"SINONG nagsabi sa'yo na puwede mong dalhin kung saan ang kapatid ko?" malamig na sermon ni Rara sa SHS student na nakatayo sa tabi ng kapatid niyang si Ryder na halatang na-i-stress sa kanya ngayon. 'Trevor' daw ang pangalan ng classmate nito. "You should have called me. Pa'no kung may masamang nangyari sa inyo habang nasa labas kayo ng school?"
"Ate," saway sa kanya ni Ryder na halatang nahihiya sa ginagawa niya dahil namumula ang mga pisngi nito. "Kusa naman akong sumama sa kanya–"
"I'm not talking to you, Ryder."
Kinagat ng baby brother niya ang lower lip nito at hindi na nagsalita sa takot siguro sa kanya.
"Hindi ko naman pinilit si Ryder na sumama sa'kin, eh," nakasimangot na katwiran ni Trevor habang hindi makatingin ng deretso sa kanya. "Gusto rin naman niyang makita si Miss Feliz."
Na-mention na sa kanya ni Ryder noon si "Miss Feliz." Isa itong dating high school guidance counselor sa St. Patrick University. Pero sa pagkakatanda niya sa kuwento ng kapatid niya, nag-resign na raw si Miss Feliz no'ng isang buwan lang para lumipat daw sa isang health center kung saan mas kailangan daw ang serbisyo nito.
Apparently, her brother and his friend were attached to the former guidance couselor. Kaya hayun, dumalaw ang mga ito sa health center kung saan nagtatrabaho ang babae ngayon. Nahuli niya ang mga ito na pabalik pa lang sa university kaya habang hinahatid niya ang mga ito sa senior high building ay pinaamin niya ang mga ito kung saan nanggaling. Wala palang regular class ngayon ang mga senior high students kaya may free time ang dalawa. Na ginamit ng mga ito para lumabas ng university. Siguradong tinakasan ng mga ito ang mga guard dahil hindi naman puwedeng lumabas ang mga high school students kapag hindi pa oras ng uwian. Maliban na lang kung may permission mula sa teacher.
"So what?" putol niya sa sinasabi ng bata. "Ikaw pa rin ang mastermind nito. Will you take responsibility if my brother gets hurt because of your idea?"
"Chill, big sis," halatang iritadong sabi ng brat na 'to. "The health center is just a ten-minute walk from here. Plus, we're not school graders. We're already Grade 11 students."
"You're still kids," katwiran niya. "Give me Miss Feliz' phone number. Kakausapin ko siya para hindi na maulit 'to."
Hindi na nakasagot si Trevor na halatang napahiya sa mga sinabi niya. Pero nilabas nito ang phone nito at saglit iyong kinalikot bago inabot sa kanya. "Here's Miss Feliz' number."
Kinuha niya ang phone ng bata para tandaan ang phone number ni Miss Feliz. Hindi na niya 'yon kailangang kopyahin dahil maaalala naman 'yon ng utak niya. Mukhang hindi lang ang mga numero ang ma-i-imprint sa memory niya dahil nagkataong may kasamang picture ang contact info ng guidance counselor.
She's young and beautiful, huh? No wonder Ryder and Trevor like her.
Sa tantiya niya, nasa early to mid twenties lang si Miss Feliz.
Anyway, natahimik na rin ang hallway kung nasa'n sila habang kinakabisado niya ang number ng guidance counselor. Actually, nakatayo silang tatlo ngayon sa tabi ng staircase na pababa sa first floor. Wala nang mga estudyante sa paligid dahil nasa covered activity center na ang mga ito para sa afternoon program ng mga Grade 11 at Grade 12 students.
Buti na lang at naisipan niyang dalhan ng packed lunch si Ryder ngayon. Kung hindi, hindi niya malalamang lumalabas pala ito ng university kapag lunch break.
"I'm sorry, big sis," halatang sincere at na-gi-guilty na sabi ni Trevor na nakayuko at namumula pa rin ang mukha sa pagkapahiya. "Hindi na namin 'to uulitin so please 'wag mo nang istorbohin si Miss Feliz. No'ng dinalaw namin siya kanina, she looks stressed with her new job. Pinagalitan din naman niya kami kanina, eh. So please, don't call her."
BINABASA MO ANG
Miss Danger Finder
RomanceRara can smell dangerous people. Akala niya, advantage niya ang kakaiba niyang abilidad para mahanap ang mga tao na may malaking atraso sa pinsan niya. Pero nakilala niya si Geeq--- ang guwapong lalaking "odorless" sa pang-amoy siya. Is he a friend...