11: Partners in Crime

2.1K 85 5
                                    

"I'M SO sorry, kids," sincere at nakokonsensiyang sabi ni Rara. "I didn't expect that the Head of Security would show up."

"He's scary," reklamo ni Thunder– iyong lalaking naka-red hoodie– habang ginagalaw-galaw ang mga balikat nito. "I thought he was gonna break my arm."

"And did you really have to throw your drink at me, Ate Rara?" reklamo ni Stranger habang hawak ang black hoodie nito na hinubad nito kanina kaya naka-white T-shirt na lang ito ngayon. "Riri gave me this as a gift so this is precious to me."

Si Riri ang girlfriend ni Stranger at ang pinsan niyang may special ability na malaman kung nagsisinungaling ba ang isang tao.

"I already said I'm sorry," reklamo ni Rara dahil naririndi na siya sa pagrereklamo ng dalawang 'to. "If you don't stop complaining, I'll hit you."

Pumalataktak si Thunder habang iiling-iling. "What a delinquent."

"I know, right?" dagdag naman ni Stranger. "I can't believe a violent person like her is going to be a future educator– aw!"

Hindi na niya napigilang bigyan ng tig-isang karate chop sa ulo sina Thunder at Stranger. "Magkapatid nga kayo."

These two weren't blood-related. Stepson ng mommy ni Stranger si Thunder kaya mag-stepsiblings ang dalawa. Pero kahit hindi magkadugo, totoong magkapatid na ang turungin ng mga ito. They were also best friends since they were around the same age. Nineteen na si Stranger at eighteen naman si Thunder pero parehong nasa Grade 11 pa lang ang mga ito.

"Miss Rara, I prepared your favorite green tea," pormal na sabi ng personal female bodyguard niyang si Pia (na suot pa rin ang standard black suit uniform mula sa agency na pinanggalingan nito). Pagkatapos, nilapag nito sa tapat niya ang tasa ng tsa bago nilingon sina Thunder at Stranger. "And I prepared hot chocolate for the kids."

"I'm not a kid," sabay na reklamo nina Thunder at Stranger pero nagpasalamat din naman kay Pia at kinuha ang kanya-kanyang mug ng tsokolate.

Pagkatapos silang ipaghanda ni Pia ng inuman, magalang itong nagpaalam para raw kunin ang home-made pizza na ginawa raw nito para merienda nila ngayon.

"Ate Rara," pagtawag sa kanya ni Stranger nang makaalis na ang bodyguard niya. "Na-mention ni Ryder sa'min noon na may pagka-delinquent ka raw no'ng nasa high school ka pero hindi kami naniwala. But now..." Tiningnan nito ang mga kalmot at pasa niya bago siya binigyan ng seryosong tingin. "I guess it's true."

Sumimsim siya ng tsa bago sumagot. "I didn't choose the delinquent life then. It chose me."

Sabay na napangisi ang mag-stepbrothers.

"It's true," depensa naman niya sa sarili. "You know about my ability, don't you? I can smell dangerous people so from the moment we discovered my special ability, my parents enrolled me to various self-defense classes. I was only eight then." Iyon 'yong panahong nakumpirma nila ang special ability niya dahil ang akala ng mga magulang niya noon ay maselan lang ang pang-amoy niya. "Pero nakikipag-away lang naman ako kapag may umaaway kina Ryder at Vika, eh." Inambahan niya sina Thunder at Stranger na parehong natawa habang pinagku-krus ang mga braso. "I'm not a delinquent."

"Fine, you may not have been a delinquent then," komento naman ni Thunder na naging seryoso na uli. "But Ate Rara, why are you doing this? Bakit inutusan mo kami ni Stranger na awayin 'yong manliligaw mo?"

"And you looked so awkward while acting like you cared for that dude," dagdag ni Stranger. "Had he not been too infatuated with you, he would have noticed that you weren't being sincere. Ngayon pa lang, naaawa na ko sa kanya."

Hindi ka maaawa sa kanya kung alam mong konektado siya sa mga taong gumawa ng masama kay Vika.

Pero dahil high school students palang sina Thunder at Stranger, hindi niya sinabi sa dalawa ang totoong plano niya. Kapag nalaman ng mga ito na may hinahanap siyang mapanganib na tao, siguradog magsusumbong sa adults ang magkapatid.

Miss Danger FinderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon