Pagkamulat ko ang gwapong mukha ni Zaniel ang bumungad sakin.
Nakangiti ito na abot hanggang tenga.
Mukhang masaya siya ah. Anong kaya meron?"Bakit ka nakangiti diyan ha?" Usisa ko. At sandali bakit nasa hospital na naman ako?
"Nahimatay ka baby kanina..." Sagot ni Zaniel sa katanungan sa isip ko. Nagsalubong tuloy ang kilay ko.
"Nahimatay na pala ako! Tapos sige ka pa rin sa pangngiti diyan. Nang ga'gago ka ba?" Asik kong sa kaniya.
Hindi ko alam kung bakit nagagalit ako ngayon. Basta naiinis ako sa kaniya. Kapal ng mukha niya. Nahimatay na nga ako. Tapos may gana pa siyang ngumiti ngiti diyan.
"Eh bakit ang sungit ng baby ko?" Mapang-asar na tanong niya at kinurot pa ang pisngi ko.
I gritted my teeth. "Don't pinched my cheeks. Umalis ka nga sa harap ko. Galit ako sayo."
Mas lalo akong nakaramdam ng inis nang tumawa pa ito. "Ano kakatawa? Umalis ka nga sa harapan ko." inirapan ko siya.
Ngumisi ito at akmang tatalikod para lumabas.
"At bakit ka aalis? Aalis ka talaga? Iiwan moko? Hindi mo na ako mahal. Ganon ba?"
Hindi ko maintindihan ang emosyon ko ngayon. Bago lang ito. Hindi naman ako ganito.
Napatigil si Zaniel at kinamot niya ang batok niya. Humarap muli siya sakin at nakangiting bumalik sa tabi ko.
"Mukhang mahihirapan ako ngayon ah."
I frowned. "Pinagsasabi mo?"
"Wala wala baby. Gusto mo na ba umuwi? Sabi ni Doc pwede ka naman na daw umuwi ngayon."
Hinalikan ako nito sa aking noo at labi. Napangiti naman ako at namula ang aking mukha.
"Ang sweet mo naman... " Puri ko sa kaniya at hinalikan din siya pero saglit lang. Baka mapunta na naman kami sa make love nito kapag pinatagal ko.
Napatigil ako sa pag ngiti at takang tumingin sa kaniya. "Sandali nga. Ano sabi ni doc? Bakit daw ako nahimatay?"
Hindi ito kumibo at kinuha lang ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad. "Hindi mo ba kinain yung pagkain na pinadala ko sa office mo kaninang tanghali?"
I bit my lower lip. "N-No. Ang pangit kasi ng lasa tapos ang sakit sa ilong."
"Ayan yung sagot sa tanong mo. Kaya ka nahimatay dahil wala kang kain. Konti lang naman kasi kinain mo kanina bago tayo umalis sa condo.. "
Nagtaka ako sa sarili nang bigla na lang nangilid ang luha ko. "I-I'm sorry..galit ka ba?"
"I'm not baby. Nag aalala lang ako. Sabihin mo sa akin kapag may nararamdaman ka okay? Kapag ayaw mo yung pagkain. Just tell me. "
"Opo." Napapikit ako nang alisin ni Zaniel ang luha ko sa mata gamit ang kaniyang hinlalaki. "Alam ba nito nila tita Rebecca?"
"Yes alam nila. Kakauwi lang din nila bago ka magkamalay. Pinapasabi ni dad. Huwag ka daw papalipas ng gutom."
Tumango-tango ako. "Yes sir!"
Natawa siya sa inasta ko. Pero natigil iyon nang bumukas ang pinto. Nanlaki ang mata ko mang mapasino ang mga bagong dating!
"Tita! Hello kuya David! Hi Tito!" Sunod sunod na bati ko sa kanilang tatlo. I miss them so much. Ilang araw na din kasi nang hindi kami nag kikita.
"Goodevening." Bati sa kanila ni Zaniel. Lumapit na rin ito sa kabilang side ng kama ko at silang tatlo naman ay umabante malapit sa gilid ko.
"Kamusta ka naman?" Ani tita.
YOU ARE READING
Zaniel Alejandrino
General FictionThey adore him so much despite of his attitude. He easily get annoyed, mad, and pissed. Every people around him are always afraid because of his aura. He's emotionless. His eyes are cold like an ice like nobody can melt it. He's so damn handsome, a...