Flashback...
"Anong ibig mong sabihin kuya?"
"Kapatid kita. Ikaw si Cassie."
Naguguluhan akong tumingin sa kaniya. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Paano niya ako magiging kapatid? Patay na ang kapatid niya.
"I'll explain it later. Kailangan na muna natin umalis dito. May ibang bangkay na akong ipinalit duon. Akin na ang singsing mo."
Umawang ang labi ko. "B-Bakit kuya? Anong gagawin mo?" takang tanong sa kaniya at hinawakan ang singsing ko. Inangat niya naman ang tingin ko sa kaniya at sinapo ang magkabilang pisngi ko.
"Magtiwala ka sa gagawin ko. Para sayo tong ginawa ko. Please.."
Kahit na hindi ko maintindihan ang nangyayari pinili ko pa rin ibigay sa kaniya ang singsing ko. Pagka bigay ko sa kaniya nito. Pumasok muli siya sa loob ng factory.
Napuno ng pag aalala ang naramdaman ko. Nasusunog pa ang factory! Paano kung mapahamak siya?
"Kuya!" Sigaw ko. Akmang tatayo na ako nang mapaupo ako muli. Nakita ko ang hita ko na may sunog.
Hindi ko man lang naramdaman na naabutan ako ng apoy.
Nag aalala akong tumingin ulit sa factory. " Asan kana ba k-kuya? "
"Cassie!"
Namilog ang mata ko kay kuya na tumatakbo papunta sa akin. Pag kalapit niya agad niya akong pinangko at tumakbo papalayo ulit sa factory na nasusunog pa rin.
"K-Kuya ano bang nangyayari? Wala akong maintindihan... " Nahihirapan kong sabi sa kaniya.
"I'm sorry little sis. Hayaan mo ipapaliwanag ko mamaya. Kapag nakauwi na tayo."
Kahit na punong puno ng katanungan ang isip ko pinili ko na lamang tumahimik habang umiiyak.
Laking pasalamat ko kuya dahil naligtas niya kami ng anak ko. Kung wala siya panigurado patay na kami. Hindi na namin makaka piling muli ang ama niya.
I'm sorry anak kung muntik kana mapahamak ni mommy...
Nagising na lamang ako na nasa isang malaking kwarto na ako. Iginala ko ang paningin ko at umupo.
"Nasan ako?" I asked myself.
"Oh my god! Anak.."
Napalingon kaagad ako sa taong kakapasok lang. Bumakas sa mukha ko ang pagkagulo dahil sa pagtawag niya sa akin. Muling nawala naman ang tingin ko sa kaniya nang pumasok ang kaniya asawa pati na rin kuya David.
Mabilis na lumapit sa gilid ko si kuya at marahan na niyakap.
"Thank God, ilang araw kana walang malay. Pinag alala mo kami ni mom."
Napatulala ako sa sinabi niya at dahan dahan na kinalas ang pag kakayakap niya sa akin.
Tinignan ko siya. "Wala akong maintindihan sa pinag sasabi mo kuya David." Lumingon ako kay Mr and Mrs Buenavida. "Nasan ako?"
Parang may kumurot naman sa puso ko nang tumulo ang luha ni tita at nanghihinang lumapit ito sa aking harap.
"A-Akala ko patay kana talaga. Akala ko hindi na muli kitang makakasama. Anak ko." Basag na boses niyang wika.
"L-Lumayo kayo... " Hirap na hirap kong sabi habang patuloy pa rin ako sa pag iyak. Bumaba ako sa kama at umatras sa kanilang tatlo. "Hindi ko...alam...ang mga s-sinabi niyo."
"Ikaw si Cassie Vera anak...anak ka namin ni Thomas..." Sabi ni tita. Hinawakan naman ni tito siya upang alalayan.
Umiling ako. "No! Hindi totoo yan! Anak ako nila Stella at Hector! Hindi kayo ang magulang ko!" Sigaw ko sa kanila at umatras muli.
YOU ARE READING
Zaniel Alejandrino
General FictionThey adore him so much despite of his attitude. He easily get annoyed, mad, and pissed. Every people around him are always afraid because of his aura. He's emotionless. His eyes are cold like an ice like nobody can melt it. He's so damn handsome, a...