaga makipag kita duon sa babaeng yon! Wag mo na ako isama. Nakakairita kana eh." Bulyaw ko at marahas na tinanggal ang pagkakayap niya sakin. Gulat na gulat naman siyang napatingin sa akin nang tumayo na ako. Tumalikod na ako sa kaniya.

"Manhid." Mahinang bulong ko bago lumabas ng kwarto niya.

"Oh, Zafrina uuwi kana agad?" Salubong na tanong sa akin ni tita Stacie. Tipid lamang akong ngumiti sa kaniya at hinalikan na siya sa pisngi. "Sumasakit ulo ko diyan' sa anak mo tita eh. Baka kapag di ako nakapag tiis baka masapak ko na yan." Masungit kong wika sa kaniya. Pinag krus ko rin ang braso ko at tumingin sa hagdan. Hindi man lang ako sinundan ng lokong yon.

Nabigla naman ako ng sundo't sundutin ni tita ang tigilan ko. "Manhid pa rin ba ang anak ko?" Pang-uuyam niyang tanong habang abot tenga ang ngiti. Napabuga na lamang ako ng hininga at tumango.

"Bahala siya diyan' kapag ako nag sawa kaka-hintay diyan sa anak mo. Naku talaga tita!"

Tumawa ito. "Ewan ko ba dun sa batang iyon hindi pa rin niya pansin na may gusto ka sa kaniya."

Napairap na lamang ako. "Hayaan mo na tita. Sige na po. Aalis na ako, baka kakain na kami nila mom." Ngumiti ako sa kaniya at hinalikan sa pisngi.

Tumango siya. "Pasabi sa mommy mo miss ko na siya pati si Zoreign." Sabi niya.

Napalabi tuloy ako sa sinabi niya. "Tita naman eh. Katabi niyo lang kami ng bahay oh. Halos magkasama nga kayo palagi. " natatawang wika ko at tinalikuran ko na.

"Ikaw talaga Zafrina!" Natatawang pahabol ni tita bago ako makalabas ng bahay nila. Totoo naman kasi magkatabi lang ng bahay namin ang sa kanila. Ito kasi ang hiling ni tita Stacie kay tito Lance na gusto niya na katabi ang bahay namin dahil ayaw niyang mawala kay mom.

Pagkarating ko sa bahay. Ang matinis na boses ni Zoreign ang sumalubong sa akin.

"Ate! Ate! Ate!" Malakas na tawag niya sa akin at mabilis na lumundag sa akin. Mabuti na lang nasalo ko agad kung hindi bagok kang bata ka. Tiles pa naman ang sahig ng bahay namin.

"Napaka kulit mo talagang bata ka. Asan na sila Dad?" Tanong ko at binaba ko na siya.

Ngumuso ang kapatid. "Andun sila sa kwarto nila ate. Narinig ko nga humihiyaw pa si mom. Nag aaway ba sila ate?" Inosenteng tanong ng kapatid ko. Lumuhod na lang ako sa kaniya at ginulo ang buhok niya.

"Hindi sila nag aaway okay? Kapag naririnig mong maingay ang kwarto nila mom and dad. Don't listen and stay away. Understand?"

Nakangiting tumango-tango si Zoreign at mabilis na tumungo sa kaniyang mga laruan. Pinagmasdan ko lamang siya at muling napa tingin sa hagdan. Umiling iling akong umakyat.

"Ito talaga sila mom and dad. Gusto pa atang sundan si Zoreign. " natatawang sabi ko.

Papasok na sana ako sa aking kwarto nang bumukas ang kwarto nila mom. Gulo gulo na rin ang buhok niya at tanging naka roba lang ito.

Zaniel Alejandrino Where stories live. Discover now