47

4.3K 82 3
                                    

***

Ilang araw na ang lumipas simula nakita ko si Cassie Vera Buenavida. Bakit pakiramdam ko siya si Cassie. Ang babaeng mahal ko. Ang lakas ng kutob kong siya yun. Pero imposible.

Marahas kong sinandal ang ulo ko. "Fuck."

"Bud. Hindi ko pa rin lubos maisip na kamukha niya si Cassie."

Tumingin ako sa kaniya. Kunot-noo rin siya nakatingin sa kawalan. "Pero patay na siya."

"Kaya nga bud patay na nga si Cassie. Andun tayo ng mga panahon na nilibing siya. Pero bakit ganun? Posible pala maka encounter tayo na kamukha ng isang tao." Sagot niya.

Ininom ko muna ang isang basong alak na nasa kamay ko bago magsalita ulit.

"Lalong gumulo ang utak ko Lance."
Pag aamin ko sa kaniya.

Nag aalalang tumingin sakin si Lance.

"Pero tandaan mo bud. Huwag kang gagawa ng kalokohan. Kahit na kamukha siya ni Cassie. Huwag mong isipin na siya talaga yun. Dahil patay na siya. Naiintindihan mo ba?"

Nilingon ko siya. "I know."

"Excuse me sir Zaniel." Umangat ang tingin sa sekretarya ko. "What?" I asked.

Magsasalita na sana siya nang tumayo na si Lance. "Bud. Aalis na pala muna ako. Miss na daw ako ng anak ko eh."

"Okay." Sagot ko at sinundan siya ng tingin hanggang sa makalabas ng opisina ko. At muling tumingin sa sekretarya ko.

"May urgent meeting po kayo."

Kumunot ang noo ko. "Sino nag patawag ng meeting?" I asked her.

Sa pag kakaalam ko naman walang gaganapin na meeting sa araw ko ngayon.

"Ang Buenavida po sir."

Saglit akong natigilan at tinunguan na siya. Ang Buenavida? Ibig sabihin makikita ko si Cassie. Guguluhin na naman niya ang utak ko.

I closed my eyes. "She's not her Zaniel. Remember that." Matigas kong sabi at tumayo na.

"Why are you here?" Nagtatakang tanong ko kay Bettina kasama ang ina niya.

Andito na kami ngayon sa conference room kung saan gaganapin ang urgent meeting na sinabi ng Buenavida.

Ngumisi siya. "Baka nakakalimutan mong part din ako dito."

Inalis ko na lang tingin ko sa kaniya. Oo nga pala nag hahandle na rin pala siya ng ibang branches ng kumpanya ni dad. Pero bakit pati si Rebecca ay nandito din? Ni wala nga alam itong mag handle ng business. Ang alam lang ay gumasta ng pera ng ama ko.

Ilang minuto nang sa wakas ay dumating na ang mga Buenavida. Kaya umayos na ng upo ang mga taong nandito kabilang na din dun si dad.

Unang pumasok si Mrs. Margarita kasama ang asawa niya. Sumunod si David naka formal attire din...at pang huli si Cassie.

Unang nagtama ang paningin namin. Naka ilang segundo rin ang tinginan namin at siya na ang unang umiwas ng tingin sakin.

Biglang sumikip ang dibdib ko nang magtama na naman ang paningin namin ulit. Ako na ang unang umiwas ng tingin dahil kung tatagalan ko pa. Baka ano pa ang magawa ko. Baka bigla ko na lamang siya hilahin at yakapin. Dahil sa pag aakalang siya si Cassie.

"I'm really sorry for this urgent meeting. Sandali lang naman ito. Gusto ko lang sabihin sa inyo na hindi na magiging CEO muli si David."

Nawala ang pokus ko sa nararamdaman dahil sa babaeng ito nang magsimula nang magsalita si Mrs. Margarita. Nagtaka ako , kung hindi na magiging CEO si David sino ang papalit?

Zaniel Alejandrino Where stories live. Discover now