"San niyo ba ako dadalhin?" Asik na tanong ko sa kanila habang patuloy pa rin nila akong kinakaladkad papasok sa isang lumang bodega. Si Zaniel naman ay nakayuko lang na naka sunod sa amin.
"Manahimik ka. Nakakarindi ang boses mo." sabi ng isang lalaki na nauunang naglalakad sa amin.
"Fuck you!" Sigaw ko. Humigpit lalo ang pag kakahawak ng dalawang lalaki sa braso ko at gigil na tinignan ako. Huminto rin ang lalaking nasa unahan namin.
Mabilis itong lumapit sa akin at diniinan ang panga ko. "Gusto mo bang makatikim ng sarap bago ka namin ibigay kay boss?" Pilyo niyang wika sakin at hinagod ang buo kong katawan.
I glared at him. "Do you think I will let your filthy hands on me?"
Namula ito sa galit at mas diniinan pa ang pag higpit sa panga ko. "Wag mo'ko ma english english diyan babae ka." Sigaw niya sa akin. Napapikit naman ako dahil sa lakas ng boses niya. Fuck. Ang baho ng bunganga niya!
Iritado akong tumingin sa kaniya."Bobo kana nga. Ang bago pa ng hininga mo!"
Akmang sasampalin niya ako dahil sa galit nang sumingit si Zaniel sa amin. Agad akong nakaramdaman ng kaba at takot. Dahan dahan itong naglakad papunta sa lalaki.
"Boss. Hindi ba sabi nila na huwag natin to sasaktan dahil gusto nila na sila ang mananakit sa babaeng ito."
"Boss, tama nga itong driver natin. Dalhin na natin sa kanila to. Milyon milyon din ang makukuha natin." Sabi ng nasa kaliwa ko. Ibinaba naman ng boss nila ang kamay na naka amba na sasampalin ako at tinignan ako.
"Pasalamat ka. Hindi kita masasaktan. Tara na ipasok na yan!"
"As if I'm hella scared with you asshole." I said.
Hindi na nila pinansin ang sinabi ko at nag patuloy na rin kaming naglakad papasok sa loob. Nang tuluyan na kaming maka pasok sa loob punong puno ng mga kahoy at mga ibang kagamitan na sira sira. Tumingala ako at nakita ko ang sandamakmak na alikabok. Halatang lumang luma na talaga nitong bodega na to.
"Asan na ba sila boss?" Tanong ng isa na katabi ng nasa harapan.
"'Paparating palang sila. Pero malapit na. Itali natin to para tapos na trabaho natin." Sagot nito. Pagkatapos ay humarap muli sakin at tinignan ang dalawang lalaking nakahawak sa magkabilang braso ko.
"Itali niyo na yan! Siguraduhin niyong hindi yan makakatakas. Kilos!" Maawtoridad na sabi niya.
"Yes boss!" Sabay nilang sabi.
Napairap na lang ako at nagpaubaya sa kanila kung saan man nila akong dadalhin. Nakasunod din si Zaniel sa amin pero nagsalita agad ang boss nila.
"Bat ka nga pala nandito? Hindi ba dapat nasa labas ka lang?" Takang nito. Inikot ko naman ang ulo ko upang makita sila. Nayuko lang si Zaniel habang ang boss naman nila ay naka seryosong tingin lang sa kaniya.
"Gusto ko kasi masiguro na hindi makakatakas ang babae yan." Tinuro ako ni Zaniel. S-Sandali nga bakit iba ang boses niya? Paano niya nagawa iyon? " Mahirap na kapag nawala yan hindi natin makukuha ang bayad natin."
Tumango-tango ang lalaki. "Mabuti naman may utak ka. Sige na dalhin niyo na yan duon bilisan niyo. Aabangan na namin sila ma'am Rebecca." Sabi nito at tinalikuran na kami.
Pabara akong kinalakadkad ng lalaki papunta sa isang poste na may upuan. May lubid din na naka patong sa upuan. Tsk. Ito rin ang ginawa nila sa akin noon.
Maya maya pabagsak na nila akong inupo at tinalian ang kamay ko. "Bakit parang hindi ka natatakot?" tanong ng isa sa akin at pumunta sa harap ko ganon din ang isang lalaki. Taka silang nakatingin lang sa akin.
YOU ARE READING
Zaniel Alejandrino
Ficción GeneralThey adore him so much despite of his attitude. He easily get annoyed, mad, and pissed. Every people around him are always afraid because of his aura. He's emotionless. His eyes are cold like an ice like nobody can melt it. He's so damn handsome, a...