45

3.8K 79 2
                                    

3 years later...

***
"Mag mano kana sa ninong mo anak." sabi ni Lance sa kaniyang anak.

Lumapit naman ito ka agad sa akin at binigyan ako ng isang matamis na ngiti.

Lumapad ang ngiti ko nang kuhain niya ang kamay ko at nilapat sa kaniyang noo. "Bless po ninong..." malambing na sabi ni Zeus na anak nila ni Stacie. Masaya ko siyang binuhat at kinuha ang candy na nasa bulsa ko.

"You want this Zeus?" I asked him.

Dahan dahan itong tumango. "Opo..." sagot niya. Kaya naman binigay ko na ito sa kaniya at ibinaba na.

"Baby last na yan candy okay? Baka sumakit ang ngipin mo." paalala ni Stacie na kakalabas lang sa kusina habang dala dala ang mga niluto niya.

"Yes mommy!" Malakas na sabi ni Zeus at pumunta na sa tabi ng mommy niya. Hindi ko maiwasan malungkot habang nakatitig sa anak nila.

Panigurado kasing edad lang ni Zeus ang anak namin ni Cassie. Kung nabubuhay pa silang dalawa.

Naputol ang titig ko sa anak nila nang akbayan ako ni Lance "Hindi ka pa rin ba nakaka move on kay Cassie bud?" he asked.

I smiled at him while shaking my head."Hindi mangyayari yon."

"It's been three years—"

"Babe..tigil tigilan mo nga yan si Zaniel. Mahal na mahal niya ang kaibigan ko. Kaya hindi talaga yan makaka move on. Nakikita mo ba yan kwintas na suot niya? Simbolo yan ng walang hanggan niyang pagmamahal kay Cassie."

Napakamot tuloy ng batok si Lance at inalis ang pag akbay niya sa akin. "I'm sorry bud. Nag aalala lang ako sayo. Kasi naman ang tagal na ng panahon na lumipas simula namatay ang mag ina mo. Sa tingin ko it's time to move on."

"You don't need to worry bud. I'm fine. Ayos lang sakin na tumandang binata. I made a promised to her that I won't replaced her in my heart no matter what happen." tinapik ko ang kaniyang balikat. "So shut up the fuck up will you?" bulong kong sabi. Ayokong marinig ng bata ang pag mumura ko.

"Halina kayo. Kain na tayo." Aya ni Stacie.

Ngumiti sa akin si Lance. "Okay fine bud. I will support you." nag fist bump muna kaming dalawa bago tuluyan pumunta na sa dining table.

Habang kumakain kami biglang nag salita si Stacie. "Nasabi nga pala sakin ng mga ka business partner natin na uuwi na ang pamilyang Buenavida."

Tumaas ang sulok ng labi ko. "Really? Ang tagal din nilang nawala ah." Sabi ko.

"Pero kahit naman matagal silang nawala. Lumalago lago pa rin ang mga kumpanya nila." sagot naman ni Lance bago uminom ng tubig.

Noong tinanong ko sila kung bakit sila aalis ng bansa. Tanging nasabi lang nila na may kailangan lang sila asikasuhin. Pero bakit umabot ng tatlong taon? I wonder why.

Tumikhim si Stacie kaya napatingin kami parehas sa kanila. "Kamusta naman ang mag ina?"

Mapakla akong tumawa. "Still the same. Lalo na si Bettina. Hindi pa rin tumitigil sa akin."

"So desperate..."mahinang usal ni Stacie habang napa iling iling naman.

"Indeed." Sagot ko at sinumulan na muling kumain. Kailangan ko pa palang bisitahin si Cassie.

Kakauwi ko lang kasi galing sa Australia dahil sa proyektong tinatapos ng kumpanya ko duon. I needed to be there kaya hindi ko na bisita ang puntod niya.

"Bakit parang nagmamadali ka? May pupuntahan ka ba?" Tanong ni Lance nang mapansin ang sunod sunod kong pag subo. Uminom muna ako bago ito sinagot.

Zaniel Alejandrino Where stories live. Discover now