"IN THE recent years, the name of Alpha Kappa has been tagged in a couple of fraternity-related violence in universities– especially in the Evangelista University– the chapter I'm leading," malinaw at seryosong speech ni Weston Rivera na nakatayo sa podium paharap sa mga guest na nasa conference room ng hotel na iyon. Nagkikislapan ang mga camera dahil mga reporter ang umo-occupy sa long table sa harapan ng stage. "Last year, three alleged members were arrested because of a shooting incident. Then, a student was killed because of hazing..."
Walang reaksyon si Rara habang pinapakinggan ang sunod-sunod na masasamang insidenteng kinasangkutan ng Alpha Kappa simula nang si Weston ang maging leader sa Evangelista University chapter. Tinititigan niya lang ang lalaki sa isa sa dalawang malaking screen sa magkabilang-gilid nito. Malayo sila sa podium kaya do'n na lang niya ito tinitingnan.
Anywya, it smells bad here.
Pero dahil formal occasion 'yon, hindi siya nagsuot ng black surgical mask.
May mga round tables sa buong conference room para sa mga guest. Meron ding mga waiter at waitress na umiikot para mag-serve ng cocktails at iba pang alcoholic drinks. Saka may buffet din sa long table na puno ng iba't ibang mga light snack na pinipilahan ng mga bisita.
Bukod sa mga reporter, may mga prominenteng mga tao rin siyang namukhaan. Merong mga politiko at mga kilalang celebrity na mga miyembro rin pala ng Alpha Kappa. Majority din ng mga bisita ro'n ay active members ng fraternity na nakita na niya sa Evangelista at sa mga party na kina-crash niya noon sa paghahanap sa House of Rivera.
Everyone also looks glamorous.
Especially Weston Rivera himself– the obvious star of the night.
Ngayon ko napatunayan sa sarili ko na hindi nga sila close ni Eun.
"Rara, I'm sorry," halatang nahihiyang sabi sa kanya ni Eun. "Our table is far from the stage. This is so lame of me..."
Totoo ang sinabi nito. Spacious ang conference room at maraming mga mesa sa buong kuwarto. Pero 'yong table nila, halos nasa dulo na. In fact, mas malapit sila sa mga naka-station na staff sa likuran kesa sa stage.
Ipinatong ni Rara ang kamay niya sa ulo ni Eun, saka niya sinuklay ang buhok nito gamit ang mga daliri niya. "I'm fine, Eun," pag-console niya rito. "Wala akong pakialam sa position natin. Ang importante naman eh nandito tayo. For this, I'm already grateful."
Gaya ng inaasahan niya, nag-light up agad ang mukha ng lalaki. "Thank you, Rara." Namula ang mukha nito at nang nagsalita uli, halata na sa boses nito na nahihiya ito. "You're really beautiful tonight."
"Thanks," sabi niya, saka inalis ang kamay niya sa ulo nito. "You look dapper, Eun. And you concealed your bruises well."
Ngumiti si Eun na parang kinilig sa papuri niya. "That's the power of Korean beauty products, Rara. Sydney helped me conceal my bruises." He poked his own cheeks with his fingers. "Look, my face isn't swollen anymore."
Ah, what a bright and innocent kid.
Mas matanda sa kanya si Eun pero dahil childish ito, pakiramdam niya ay kailangan niya itong alagaan at bantayan na gaya ng ginagawa niya kay Ryder.
If he wouldn't smile or talk, he could look as intimidating as Weston Rivera.
Weston looked debonair in his obviously expensive and tailored navy suit. His slick back hair and clean shaven face gave him the "royalty vibes." Like he was so decent and proper.
But Weston Rivera smells like trash. I wonder why Vika dated a dangerous man like him.
Sa pang-amoy niya lang 'yon, siyempre. Sigurado siya na sa ordinaryong ilong ay walang maiipintas sa amoy ng lalaki. Kahit hindi pa siya nakakalapit dito, alam niyang mabango ito sa hitsura at porma pa lang nito ngayon.
BINABASA MO ANG
Miss Danger Finder
RomanceRara can smell dangerous people. Akala niya, advantage niya ang kakaiba niyang abilidad para mahanap ang mga tao na may malaking atraso sa pinsan niya. Pero nakilala niya si Geeq--- ang guwapong lalaking "odorless" sa pang-amoy siya. Is he a friend...