"I'M SORRY for calling you out this early, Rara."
"No worries, Eun," sabi naman ni Rara habang kinukuskos ng mga kamay niya ang mga mata niya. Ang totoo niyan, nagising siya na masakit ang ulo dahil naka-dalawang canned beer din siya kagabi. Sapat na 'yon para malasing siya dahil sa mababa niyang alcohol tolerance. Mabuti na lang at nagising siya sa pag-vibrate ng phone niya dahil sa tawag ni Eun. "I usually wake up this early anyway." And I drank aspirin before I went out so I'm fine.
"I brought breakfast," sabi ni Eun na nakaupo sa harapan niya habang may concrete table sa pagitan nila. "It's heavy meal, though. Is it okay?"
Pinilit niyang imulat ng todo ang mga mata niya nang may maamoy na mabango. Nakita niyang may paper plate na sa harapan niya. Pagkatapos, nilagay do'n ni Eun ang isang malaki at mabangong burger na inalis na nito mula sa foil. Napansin niya na meron na rin palang fork at steak knife sa harapan niya. It was kind of fancy for a burger.
"That's wagyu burger," nakangiting sabi ng lalaki, saka nito inalis sa cup holder ang naamoy niyang cup na may lamang matcha latte at inilagy iyon sa tabi ng paper plate niya. "The real deal. Kapalit 'yan no'ng nilibre mong wagyu beef sa'kin no'ng first date natin."
"Hindi nga 'yon date," giit niya, saka siya nagsimulang hiwain ang burger gamit ang steak knife. Sigurado kasi siyang hindi niya makakagat ng maayos ang burger sa laki niyon. "But thanks for the treat."
Ngumiti lang ito, saka sumimsim ng hot chocolate. Meron din itong wagyu burger sa harapan nito at mayamaya lang, sinabayan na rin siya nito sa pagkain.
This is too fancy for a breakfast in the park but I'm too tired to argue with him so I'll just eat.
Oo, nasa park sila. Nakipagkita siya kay Eun sa park na halos nasa tapat lang ng condominium building. Alas singko pa lang ng umaga pero marami nang joggers do'n ngayon.
"Rara," pagtawag sa kanya ni Eun na hindi na yata nakatiis sa katahimikan sa pagitan nila. The glint of excitement in his eyes told her that he was back to his "normal happy disposition." Hindi gaya kahapon na sobrang seryoso nito at mukhang galit pa sa kanya. "This is the first time I saw your "ragged look" style. And your bare face still looks very cute."
By "ragged look style", he was probably talking about her messy bun, oversized T-shirt, baggy pants, and slippers. Naghimalos lang din siya at naglagay ng face powder bago lumabas kaya naman siguro nasabi nitong bare faced siya ngayon.
"You, too," inaantok na sabi niya. "You look good in your running attire."
She wasn't just being polite. Totoo naman kasi na ang guwapo ni Eun sa suot nitong gray hoodie, black gym shorts, at running shoes. Napansin din niyang hindi naka-gel o wax ang buhok nito ngayon kaya mas malambot at mas makintab iyong tingnan ngayon. And most of all, it was obvious that he just took a shower because he smelled so nice.
Amoy-baby.
Ah, meron pa palang mas kapansin-pansin kesa sa amoy nito.
Eun has a toned body.
That's it, that's the tea.
"Ah, I was about to run this morning. Kapag nando'n kasi ako sa bahay ng daddy ko, tumatakbo ako sa village," parang nahihiyang paliwanag ni Eun mayamaya. "Pero bigla kitang naisip kaya nagpagawa ako sa chef namin ng wagyu burger para dalhin sa'yo."
Rich kid.
"Rara, I'm sorry for being mean to you yesterday," halatang sincere na sabi ni Eun. "I have no excuse. But please forgive me."
"Hindi ka na galit sa'kin?" tanong ni Rara, saka siya sumubo muna ng wagyu. Ah, the meat was so tender that it felt as if it just melted in her mouth. Plus, the flavors she tasted were on point. Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit nagreklamo si Eun sa wagyu burger na nilibre niya rito no'ng nakaraan. "But I thought the fact that Vika is my cousin disgusts you?"
BINABASA MO ANG
Miss Danger Finder
RomansaRara can smell dangerous people. Akala niya, advantage niya ang kakaiba niyang abilidad para mahanap ang mga tao na may malaking atraso sa pinsan niya. Pero nakilala niya si Geeq--- ang guwapong lalaking "odorless" sa pang-amoy siya. Is he a friend...