"Mama."
"Bakit anak? May problema ka ba?"
Abala ngayon si mama sa pagluluto ng mga handa namin ngayon. Mabuti na nga lang pinayagan ako ni Stacie na mag leave muna ngayon araw dahil birthday ngayon ni John. Bibisita na lang daw sila ni Lance after ng trabaho.
Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya sa kaniyang likuran. "Handa kana ba maging lola mama?" I asked.
Tumigil ito sa paghahalo ng kaniyang niluluto at hininaan ang apoy. Hinawakan niya ang mag kabilaang braso ko. Bakas sa mukha niya ang saya. Sa tingin ko naman naunawan na niya agad ang sinabi ko sa kaniya.
"Buntis ka anak?"
Kagat labi akong tumango.
"Magiging lola na ako!" Masiglang wika niya at tumingin sa gawi ni Marcus na abala sa pakikipag laro sa mga kaibigan. "Marcus! Halika dito may sasabihin ang ate mo."
Nakangiti ko lamang pinagmamasdan si John na papalapit sa amin na naka kunot ang noo.
"Ano po yun ate?"
"Magiging tito kana. Mag kaka baby na ako." Hinaplos ko ang tiyan ko.
Hanggang ngayon hindi parin umu-umbok sa tiyan ko dahil ilang weeks palang naman. Tanging si Stacie at sila mama palang ang nakaka alam.
Inosenteng lumapit sa akin si Marcus at nilapat niya ang palad sa aking tiyan.
"May baby na diyan?" at tumingala siya sakin upang hintayin ang sagot ko.
Ginulo ko ang buhok niya at natatawang tumango.
"Oo john. May baby na diyan."
"Kailan po lalabas?" He asked.
Sasagutin ko na sana ito nang may ibang sumagot. Umangat ang tingin ko sa papalit na lalaki papunta samin. Naka topless lang ito at basang basa ng pawis.
"Nine months pa bago lumabas ang baby namin."
Natawa ako nang magbilang sa kamay si John sa daliri.
"Ang tagal pa pala. Sige po maglalaro na ulit ako duon sa mga kaibigan ko. Babye baby." Hinalikan pa niya ang aking tiyan bago umalis sa harap namin.
"Kamusta naman ang pag bubuntis niya Zaniel?" tanong ni mama nang tuluyan nang makalapit sa tabi ko si Zaniel. He kissed my temple and hugged my waist.
"Naku po tita. Mahirap pala ito magbuntis. Yung mga pagkain na gusto niya napaka imposibleng mahanarap. Gaya na lang ng apple na may buntot daw. Tapos sampalok daw na may korona. Tapos gusto niya daw ng orange na hindi orange tapos—"
Masama ko siyang tinignan at siniko siya. "Isa pang salita mo sa sahig kang matutulog." Inis kong sabi.
Narinig kong tumawa si mama at nagsimulang haluin ang niluluto.
"Ganyan talaga pag buntis. Pag pasensiyahan mo na."
"Ayos lang tita. Hahaluglugin ko buong mundo basta mahanap lang lahat ng gusto ng mahal ko. Ganyan ko siya kamahal tita." Parang may humaplos sa puso ko dahil sa mga lumalabas sa boses niya. "kaso inaaway naman ako palagi."
Napangiwi naman ako. Binabawi ko na! Naiinis na naman tuloy ako. Inirapan ko na lang siya at kinurot siya.
"A-Aray! Tita oh. Ang anak niyo nananakit."
"Tigilan mo yan anak." Suway ni mama nang hindi man lang kami tinatapunan ng tingin.
Inis kong inalis ang pagkakurot ko sa kaniya at inirapan siya. "Hindi ka tatabi sakin mamaya. Akala mo ah." Panakot ko sa kaniya. Lihim akong natawa nang lumukot ang mukha niya.
YOU ARE READING
Zaniel Alejandrino
General FictionThey adore him so much despite of his attitude. He easily get annoyed, mad, and pissed. Every people around him are always afraid because of his aura. He's emotionless. His eyes are cold like an ice like nobody can melt it. He's so damn handsome, a...