"DUMATING na 'yong in-order mo, Rara."
"I can tell," sabi ni Rara habang nakatakip ang kamay niya sa ilong niya kahit may suot na siyang black surgical mask. No'ng isang araw niya pa in-order 'yon pero ngayon lang dumating. "Geeq, thank you pala sa pagpayag na dito sa condo mo i-deliver 'tong mga order ko, ha?"
Nandito sila ngayon ni Geeq sa condo nito. Nagpunta siya ngayong tanghali do'n dahil wala na siyang oras. Mamayang gabi kasi na ang party. I-se-send na ni Weston kay Eun ang location ng House of Rivera at kapag nangyari 'yon, kailangan nilang gumawa ng mabilisang plano para makuha niya ang kailangan niyang memory card.
"Don't mention it," sabi ni Geeq habang naka-lotus position ito sa sahig at binubuksan ng cutter ang medium-sized box na nakapatong sa center table. "Pero bakit um-order ka ng pabango? Gagamitin mo ba 'to mamaya sa party?"
Umiling siya. "No. May gusto lang akong i-try. Puwede mo bang ilabas ang mga bote?"
"Sure," sabi nito, saka nilabas ang tatlong bote ng perfume at inihilera iyon sa mesa. "There you go."
"Puwede mo ba silang sabay-sabay na basagin?"
"Huh?"
"Kung okay lang sa'yo, puwede bang ihagis mo sila sa pader para mabasag agad sila at kumalat ang amoy sa buong unit mo?"
Halatang naguguluhan pa rin ito sa request niya pero sa huli, tumango ito. "Hindi mo naman ito iuutos kung wala kang valid reason." Tumayo ito bitbit ang tatlong bote. "Pero 'wag ka dito sa sala. Baka matamaan ka ng bubog, eh."
Tumango siya at tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa. Pagkatapos, naglakad siya hanggang sa nasa door frame na siya ng dining area. "Is this enough?"
"Yes, thank you," sabi ng lalaki, saka ito humarap sa dingding at sunod-sunod na binato ng malakas ang tatlong bote.
Inalis ni Rara ang suot niyang black surgical mask niya at gaya ng inaasahan niya, kumalat agad ang matapang na amoy ng rosas sa buong unit. Siyempre, nasinghot agad niya 'yon. Kasunod niyon ay ang pagtulo ng dugo mula sa ilong niya. Mabilis siyang dumukot ng tissue mula sa bulsa ng jeans niya para pigilan ang pagdurugo. I knew it.
"Rara!" nag-aalalang sigaw ni Geeq, saka ito lumapit sa kanya. "Anong nangyari? Why is your nose bleeding?"
"The rose fragrance is making me dizzy," pag-amin niya. "It's too strong..."
"Stay in my room first."
Naisip niyang magbiro para mabawasan ang pag-aalala na nakikita niya sa mukha nito. "Ang bilis mo naman, Geeq."
"Gusto mong seryosohin ko 'yang ini-imply mo?"
"Puwede rin."
Pinandilatan siya nito ng mga mata habang namumula ang mukha. "Rara Sandoval, don't tempt me. I still have a stock of unopened box of condom here."
Siya naman ang nag-init ang mga pisngi dahil sa sinabi nito. "Pervert!" sumbat niya rito, saka siya tumakbo papunta sa kuwarto nito. Bachelor's pad 'yon kasi isa lang ang master's bedroom. And someone is enjoying his bachelor life!
"Mag-i-spray lang ako ng air freshner para mawala ang amoy dito. I have a bathroom you can use inside my room," natatawang pahabol ni Geeq. "I'm sorry for teasing you!"
Isang naiinis na tili lang ang sinagot niya rito bago niya sinara ang pinto.
Argh... I sound stupid.
Dumeretso siya sa banyo sa kuwarto ni Geeq. Kumalma agad ang pang-amoy niya nang maamoy na niya ang mabangong lavender-scent do'n.
His room smelled like him after all.
Sa pagkakataong 'yon, mabilis huminto ang pagdurugo ng ilong niya. Nang matapos na siyang maghilamos, bumalik na siya sa kuwarto at umupo sa ottoman sa tapat ng king size bed habang nililibot ang tingin sa bedroom.
Aside from his own bathroom, he also had a walk-in closet. Meron din itong entertainment showcase. Bukod sa malapad na flat screen sa TV, meron din siyang nakikitang playstation sa display cabinet. Kakaiba naman ang study table nito dahil meron itong desktop computer na may dalawang screen. 'Yong main monitor ay malaki at kakaiba ang hugis dahil para iyong naka-bend sa gitna. Mas maliit naman 'yong nakakabit na screen sa gilid niyon. Bukod sa mga iyon, meron pa itong laptop at iPad sa mesa.
So techy.
"Rara?" mayamaya ay pagtawag ni Geeq habang kumakatok. Pagkatapos, binuksan na nito at pumasok ito sa kuwarto na may bitbit nang cold compress. "Here. Use this."
Kinuha ni Rara ang cold compress at mabilis 'yong dinikit sa ilong niya. "Thank you."
Hinila nito ang lazyboy chair sa harap ng computer desk nito, saka ito umupo nang nakaharap sa kanya. "What happened? Bakit dumugo ang ilong mo? Dahil ba 'yon sa amoy ng mga perfume kanina?"
As expected, this guy was sharp.
"Hindi ko sinabi 'to before kasi hindi pa naman ako sigurado," pagsisimula niya. "Pero 'yong isa sa mga assailant ni Eun, meron siyang dalang perfume na amoy rose. Sobrang tapang ng amoy niyon– feeling ko eh nasa flower shop ako. Nahilo ako at dumugo ang ilong ko."
"I thought it was only because of stress. Bakit hindi mo agad sinabi sa'kin 'yan?"
"Nag-he-hesitate pa kasi ako," katwiran niya. "There's no way that the assailant knows my secret ability. Pero sa tuwing ni-re-remind ko ang nangyayari, hindi ako mapakali. Nilabas niya 'yong bote no'ng aatakihin ko na siya. Na para bang alam niyang manghihina ako sa amoy ng flowers." Kumunot ang noo niya nang may ma-realize siya. "Ngayon ko lang nalaman na may gano'ng effect sa'kin ang matapang na amoy ng rose. Kasi noon, iniiwasan ko ang mga bulaklak. Saka ngayon lang ako nakaamoy ng gano'n katabang na flower perfume. Saka alam mo ba kung sa'n ko na-order 'yong perfume na 'yon?"
Umiling ito. "Where?"
"Sa online shop ng Rosie's Blossom," sagot niya. "Nag-se-search lang ako sa Internet ng rose perfume na gawa talaga sa totoong mga rose nang mag-pop up ang online store nila. Walang tatak 'yong bote na hawak no'ng assailant before pero 'yong amoy, pareho sa naaalala ko. Hindi ko alam kung bakit pero malakas ang pakiramdam ko na hindi 'to co-incidence."
"Sica knows the flower shop owner, doesn't she?"
Tumango siya. "We can't trust her, Geeq. Not 100% at least. Kaya hindi ko pa siya tinatanong tungkol sa tulips na natatanggap ni Vika, eh. That's not my job."
"What do you mean?"
"I need to talk to Manu in secret, Geeq," sabi ni Rara dito. "I have an assignment for him."
"Alright, I'll call him," sabi ni Geeq, saka ito tumayo at napatingin sa kanya dahilan para matigilan ito sa pag-alis. Pagkatapos, napangiti ito habang iiling-iling. "I want to gently push you and watch you lie down on my bed, Rara."
Okay, Rara blushed furiously at his teasing. The tables have been turned, huh? Nakakakilig. "Ang flirt mo naman pala, Geeq Quindoza!"
BINABASA MO ANG
Miss Danger Finder
RomanceRara can smell dangerous people. Akala niya, advantage niya ang kakaiba niyang abilidad para mahanap ang mga tao na may malaking atraso sa pinsan niya. Pero nakilala niya si Geeq--- ang guwapong lalaking "odorless" sa pang-amoy siya. Is he a friend...