"THIS is Jessica 'Sica' Feliz– the person who has been sending us anonymous text messages."
Narinig ni Rara ang sinabi ni Geeq pero hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya kay "Sica" na kalmadong umiinom ng tsa sa harapan nila. Merong nakapagitang bilog na mesa rito at sa kanila ni Geeq na magkatabi naman.
She's making me restless.
"Did you approach my brother on purpose?" deretsang tanong ni Rara kay Sica. Hindi siya mapakali dahil naalala niyang close si Ryder kay 'Miss Feliz.' Kung ito si Ally, hindi imposible na alam din nitong kapatid niya si Ryder. "May agenda ka ba sa paglapit sa kapatid ko?" Tiningnan niya si Geeq na halatang naguguluhan sa mga tanong niya. "Geeq, you have to know that she's close to Ryder and Trevor. Trevor is your nephew, isn't he?"
"Uhm, Rara, matagal nang kilala ni Trevor si Sica," paliwanag ni Geeq sa maingat na boses. "Sica is Manu's ex-girlfriend. I've mentioned that Manu is my childhood friend, haven't I?" Nang tumango lang siya ay nagpatuloy ito. "Dahil part na si Manu ng family namin, ini-invite namin sila ni Uncle Wendell kapag may family outing kami and vice-versa. And during the time Manu was dating Sica, he'd bring her along. Kaya bata pa lang si Trevor eh parang ate na ang trato niya kay Sica."
"More like an aunt, actually," nakangiting komento naman ni Sica dahilan para sabay nila itong tingnan. "Trevor used to call me 'Aunt Sica' before. Pero no'ng nag-meet kami sa St. Patrick no'ng guidance counselor pa ko ro'n, saka niya lang ako tinawag na 'Miss Feliz.'" Tiningnan siya nito pagkatapos nitong ibaba sa mesa ang tasa. "Rara, I didn't approach your brother on purpose. I worked as a guidance counselor in the high school department of St. Patrick for two years. But to be precise, I was a student life counselor then. Bago mag-senior high ang mga Grade 10 students, nag-ko-conduct kami ng counseling para tulungan silang magdesisyon kung saang track sila bagay. I'm a licensed Psychometrician and my previous work before I became a school counselor was a little bit similar to that. I administer and interpret psychological tests, IQ and Personality tests, conduct initial interview, and write Psychometric Evaluation results. Kaya no'ng school counselor pa ko, maraming students ang lumalapit sa'kin para kumunsulta tungkol sa career path nila or kapag may problema sila sa academics. And one of them was Ryder Sandoval. He was a transfer student, wasn't he? No'ng first month ng pagiging Grade 11 student niya, dinala siya sa'kin ni Trevor. Sinabi sa'kin ng kapatid mo na gusto na niyang bumalik sa dati niyang school kasi na-mi-miss niya raw ang old friends niya."
Napapiksi siya dahil totoo ang sinasabi ni Sica ngayon. Minsan na rin niyang kinausap si Ryder noon dahil sa pag-ta-tantrums nito at kagustuhang bumalik sa old school nito. Pero wala rin namang sense 'yon kasi hindi naman HUMSS ang academic track ng squad niya kaya hindi ko siya pinayagang bumalik sa province namin.
"Binigyan ko noon ng advice si Ryder tungkol sa pag-ba-balance ng career at social life," pagpapatuloy ng babae. "I guess it worked because he stayed."
Tumaas ang kilay niya kahit hindi niya intensiyon 'yon.
Kaya pala tumigil din agad si Ryder sa pagmamaktol niya before.
Gusto niyang i-acknowledge ang galing ni Sica sa profession nito pero naiirita pa rin siya. Hindi siya masayang malaman na merong tao na involve sa "House of Rivera Case" na malapit sa kapatid niya. Plus, the strong scent of different flowers around them was making her irritable.
I can't even smell Sica so I'm unable to tell if she's dangerous or not.
Maaamoy din naman niya ito kapag wala na sila sa flower shop. Pero hangga't hindi niya ito naaamoy, hindi niya maibibigay dito ang buo niyang tiwala. Kaya nga ganito kataas ang depensa niya kahit pa magmukha na siyang hostile.
BINABASA MO ANG
Miss Danger Finder
RomanceRara can smell dangerous people. Akala niya, advantage niya ang kakaiba niyang abilidad para mahanap ang mga tao na may malaking atraso sa pinsan niya. Pero nakilala niya si Geeq--- ang guwapong lalaking "odorless" sa pang-amoy siya. Is he a friend...