19: Why Yellow

1.6K 71 7
                                    

"THE CAR used as a get-away vehicle was found but not the owner?" dismayadong tanong ni Rara habang nasa passenger seat siya ng Montero Sport ni Geeq. Meron din siyang hawak na cup ng matcha tea na binili nila kanina pagkatapos siya nitong sunduin sa condo niya. "Ang bilis namang makatakas no'ng fake doctor na 'yon."

"Unfortunately, that's true," iiling-iling na pagsang-ayon naman ni Geeq. Nag-da-drive ito at deretso ang tingin sa kalsada kaya hindi siya nililingon. "Kahapon, hinanap ng mga pulis ang mga CCTV footage sa area ang kotseng ginamit ng fake doctor. Nawala iyon sa isang street na sira ang CCTV kaya do'n nagsimulang maghanap ang mga pulis. Nakita nilang iniwan 'yong kotse sa harap ng isang abandoned building pero wala na ang driver. Nang i-check ang loob niyon, wala silang nahanap na evidence para magturo sa hinahanap nila. Not even fingerprints."

Hindi na siya nagulat dahil sa ospital, napansin na niyang nakasuot na ng surgical gloves ang fake doktor kahit hindi naman kailangan. Pero ngayon, naiintindihan na niyang ginawa nito iyon para hindi ito mag-iwan ng fingerprints.

"How about the CCTV footage in the hospital?"

"Na-check na rin 'yon ng mga pulis," pagkumpirma nito. "May nakita silang lalaki na nakasuot ng cap, leather jacket, pants, at boots na pumasok sa banyo. That guy also carried a huge bag with him. Hindi na ito nakitang lumabas uli pero may lumabas na isang guy na mukhang doctor kahit wala namang pumasok na doctor before him. So the police assumed that he changed clothes there."

"Nakita ba nila 'yong bag?" tanong agad niya. "Kung lumabas siya na naka-dress up na as a doctor, then may possibility na iniwan niya ang bag niya sa CR."

"It was gone," sagot nito sa halatang frustrated na boses. "Nakita sa CCTV na may lalaking pumasok na nakasuot ng outfit na kagaya no'ng suot ng fake doctor bago ito magpalit ng damit. When that guy went out of the comfort room, he had the bag with him. Unfortunately, hindi malinaw ang kuha ng CCTV sa mukha niya. Saka paglabas niya ng ospital, hindi na siya nakita."

Napasimsim siya ng tsa para kalmahin ang sarili dahil na-i-stress siya sa mga nangyari kahapon. "Their move yesterday was well planned, huh?"

Tumango ang lalaki bilang kumpirmasyon. "'Yong oras na dumating 'yong posibleng kasabwat para kunin 'yong bag eh 'yong oras din na hinahabol ni Manu ang fake doctor sa basement parking."

"Mister Geeq, tingin mo ba eh mga members ng Alpha Kappa ang nag-attempt ng kung ano kay Mr. Litimco kahapon?" curious na tanong niya mayamaya. "Kasi so far, sila lang naman ang may intensiyon para gawin 'yon, 'di ba?"

"Well, mahirap mambintang ng walang evidence," nag-aalangan na sagot nito. "Pero tama ka, Miss Sandoval. 'Yon nga rin ang iniisip ko."

"But if our hunch is correct, then it's weird," komento niya. "Nahihirapan na kayong hanapin ang mga frat members na 'yon kaya bakit nila i-ri-risk ang paggawa ng gano'ng move? Kung nakapagtago sila ng ganito katagal nang hindi nahuhuli, I assume na may utak sila." Natawa ng mahina si Geeq sa sinabi niya pero hindi naman ito nag-comment kaya nagpatuloy ito. "Kaya siguro naman, alam nila na kung may gagawin silang masama kay Mr. Litimco eh sila agad ang unang magiging suspect." Nilingon niya ang lalaki at napansin niyang kahit deretso ang tingin nito sa kalsada ay halatang nakikinig pa rin ito sa kanya. "It only means one thing, Mister."

"Meron silang importanteng bagay na kailangang gawin to the point na napilitan silang i-risk ang paglapit kay Uncle Wendell. That much is obvious," maingat na sabi ni Geeq na sinang-ayunan niya. "But the question is... what is it?"

"That fake doctor wasn't holding anything during that time," komento niya. Dahil sa matalas niyang memory, naaalala pa niya ang details sa fake doctor na na-encounter nila sa ospital. "He wore plain white doctor's robe then. Wala akong napansing nakaumbok sa breastpocket niya. Not even a pen. Of course, hindi ko masasabi kung meron siyang dalang syringe sa jeans pockets niya."

Miss Danger FinderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon