16: Unexpected Attack

1.5K 76 3
                                    

YOU STUPID knee!

Nakaupo ngayon si Geeq sa staircase ng emergency exit habang pinupukpok ng kamay ang kanang tuhod niyang bumigay kaya hindi niya nahabol 'yong pekeng doktor. Habol din niya ang hininga dahil pagkatapos ng therapy niya, ngayon lang uli siya tumakbo ng ganito.

Dammit!

Two months ago, he was involved in a car accident. Nagpunta siya sa Evangelista University no'ng gabing 'yon dahil susunduin niya ang pamangkin niyang si Trevor. May school program kasi ito na inabot na ng ala-siete ng gabi. Pero hindi na pala kailangan dahil sinundo rin ito ng Kuya Noa niya na nag-utos sa kanya. But apparently, his brother's meeting was cancelled.

No'ng pauwi na siya, nakita niya ang isang kotse na gumasgas sa Pajero niya. Dahil stressed siya sa nangyari kay Uncle Wendell at sa iniwan nitong message sa kanyang hindi niya ma-solve, nag-vent out siya sa driver. Hinabol niya ito sa kabila ng babala sa kanya ni Rara. Siyempre, estranghera pa lang ito sa kanya noon kaya hindi niya pinansin ang mga sinabi nito.

Nang hinabol niya ang pulang Chevrolet, nakarating sila sa kalsada na usually ay ginagamit ng ilang mga pasaway na estudyante ng Evangelista University sa illegal car racing. Alam niya dahil ilang beses na ring naibalita sa national TV ang "problematic rich kids" ng unibersidad.

Akala niya ay hahamunin siya nito ng karera pero sa pagkagulat niya, biglang inatras ng driver ang pick-up truck nito hanggang sa tumama iyon sa bumper niya. Sa bilis niyon, naging malakas ang impact at nayupi ang harapan ng sasakyan niya. Ang mas masaklap pa ro'n, tumama ang tuhod niya sa dahsboard.

"Geeq!"

Nagulat si Geeq nang pag-angat niya ng tingin ay sumalubong sa kanya si Manu. "Iniwan mo si Rara?"

"She asked me to follow you," sagot ni Manu, saka nito hinawakan ang pupulsuhan niya para pigilan siya sa ginagawang pagpukpok sa tuhod niya. "Stop that, jerk. Katatapos lang ng rehabilitation mo. Gusto mo bang ma-fracture na naman 'yang buto mo, ha?"

"Tsk."

Nagkaro'n siya ng patellar fracture dahil sa malakas na pagtama ng tuhod niya sa dashboard no'ng naaksidente siya noon. Unfortunately, some pieces of his bone were displaced so he had to go under the knife. Pagkatapos ng surgery niya, sumailalim naman siya sa rehabilitation.

Sa tulong ng physical therapist niya, naigalaw niya uli ang tuhod niya. Bumalik rin ang lakas ng leg muscles niya at nabawasan ang stiffness. Mahigit isang buwan din siyang nagdusa dahil sa nangyaring iyon.

Mabuti na lang talaga at nahuli ang male driver ng Chevrolet. Naipakulong agad nila ito dahil bukod sa sinadya siya nitong saktan ay nagmamaneho rin ito habang lasing. 'Yon nga lang, naging controversial ang balita dahil instructor ito sa Science Department ng Evangelista University. Ngayon niya lang na-realize na sunod-sunod pala ang bad news sa unibersidad, ha?

Kaya siguro gumamit na sila ng power sa media para i-shut down agad ang balita tungkol kay Uncle Wendell.

"Don't worry about me, Manu," sabi ni Geeq dito, saka niya itinuro ang pababang hagdan. "Chase that fake doctor. Kung dito siya tumakbo, malaki ang possibility na sa parking space sa basement siya papunta. You run fast, Manu. O baka naman masyado ka nang matanda para-"

"Screw you, man," halatang iritadong sabi ni Manu, saka ito tumakbo pababa ng hagdan. "We're the same age, okay?"

Tinawanan niya lang ang kaibigan, pero mabilis din siyang napangiwi nang kumirot na naman ang tuhod niya. Biglaan kasi ang pagtakbo niya kanina kaya siguro nabigla ang tuhod niya at bumigay. Hindi naman kasi siya puwedeng mag-warm up muna sa sitwasyon kanina.

I need to see Rara.

Tumayo siya at pinilit ang sariling maglakad. Binagalan niya ang paglalakad para ingatan ang tuhod niya kaya inabot din siya ng ilang minuto bago siya nakabalik sa hospital room ni Uncle Wendell. Nang nakita niya ang Head of Security ng ospital, naintindihan na niya kung bakit iniwan ni Manu si Rara kanina.

"Sir Quindoza," bati sa kanya ni Jose- ang matandang Head of Security na nagmula sa agency ng lolo niya kaya kilala siya nito. Saka madalas niyang binibisita si Uncle Wendell sa ospital kaya pamilyar na rin sa kanya ang ibang mga security guard do'n. "May batang babae na tumawag ng security kanina. Ayon sa kanya, meron daw nagpapanggap na doktor dito at tinangkang pasukin ang kuwarto ni Mr. Litimco. Totoo ba 'yon?"

Sa totoo lang, hindi pa sigurado si Geeq kung peke ngang doktor ang nakita nila kanina pero kapag sinabi ni Rara na mapanganib ito, walang duda 'yon. "I'll explain later, Manong Jose. Nasa'n po 'yong batang tumawag sa inyo?"

"Ah, tumakbo siya papuntang banyo pagkatapos niyang mag-report sa'min," nag-aalalang sagot ng matanda. "Mukhang masama talaga ang pakiramdam niya kasi namumutla siya. Pero bago siya umalis, nakiusap siya sa'ming bantayang mabuti ang kuwarto ni Mr. Litimco."

"Mr. Quindoza," pagtawag sa kanya ni Dr. Raymundo- ang doktor ni Mr. Litimco- kasunod ang ilang hospital staff. "We called the police. Totoo bang may nagpapanggap na doktor dito na muntik nang pumasok sa kuwarto ni Mr. Litimco?"

Hindi na siya nagulat na parehong tanong ang natanggap niya mula sa doktor dahil nakakapag-alala nga naman ang nangyari. "Doc, pasensiya na pero mamaya na uli ako mag-e-explain. May kasama kasi akong bata na kailangan ko munang hanapin. Mukha kasing na-traumatize siya sa nangyari kanina."

Bago pa may kumontra, naglakad na siya ng mabilis palayo sa mga ito para magpunta sa banyo sa floor na iyon. Nang makarating siya ro'n, huminto siya sa tapat ng pinto ng gentleman's room dahil hindi naman siya puwedeng sumilip sa ladies' room. Pero kahit nasa labas siya, may naririnig siyang ingay na para bang may sumusuka.

That must be Rara.

Naawa siya sa babae pero wala naman siyang magawa para rito.

Naputol lang ang pag-iisip ni Geeq nang mag-vibrate ang phone niya sa bulsa ng pantalon niya. Sinagot agad niya 'yon nang makita niya ang pangalan ni Manu sa caller ID. "What ha-"

"Dammit, Geeq!" galit na bati sa kanya ni Manu. Bihira lang itong mawalan ng composure kaya sigurado siyang may masamang nangyari rito. "That crazy fake doctor tried to run over me with his car. I got the plate number and I sent it to my colleagues. Then, I asked them to look for the owner." He took in a sharp breath. "Sinubukan ring habulin ng mga security guard dito 'yong fake doctor pero hindi na namin nahabol."

Kumunot ang noo niya sa pag-aalala. "Were you hurt, Manu?"

"Just a bit," pag-amin nito. "Natumba at gumulong ako sa kalsada no'ng iniwasan ko 'yong kotse. I got a few cuts and scratches but I'm fine. Pabalik na ko d'yan."

"Yeah, you better get you ass here, man. Ipalinis mo 'yang mga sugat mo sa doktor."

"Hassle. I won't die from these little cuts," reklamo nito. "Anyway, what the hell happened back there, Geeq? Pa'no nalaman ni Rara na fake doctor 'yon? And what did she mean when she said that the stranger smelled bad? Wala namang masamang amoy 'yong lalaki, ha? Plus, she looked really sick earlier- like she wanted to throw up."

Napakamot siya ng pisngi dahil in-expect na niya na maraming tanong si Manu. Observant ang kaibigan niya kaya imposibleng hindi nito napansin ang nangyari kay Rara kanina. "Manu, I have a favor to ask. Padating na ang mga pulis dito. Kapag nagtanong sila, 'wag mong sasabihin 'yong mga sinabi ni Miss Sandoval."

"Why?"

"Please," pakiusap niya rito himbis na sagutin ang tanong nito. "Gusto kong sabihin mo sa kanila na sinita mo lang 'yong fake doctor kasi ngayon mo lang siya nakita dito sa ospital. No'ng tumakbo siya, hinabol ko siya kasi suspicious ang kinilos niyang 'yon. Then, you asked Miss Sandoval to call for the security team before you followed me. Hindi naman maririnig sa CCTV ang mga sinabi ni Miss Sandoval kaya gusto kong ito ang maging statement natin sa mga pulis."

Matagal bago sumagot si Manu na siguradong pinag-isipang mabuti ang desisyon nito. "Fine, I'll do that. It sucks that you're making me lie to my fellow police officers but I trust you, Geeq. Alam kong hindi mo 'to ipapagawa sa'kin kung wala kang valid reason. I expect you to explain everything to me after this though."

"I will," sagot naman ni Geeq. "Thanks, man."

Miss Danger FinderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon