21: Subtle Rejection

1.4K 69 5
                                    

"ATE RARA, are you going out with Trevor's uncle?"

"Not yet," kaswal na sagot ni Rara sa tanong ni Ryder habang tinitingnan niya sa full-length mirror ang sarili niya. Hmm... money well spent, huh?

She liked the way she was dolled up tonight.

Wavy ang dulo ng buhok niya at naka-full make up din siya. Dahil sa stature niya ay madalas siyang mapagkamalang high school student. Pero ngayong gabi, nagmukha na siyang nasa early twenties na totoong edad naman talaga niya.

And she wore a sleeveless black skater dress that fitted her so well. It also emphasized her tiny waist. The dress' length was also good enough to make her legs appear longer than they actually were.

"Then, bakit kayo mag-di-dinner date?" pangungulit sa kanya ng kapatid niya. "Tinanong ko si Trevor kanina kung ilang taon na si Uncle Geeq. I can't believe he's already thirty one years old. Ate, he's ten years older than you."

"So what?"

Halata sa mukha nito ang frustration. "Malaking age gap ang ten years, Ate."

"I'm not a minor," katwiran niya. "Hindi siya makukulong o ma-e-eskandalo. Plus, does he look thirty-ish to you? Kung ako ang tatanungin, mukha siyang nasa mid twenties lang."

"That's not the point. He's still much older."

"I can smell dangerous people, Ryder," paalala niya rito. "Alam ko ang ginagawa ko."

Halatang natakot ang kapatid niya sa ginamit niyang tono kaya siguro hindi na ito kumontra.

She didn't know why she was worked up. Hindi naman sila totoong mag-de-date ni Geeq. 'Yon lang ang "paalam" niya kay Ryder at para hindi na rin magpumilit si Pia na bantayan siya. Kapag nalaman kasi ng bodyguard niya ang gagawin niya ngayong gabi, baka tawagan pa nito ang lolo niya. After all, Pia's big boss was her grandfather.

"Ate, hindi ka ba magpapalit ng shoes?" kunot-noong tanong ni Ryder. "Your sneakers don't match your dress."

Napatingin si Rara pababa sa suot niyang metalic gold wedge sneakers. "These are more comfortable than wearing stilettos. Plus, mas madali akong makakatakbo dito."

"And why would you need to run during a fancy dinner night?"

"Just in case," katwiran niya, saka niya kinuha ang nakasampay na denim jacket sa silya ng dresser niya. Ipinatong niya lang 'yon sa mga balikat niya. "Anyway, I need to go now."

Nag-pout lang ang kapatid niya, pero sumunod din ito sa paglabas niya ng kuwarto niya.

Pagdating nila sa sala, sumalubong sa kanila si Geeq na tumayo agad nang makita siya. Then, he smiled at her as if he was telling her that she looked nice.

He looked dapper in his black suit, too.

And...

"You dyed your hair black," komento ni Rara nang lumapit siya sa lalaki. Hindi niya mapigilang tumitig sa guwapo nitong mukha. His yellow hair made him look like a rebellious college student. But now, he looked like a handsome young hotshot CEO of a huge company. That was how luxurious he looked with his natural haircolor. "It suits you better, Geeq."

Napangiti si Geeq at napahawak sa buhok nito. "Thanks, Rara." Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Pagkatapos, tumingin ito sa mukha niya at binigyan siya ng approving smile. "You look extra beautiful and chic tonight."

"Liar," "bulong" naman ni Ryder na naka-pout pa rin. "Her shoes don't match her dress."

Nilingon ni Geeq ang kapatid niya at nginitian. "It's perfect, Ryder. Magaling magdala ng damit ang ate mo kaya kahit anong isuot niya, bagay sa kanya."

Namula ang mukha ni Ryder na parang nag-cringe sa sinabi ni Geeq. "Anyway, please bring home my sister before her curfew."

"I have a curfew?" nakataas ang kilay na tanong ni Rara sa kapatid. "Since when?"

"Tonight," sagot ni Ryder, saka nito muling hinarap si Geeq na halatang na-a-amuse sa nangyayari ngayon. "Since you're Trevor's family, I have no choice but to trust you, Uncle Geeq. Please be a gentleman to my sister."

Halatang tumabingi ang ngiti ni Geeq nang tawagin itong "Uncle" ni Ryder pero mabilis din naman itong nakabawi. "I'll take care of Rara," pag-a-assure nito sa kapatid niya na tinapik pa nito sa balikat. "Thank you for trusting me, Ryder."

Ngumiti si Ryder na mukhang proud sa ginawa nitong panggigisa sa "date" niya.

"That's enough," saway ni Rara sa dalawang lalaki. Pagkatapos, nilingon niya si Geeq. "Let's go, Geeq."

Ngumiti si Geeq, saka in-offer sa kanya ang braso nito.

Pagkapit niya sa braso ng lalaki, sakto namang lumabas si Pia ng kuwarto niya bitbit ang classic sling bag na muntik na niyang makalimutan. It was one of the luxurious bags that her grandmother sent her but she never used. Except for tonight.

Mukhang na-shock kasi si Pia kanina nang makita nitong plano niyang gamitin ang usual niyang sling bag na ginagamit sa school. Kaya nagpaalam ito sa kanya para i-"explore" ang walk-in closet niya. Natuwa ito nang makita ang mga nakatambak na luxurious bags na hindi pa nga niya naaalis sa mga shopping bag at boxes kung saan nakalagay ang mga 'yon.

"Miss Rara, this bag goes well with your outfit," nakangiting sabi ni Pia nang iabot nito sa kanya ang bag. Pero nang muli itong magsalita, kay Geeq na ito nakatingin at malamig na uli ang boses at facial expression ng babae. "Naglagay na rin ako ng pepper spray sa bag mo just in case a dangerous situation arises."

Ngumiti lang si Geeq na halatang na-amuse lang himbis na ma-offend.

"Thank you, Pia," sabi ni Rara bilang pag-dismiss na rin sa babae na halatang walang tiwala kay Geeq. "We'll go ahead. Ikaw na muna ang bahala kay Ryder. Don't let him sleep without brushing his teeth."

"Yes, Miss Rara."

"I'm not a child," reklamo naman ni Ryder. "I brush my teeth regularly!"

Hinila na lang niya si Geeq palabas ng condo dahil hindi sila matatapos do'n kung papansinin pa nila ang mga bilin at reklamo nina Pia at Ryder.

"Dapat siguro, ibang excuse na lang ang binigay natin sa kanila," natatawang sabi ni Geeq no'ng nasa elevator na sila. "Miss Pia and Ryder seem to be bothered by the fact that you're dating an older guy." Pero kung titingnan ang mukha nito, halatang ito ang mas bothered sa lahat. "Maybe they're thinking that I'm a pedophile."

"I'm not a teen," katwiran ni Rara, saka siya naunang lumabas ng elevator at naglakad papunta sa Montero Sport ni Geeq. "Plus, ten year gap is nothing to me. Actually, I prefer older men. I'm not attracted to boys my age. Mas lalo na kung mas bata sa'kin kasi naaalala ko lang sa kanila si Ryder."

"Is that so?" halatang uncomfortable na komento ng lalaki, saka nito binago ang usapan. "Anyway, I heard something interesting earlier. Presscon pala 'yong sinasabi gathering na pupuntahan natin ngayon. May mga reporter sa "party" mamaya kaya relieved ako. Kung may media na a-attend ng event, siguradong walang gagawing masama ang Alpha Kappa sa mga guest nila. It's safer than I imagined."

"Nagulat nga rin ako no'ng tumawag sa'kin si Eun kanina at sinabi niyang presscon ang pupuntahan namin mamaya," komento niya. "Mukhang kanina lang din niya nalaman. Kahit member siya ng Alpha Kappa, hindi siya informed sa malalaking event ng frat nila."

"Mukha namang hindi close ang magkapatid na 'yon, eh."

"That's true," pagsang-ayon naman niya, saka siya huminto sa tapat ng Montero Sport ni Geeq bago niya hinarap ang lalaki. "Anyway, back to our previous topic."

"What previous topic?"

"I said I prefer men older than me and I don't mind a ten year gap," deretsang sabi niya. "How about you, Geeq?"

"Oh, I prefer women my age," sagot ni Geeq, saka ito ngumiti. And that damned smile obviously looked sympathetic. "I'd feel uncomfortable dating a girl ten year my junior."

"Ah, is that so? Then, I get it," sabi ni Rara, saka niya tinalikuran si Geeq para pumunta sa passenger side ng kotse. I was rejected, huh?

Miss Danger FinderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon