THE BUZZER on the table went off and successfully broke the silence between Rara and Eun who obviously looked shocked by her coldness.
"I'll get our drinks," prisinta ni Rara, saka siya tumayo bitbit ang buzzer. Pagkatapos, dumeretso na siya sa counter. Those kids should be here by now.
Pagkakuha niya sa tray na naglalaman ng iced matcha niya at hot chocolate ni Eun ay naglakad na siya pabalik ng mesa nila. Pero palapit pa lang siya nang biglang tumayo ang lalaki at nagmamadaling lumabas ng café. Nang tumingin siya sa labas ng glass wall, nakita niya ang pamilyar na pulang pick-up truck na gumasgas sa black Jaguar ni Eun.
The show is starting.
Nilapag niya sa mesa ang tray pero binitbit niya ang mga drinks sa paglabas niya ng café. Naabutan niya si Eun na kinokompronta na ang dalawang matangkad na lalaki. Yes, the two "kids" were taller than him.
"I said I'll pay you for the damage, didn't I?" galit na sabi kay Eun ng lalaking nakasuot ng black baseball cap at black hoodie kaya hindi ga'nong nakikita ang mukha nito. "I also gave you my contact info. What the fuck do you still want from me?"
"I want you to apologize, dude," kunot-noong sabi naman ni Eun, saka nito tinuro ang malaking gasgas ng powered door ng Jaguar nito. "Ang laki ng gasgas na ginawa mo sa baby ko, o. Have some decency to apologize first before you offer to pay for the damage." Tiningnan nito ang kausap mula ulo hanggang paa sa nangmamaliit na paraan. "Do you even have enough money to pay me? You're just a teenager, aren't you?"
"You're being arrogant now," sabi naman ng isa pang lalaki na nakasuot naman ng pulang baseball cap at pulang hoodie. Hinablot pa nito ang kuwelyo ni Eun. "We can pay you from our trust fund, okay?"
Ngumisi si Eun. "Oh. You're just trust fund babies then, huh?"
You're a trust fund baby, too, iiling-iling na komento ni Rara sa isipan niya. I heard you don't take your classes seriously since you don't need to work to maintain a comfortable life.
"You know what?" sabi naman ng naka-black hoodie. "Let's talk somewhere else."
Nakita niya ang pagdaan ng takot sa mukha ni Eun nang hilahin ito palayo ng lalaking naka-red hoodie. Alam niyang duwag ito at hindi sanay sa pakikipag-away. Masyado kasi itong sheltered at "untouchable" dahil kinakatakutan sa university ang Kuya Weston nito.
Okay, it's now my turn to act.
"Hey, why are you ganging up on one guy, brats?" sabi ni Rara nang lumapit siya sa tatlong lalaki. "And is that how you treat a person who's obviously older than you, huh?"
Halatang nataranta si Eun sa "pagsingit" niya sa eksena. "Rara, I'm okay. Go back inside the café. I'll just talk to these kids."
"You don't have to come with them," sabi niya rito. "I'll call the police and let them settle this. Saka sila naman ang may atraso sa'yo, eh."
"'Wag ka ngang makialam dito," angil sa kanya ng naka-black hoodie, saka siya tinulak dahilan para mapaatras siya. "You're being too nosy– hey!"
Hinagis kasi niya ang hawak niyang iced matcha sa lalaking nakaitim kaya hindi nito natapos ang sinasabi. Natanggal din ang lid ng cup sa paghagis niya niyon kaya tumapon ang malagkit at mainit na likido sa sleeve ng hoodie nito. Pero siniguro naman niyang madadaplisan lang ito at hindi mapapaso.
"Don't be disrespectful to your seniors," sermon pa niya rito, saka niya hinila si Eun na binitawan naman ng naka-red hoodie. Pagkatapos, binigay niya kay Spece ang hot chocolate bago pa niya makalimutang mainit iyon at baka maitapon niya sa mga bata. "Here's your drink. Inumin mo 'yan para kumalma ka."
BINABASA MO ANG
Miss Danger Finder
RomanceRara can smell dangerous people. Akala niya, advantage niya ang kakaiba niyang abilidad para mahanap ang mga tao na may malaking atraso sa pinsan niya. Pero nakilala niya si Geeq--- ang guwapong lalaking "odorless" sa pang-amoy siya. Is he a friend...