29: Ally

1.6K 56 3
                                    

"THIS IS a surprise, Rara."

Tumingala si Rara kay Geeq na nakatayo ngayon sa harapan niya at halatang nagmadali para makapunta sa kanya. Napansin din niya na basa pa ang buhok nito na tumutulo ngayon sa katawan nito. Nabasa tuloy ang suot nitong plain white T-shirt.

And boy did his shirt cling to his body nicely.

Mukha ring nakalimutan nitong mag-sinturon sa pagmamadali. His unbuttoned jeans barely clung to his waist after all.

"Geeq?"

"Yeah?"

Hinila ni Rara pababa ang suot niyang black surgical mask bago siya nagsalita. "You forgot to button your jeans."

Namula ang mukha ng lalaki, saka ito mabilis na tumalikod sa kanya para siguro ibutones ang pantalon nito.

Pinigilan niya ang mapangiti dahil sa ikinilos nito. Saka nakakatuwa rin na makitang nakasuot ito ng medyas kahit naka-slippers ito. His style reminded her of her father who also loved wearing socks in the house. Pero hindi na niya 'yon sinabi kasi sensitive si Geeq kapag pinag-uusapan ang edad nito.

Seeing him calms me down.

Tinawagan niya si Geeq kanina para itanong kung saang condominium building ito nakatira. Nang makuha niya ang address nito, nagpunta agad siya ro'n. Kaya heto ngayon siya, nakaupo sa isa sa mga sofa sa lounging area.

"I'm sorry about that," halatang nahihiyang sabi ni Geeq nang humarap na uli ito sa kanya, saka ito umupo sa tabi niya. "I was in a hurry."

"I can tell," sabi ni Rara, saka niya naisipang i-tease ito kahit ni-reject na nito ang advances niya. "Did you get excited when you received a call from a young woman at this hour?"

Gaya ng inaasahan niya, namula na naman ang mukha nito. "Do you want me to kick you out even before you step foot in my condo?"

"Just kidding," biglang bawi niya, saka niya inangat ang hawak niyang plastic bag na may lamang canned beers. 'Yong paperbag naman na nakapatong sa round table sa harapan nila ay may lamang sausage rolls. "I brought food."

"Uh, thanks," sabi nito, saka tiningnan ang relo nito. "But are you sure it's okay to still be out at this hour?" Tiningnan siya nito ng seryoso. "Rara, it's already 11PM."

"I'm an adult– it's fine," pag-a-assure niya rito. "Nagsabi naman ako kay Pia na sunduin ako mamaya kapag tapos na kong mag-report sa'yo."

Naging seryoso ang lalaki nang ma-realize nitong nagpunta siya ro'n para sa serious business. "Alright. Let's go."

Kinuha ni Geeq sa kanya ang mga dala niya, saka siya nito ni-lead papunta sa elevator. Nasa 9th floor ang condo unit nito at nagkataon pang may nakasabay silang isang couple habang nasa elevator sila kaya tahimik lang sila. Namukhaan niya 'yong lalaki kasi sigurado siyang artista ito kaya medyo nagulat siya nang batiin nito si Geeq na ngumiti lang. Madalas manood ng local teleserye si Ryder kaya kahit ayaw niya, natatandaan niya ang mga artistang nakikita niya sa TV.

He's handsome but he smells like garbage.

Pasimple niyang isinuot uli ang black surgical mask niya hanggang sa makalabas na sila ng elevator at wala na siyang maamoy na mabaho.

When they were inside his place, she realized that his unit was bigger than hers but they almost had identical interior design. Gaya ng condo niya, earth colors din ang dominant sa furnitures nito. Halata ring bachelor ang nakatira ro'n.

But it smells nice here. His place is spacious and clean, too.

"This is an ideal safe place for me," sabi ni Rara nang umupo siya sa sofa at ipinikit ang mga mata niya habang sinisinghot ang amoy ng condo. Ah, the lavender scent was strong here since he lived in this unit. "The whole place smells like you, Geeq. Nice."

Miss Danger FinderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon