15: Repulsive Smell

1.6K 78 2
                                    

"WESTON Rivera is kind of weird, isn't he?"

"Yeah," pagsang-ayon ni Rara sa sinabi ni Geeq habang magkatabi silang nakatayo sa loob ng elevator habang pareho silang may dalang basket. Bulaklak ang laman ng kanya at prutas naman ang dala ng lalaki. Sila lang ang laman ng elevator kaya malaya silang nakakapag-usap ng gano'n. "Pinipili niya ang mga guest niya based sa face value. How shallow."

"Isipin na lang natin na blessing in disguise ang kababawan niya," nangingiti habang iiling-iling na sabi ni Geeq. "Kasi kung face value lang din naman ang pagbabasehan niya, siguradong pasado ka na."

"Pa'no mo naman nasabi 'yan?"

Natawa ito at tiningnan siya na para bang tinatanong kung seryoso siya. "Miss Sandoval, have you seen yourself in the mirror? Your face is an asset."

"Thanks, I guess," sabi niya. "But still, I need to dress up."

Magpapasama na lang siya kay Riri na mag-shopping dahil fashionista ang pinsan niya. Isa pa, mahilig itong mag-shopping kaya marami itong alam na boutique.

"Puwede kitang samahang bumili ng dress," offer ni Geeq mayamaya. "I'm kind of good at choosing dress for the ladies, just in case you need help."

"Is it too obvious that I lack fashion sense?"

Namula ang mukha nito na parang napahiya. "Hey, I didn't mean it that way. I just really want to help. Feeling ko kasi, wala akong naitutulong kahit partners tayo dito."

"I know- I was just kidding."

"Argh, seriously," natatawa at iiling-iling uli na komento nito. "Ikaw lang ang kilala ko na ganyan ka-straightface kapag nagjo-joke."

"I'm sorry," sabi niya. "I need your help, Geeq. Ikaw na sana ang bahalang pumili ng dress for me kasi to be honest, wala akong idea sa isusuot ko."

Nakangiting tumango ang lalaki. "Ako nang bahala."

Bumukas na ang elevator at pinauna siya nitong lumabas bago ito sumunod sa kanya. Pagkatapos, naglakad na sila papunta sa hallway.

"Hey, man," bati kay Geeq ng isang lalaking nakatayo sa tapat ng vending machine. The guy was literally tall, dark, and handsome. He gave off the alpha male vibes, too. "You're here."

Mabilis na bumaba ang mga mata ni Rara sa hawak na basket ng lalaki. Tulips ang laman niyon at ang arrangement niyon, halos katulad ng mga tulips na araw-araw dumadating sa hospital room ni Vika. Maybe they're from the same flower shop.

Ngumiti si Geeq sa lalaki. "Are you here to welcome us, Manu?"

Ah, he's Manu, sabi ni Rara sa isipan, saka niya binaba ang suot na black surgical mask. Sanay na si Geeq sa kanya kaya hindi niya 'yon inaalis 'pag nag-uusap sila. Geeq's best friend.

Kagabi, tinawagan siya ni Geeq at tinanong siya kung okay lang daw ba sa kanya kung ipapakilala raw siya nito kay Manu- ang kaibigan daw nito at anak ni Mr. Litimco. Alam niyang may kinalaman sa kaso nila ang imbitasyon na 'yon kaya pumayag agad siya. Isa pa, rest day naman niya ng araw na 'yon.

"Rara, this is SPO4 Manu Litimco- the friend I was talking about," pagpapakilala ni Geeq dito. "Manu, this is Miss Rara Sandoval."

Nag-shakehands sila ni Manu pagkatapos magpakilala sa isa't isa.

"Thank you for accepting my invitation, Rara," sabi ni Manu sa malalin at nakaka-intimidate na boses. Well, seryoso rin naman ang mukha nito- kabaligtaran ni Geeq na laging nakangiti. "Saka pasensiya ka na kung ikaw pa ang pinapunta ko dito sa ospital. Si Mommy kasi dapat ang nakatokang magbantay ngayon pero kaninang umaga, nahilo siya. Kaya pinagpahinga ko muna siya sa bahay. So ako uli ang nakabantay dito sa ospital."

Miss Danger FinderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon