"SICA has Vika's USB. Technically, it was Weston's but let's just call it like that."
Nabigla si Rara sa sinabi ni Riri kaya napatingin siya sa pinsan niya sa rearview mirror ng kotseng sinasakyan nila. Nasa passenger seat kasi ito at katabi ang driver-slash-bodyguard nitong si M. Sila naman ni Geeq ang magkatabi sa back seat.
Nasa kasunod nilang kotse sina Manu at Sica na pinagmamaneho naman ni J– ang partner ni M at second bodyguard ng pinsan niya.
"Really?" gulat na tanong ni Geeq habang nakatingin sa pinsan niya. "I know that you're a human lie detector but I didn't know that you're this good at deducing, too."
Napakamot si Rara ng pisngi. Hindi ko na-mention kay Geeq na kayang basahin ni Riri ang isipan ng taong hahawakan niya sa kamay for ten seconds.
"It wasn't a deduction," kaila ni Riri sa normal nitong masungit na boses. "Binasa ko ang isipan niya kanina. That's why I got a nosebleed."
"You can read minds, too?" halatang amazed na tanong ng lalaki. "You're awesome, kid."
"Thanks."
"May iba ka pa bang nabasa sa isipan ni Sica kanina?" tanong ni Rara sa pinsan niya. "Anything na related sa kaso."
"Tulips," sagot ni Riri. "Her mind is filled with tulips."
Napapitik siya sa ere. "Nakalimutan kong itanong sa kanya kung siya ba ang nagpapadala ng tulips kay Vika araw-araw." Nilingon niya si Geeq. "Please remind me to ask her later."
"Will do," pangako ni Geeq sa kanya. "Marami bang sinabing lies si Sica kanina?"
"Yeah," sagot niya kasi alam niyang ayaw ni Riri na nagsasalita ng mahaba. Her cousin was a quiet person after all. "First, she lied when she said Mr. Litimco has Vika's USB. Second, alam ni Sica kung ano ang pinangba-blackmail ni Weston kay Vika aside from their sex videos. Third, may proof siya na tinatago ni Weston ang assailants ng Uncle Wendell mo. Fourth, nagsinungaling siya no'ng sinabi niyang naisip niya kong contact-in kasi pinsan ako ni Vika. Mukhang may iba pang reason kung bakit ako ang tinext niya."
"I can read her mind again," offer naman ni Riri. "I'll ask her about the things she lied about. Babasahin ko ang truth sa isipan niya."
"No, you won't," pigil naman niya rito. "You can read minds for only ten seconds, Riri. Tingin ko, hindi mo mababasa in ten seconds ang mga sagot sa mga tanong natin. Saka delikado sa kalagayan mo ang sunod-sunod na paggamit ng ability mo."
"If it puts your life at risk, then you shouldn't do it, Riri," gentle at maingat na dagdag naman ni Geeq. "We appreciate your help but the adults will take it from here."
"Fine," pagsuko naman ni Riri, saka nito tiningnan ang driver-slash-bodyguard nito. "Kuya M, 'wag mong sasabihin kina Mommy at Daddy na ginamit ko ang ability ko kanina, ha?"
"I won't," pangako naman ni M. "But please, Riri. Ipangako mong hindi ka mapapahamak. Your grandfather will kill me if something bad happens to you again under my watch. Nasaksak ka na sa harapan ko noon at ayoko nang maulit pa 'yon."
"It won't happen again," pag-a-assure naman ni Riri sa bodyguard nito. "Gusto ko pang pakasalan si Stranger kaya hindi na ko kasing reckless gaya ng dati."
"That's good to hear," sabi ni M, saka siya nito sinulyapan sa rearview mirror no'ng huminto ang kotse dahil sa traffic light. "Rara, in-explain na sa'kin ni Riri ang nangyayari. Alam kong ginagawa mo 'to para kay Vika. Pamangkin ko kayo at aware ako na dapat eh pigilan ko kayo. Pero deep down inside, gusto ko ring maging successful kayo." Humugot ito ng malalim na hininga. "So I'll just keep quiet and protect you at all cost. But please, be extra careful."
Tumango si Rara. "Yes, Tito M."
Nilingon siya ni Geeq at halata sa mukha nito ang pagtataka.
"He's my biological uncle," sagot niya sa tanong na halata naman sa mga mata nito. "Kapatid siya ng daddy ko. Simula nang nagpunta si Dad sa China para mag-work do'n, si Tito M na ang naging father figure namin ni Ryder bago siya nagpunta sa Manila para maging bodyguard ni Riri."
No'ng panahong 'yon, hindi pa okay ang samahan ng lolo at mommy niya kaya simple pa lang ang pamumuhay nila ni Ryder. Si Riri lang ang may bodyguard no'n kasi iyon din ang panahon na inaakala nilang tita nila ang babae.
For some reason, Geeq suddenly looked flustered while stealing glances from M. Parang hindi nito alam kung babatiin ang tito niya o ano kahit binati naman na nito si M kanina sa maayos at magalang na paraan kahit hindi pa nito alam ang koneksyon niya sa lalaki.
Geeq is always polite to everyone.
"Magkikita nga pala kami ni Eun mamaya," sabi ni Rara, saka niya nilingon si Geeq na nakatingin na sa kanya. "Susunduin niya ko saka ihahatid sa condo kaya hindi mo na ko kailangang samahan. Tulungan mo na lang sina Manu at Sica na mag-unpack sa condo."
Kumunot ang noo ni Geeq. "Pumayag ka nang ihatid-sundo ni Eun?"
"Why not?"
"Someone is jealous," halatang nanunuksong pagsingit naman ni Riri sa usapan nila.
Namula naman ang mukha ni Geeq. "I'm not jealous."
"You're lying," sabi ng pinsan niya sa mayabang na boses. "You can't lie to me, Geeq."
At mas lalo na ngang namula ang lalaki.
"Riri, 'wag mong gamitin ang ability mo sa ganyang paraan," natatawang saway ni M dito, saka ito nagsimulang magmaneho uli. "Hayaan mo silang magligawan sa pace nila."
Nag-pout lang si Rara kasi wala namang "ligawan" na nangyayari sa kanila ni Geeq. Hinalikan nga siya nito sa noo pero mukha namang wala 'yong malisya. Na-te-tempt siyang gamitin ang ability ni Riri sa lalaki pero pinigilan niya ang sarili.
"Sa'n kayo pupunta ni Eun?" tanong ni Geeq mayamaya. "Para lang alam ko ang location mo just in case may mangyaring kung ano."
"Sa mall lang," sagot niya. "Bibili na kami ng isusuot namin sa party."
"Sasabay na ko sa inyo," sabi ni Geeq. "May bibilhin din naman ako sa mall."
Riri then started to "cough." "Liar."
Hindi siya nagdududa sa abilidad ni Riri pero nakakatuwang makita ang pamumula ng mga pisngi at tainga ni Geeq. Nakakapagtaka na nagsisinungaling pa rin ang lalaki kahit alam naman nitong may kasama silang human lie detector.
"Marupok ako ngayon, Geeq," pag-tease dito ni Rara. "I already gave up on you, you know."
"Ate Rara," iiling-iling na sabi ni Riri sa kabila ng pagsaway dito ni M. "You're lying."
BINABASA MO ANG
Miss Danger Finder
RomanceRara can smell dangerous people. Akala niya, advantage niya ang kakaiba niyang abilidad para mahanap ang mga tao na may malaking atraso sa pinsan niya. Pero nakilala niya si Geeq--- ang guwapong lalaking "odorless" sa pang-amoy siya. Is he a friend...