I posted this update earlier than what I announced yesterday because I'm super sleepy na. Sorry. Enjoy reading. ❤
***
A DOG café?
Tiningnan muna uli ni Rara ang address na nakalagay sa text na natanggap niya kanina para masigurong tama ang napuntahan niya.
Really?
Himbis na tanungin ang sarili niya, pumasok na lang siya sa loob para hanapin ang taong ililigtas niya dahil may description namang ibinigay sa kanya ang source niya sa pangalawa nitong text kanina. Parang fangirl nga lang ang nag-describe sa lalaki:"Look for the ridiculously handsome guy with yellow hair."
Pagtapak pa lang niya sa loob ng café, natigilan na agad siya sa paglalakad at hindi lang 'yon dahil sa nakita na niya ang guwapong lalaking may dilaw na buhok.
It smells like garbage dumpsite here!
Suot niya ang black surgical mask niya pero nanunuot pa rin ang mabahong amoy sa sensitive nose niya. Nagmumula ang matinding amoy ng basura sa bawat sulok ng café. Walang nagawa ang distinct smell ng mga aso para pagtakpan ang nakakasulasok na amoy.
A lot of dangerous people have gathered...
She grabbed the nearest chair to support herself. Bigla kasi siyang nahilo dahil sa napakabahong amoy ng basura mula sa iba't ibang tao sa dog café na 'yon.
Pasimple niyang pinasadahan ng tingin ang mga male customer na pinagmumulan ng amoy-basura. Merong tatlong lalaki sa second floor, at meron namang lima sa first floor.
At sa iisang tao lang naka-focus ang masamang amoy nila.
Umupo siya at nagpanggap na nagtetext para yumuko at pasimpleng tingnan ang sentro ng mabahong amoy. Kung masyadong malakas ang nilalabas na baho ng isang tao, kinakapitan ng amoy na iyon ang target nito.
The giant chick from yesterday.
Sigurado siya na 'yong guwapo at may dilaw na lalaking nakikita niya ngayon ay ang security guard din na nakita niya sa Evangelista University kahapon. At hindi lang ang sharp memory niya ang dahilan niyon.
His handsome face is hard to forget.
Kaya kahit hindi na naka-uniform ang guwapong lalaki ay nakilala agad niya ito. And damn, he looked more handsome in casual clothes, huh? Ngayong araw kasi, nakasuot ito ng casual beige slim fit long sleeve cotton shirt with collar, dark slim jeans, at black high-top sneakers.
Why is he talking to those dangerous guys?
Bukod sa nabilang na niyang mapanganib na mga male customer sa café, meron pang kausap ang Giant Chick na tatlong lalaki na naglalabas din ng mabahong amoy ng basura.
'Yong mga lalaking nasa café na may mabahong amoy ay nakasuot ng university lanyard na gaya ng kanya. Meaning, schoolmate niya ang mga ito.
Dahil sa mga lalaking 'yon, hindi ko tuloy maamoy ang lavender-scent ni Giant Chick.
Pero nakaka-curious kung bakit ngiting-ngiti pa ang guwapong lalaki habang kausap 'yong tatlong college students.
Ah, right. Not everyone can tell with exact precision if a person is dangerous like I do.
Mas delikado ang mga taong amoy-basura kesa sa mga taong amoy panis na gatas.
People who smelled like spoiled milk could only turn dangerous when agitated or angry while people who smelled like garbage were usually naturally violent or used to harming others.
BINABASA MO ANG
Miss Danger Finder
RomanceRara can smell dangerous people. Akala niya, advantage niya ang kakaiba niyang abilidad para mahanap ang mga tao na may malaking atraso sa pinsan niya. Pero nakilala niya si Geeq--- ang guwapong lalaking "odorless" sa pang-amoy siya. Is he a friend...