12: Rivera Brothers

1.7K 72 5
                                    

"HAVE you gone crazy, Easton Euan Rivera?"

Tinawanan ni Eun ang tanong na 'yon ni Spence. "I really like Rara," sabi niya rito nang hindi nag-aangat sa kaharap niyang display drawing tablet na nakapatong sa kitchen island. Dino-drawing kasi niya ang magandang mukha ni Rara gamit ang hawak niyang pen-like stylus. Sa mismong monitor na siya gumuguhit dahil pang-artist talaga ang gamit niyang tab. "Wala na kong pakialam sa reason niya kung bakit niya ko nilapitan. I'm going to seize this chance."

"Yep, you've officially gone crazy," kongklusyon ni Spence. Kahit hindi niya ito nililingon, alam niyang ala-Cleopatra ito sa couch ng living room ng condo niya habang kinakain ang in-order nitong pizza kanina. "Kahit alam mo nang may hidden agenda si Rara Sandoval sa paglapit sa'yo, pinatawad mo agad ang babaeng 'yon. And now you're chasing her again."

"Why do you hate Rara that much?" reklamo niya rito. "She's just a tsundere. Mukha siyang cold pero deep inside, she's a nice girl."

"Nice girl my ass. Binugbog niya ang girlfriend ko, Eun."

Huminto siya sa pag-do-drawing at inalis ang suot niyang eyeglasses. Pagkatapos, tumayo siya at nagpunta sa sala. "Sydney and her sisters ganged up on Rara. What she did was called self-defense," pagtatanggol niya kay Rara, saka siya umupo sa lovechair. "Plus, Rara was quite beaten up, too. I'd like it if Sydney apologizes to her."

"That's never gonna happen, buddy."

"Then maybe you should apologize in behalf of your girlfriend."

Nilingon siya ni Eun para bigyan ng iritadong tingin. "Are you serious?"

"I am very serious, Spence."

"What if I don't want to do it?"

Eun gave Spence a cold stare as a response.

"Shit, Euan!" sigaw nito sa totoo niyang pangalan, saka ito bumangon at niyakap ang sarili. "You look like Weston when you're acting cold."

"Of course we look the same. Nakalimutan mo na bang magkapatid kami?" natatawang paalala niya rito. Pero mabilis din siyang naging seryoso. "Spence, I know that Rara is sketchy. Hindi ko rin alam kung pa'no niya nalaman ang tungkol sa House of Rivera kahit hindi naman siya member ng Clique natin. Even her desperation to find it is suspicious."

"And yet, you still trust her?"

Ngumiti siya nang maalala ang magandang mukha ni Rara. "I seriously like her."

For some reason, Spence suddenly looked sullen. "Eun, do you remember Weston's ex-girlfriend? The last one."

"That Vika girl?" nakasimangot na sagot niya dahil hindi maganda ang memories na meron siya sa babaeng 'yon. "What about that witch?"

Sasagot pa lang sana ang best friend niya nang mag-ingay ang phone niyang naiwan pala niya sa center table.

"That must be Kuya Weston," sabi ni Eun, saka niya kinuha ang phone niya. Si Weston nga ang nagtext at pinapapunta siya nito sa penthouse ng condominium building. Pagkatapos basahin ang text, tumayo na siya at nilingon si Spence. "Spence, aalis muna ko. Kuya Weston is here."

Nanlaki ang mga mata ni Spence na parang may na-realize. "Dammit, Eun! Don't tell me you're going to ask Weston to let you and Rara enter the House of Rivera?"

"I'm sorry, Spence," na-gi-guilty na sabi niya. "I promised you before that I'd bring you to the House of Rivera once Kuya Weston allows me. Pero mas priority ko ngayon si Rara, eh."

"Spence, you should know that Rara is–"

"Let's talk later, Spence," apologetic na putol niya sa sinasabi nito, saka niya ito tinalikuran. "Kuya Weston hates waiting."

Miss Danger FinderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon