15

4.8K 109 2
                                    

Lumikot bigla ang aking mata ng biglang magtama ang aming paningin.

Nakakatunaw. Nakakapanghina. Nakakahilo. Nakaka-kaba.

Ayan ang mga nararamdaman ko sa tuwing nagkakatinginan kami. Hindi ko man lang makayanan na tumingin sa kaniya ng normal lang , na hindi nagwawala ang puso ko. Ilang araw din kami hindi nag kita. Ang huling kita namin yung nag tinda siya palengke.

"Ikaw pala Zaniel! Buti naman naka abot ka samin." Masiglang ani ni Stacie na ikinataka ko. Tumingin lang ito sa kaniya ng seryoso at bumaling muli sa akin. Simple lang ang suot niya ngayon pero nakaka laglag panty ito. Yung buhok niya ay magulo pero ang ganda nito sa kaniya at bagay.

Naka abot saan?

Kumunot ang noo ko at bumaling kay Stacie nang puno ng pag tataka. Ngunit ngumisi lamang ito ng hilaw sa akin at umiwas ng tingin. Kaya wala akong nagawa kundi tumingin sa harap.

Andito rin nga pala si Peter. Nagtataka naman ako kung bakit siya narito. Mas nakakapagtaka naman lalo kay Zaniel.

Umabante ako ng kaunti upang makalapit kay Peter na may hawak hawak ng isang bouquet of red flowers. Para kanino yan?

Sumulyap naman ako sa isang lalaking narito rin na may hawak hawak din ng bouquet of white roses. Ano yan? Para sa babae niya?

Lihim akong napangiti ng mapagtanto ko na paborito kong bulaklak ang hawak niya. Pero agad din napawi iyon. Baka naman sa ibang babae yan. Huwag ka nga mag assume Cassie! Hindi para sayo yan--

"For you..." Sabay nilang sabi.

Bigla akong napa atras at napahawak sa braso ni Stacie na ngayon ngiting ngiti.

W-wait? Akin ang mga bulaklak na yan?

Nag palipat lipat ang mata ko sa sa hawak ng dalawang lalaking na naka lahad ngayon sa harap ko. Inilipat ko naman ang mata ko sa kanila. Una akong tumingin kay Peter na medyo madilim ang mukha ngunit nagawa pa rin itong ngumiti sa akin.

Tila nangungusap ang mata niya na kunin ko na ang hawak niyang bulaklak. Pero binaliwala ko muna yon.

Kumalabog naman bigla ang puso ko ng dahan dahan naman akong tumingin kay Zaniel na ngayon mas madilim pa sa madilim ang mukha niya. Mapanganib ito kung titignan.

Ngunit nawala din iyon pansamantala ng mapalitan ito ng isang pangaba o namamalikmata lang ako.

Nawala ang atensyon ko sa dalawa ng biglang tinanggal ni Stacie ang naka tali kong buhok kaya naman bumagsak na sa balikat ko ang kulot na buhok ko.

"Ang haba ng hair mo bestfriend!" Tawa pa nito habang hinahawi hawi pa ang buhok ko.

Masama ko siyang tinignan. "Tumigil ka nga." At tumingin na sa harapan.

Tinaas ko ang isang kilay ko. "Para san ba yan?" Taka kong tanong.

Kasi naman bakit ba ang haba ng buhok ko. Joke!

Ngumiti si Peter at inilapit niya pa ito sa akin. "Para sayo to Cassie. Congrats! Ang galing galing mo." Napangiti naman ako at malugod na tinanggap ang bulaklak. Babaling na sana ako sa isang lalaki ng bigla may yumakap sa akin.

"Proud na proud ako sayo!"

Hindi ko pa nagagantihan ng yakap si Peter ng mapatingin ako sa pwesto ni Zaniel na ngayon napaka talim ng pinupukol na tingin nito sa akin. Bigla akong nataranta na ewan.

Kaya naman pasimple kong tinulak ng bahagya si Peter upang makawala sa yakap niya.

Ngumiti ako sa kaniya. "Thankyou ah. Congrats din! Hindi ko talaga inaasahan na magiging Summa Cum Laude pa ako." At mahinang tumawa. Naging uneasy tuloy ako ngayon.

Zaniel Alejandrino Where stories live. Discover now