I JUST wanted to check on my nephew so how did I end up in this situation?
Well, heto si Geeq. Nakatayo sa tabi ng babaeng pumigil sa kanya kanina. Pareho silang nakaharap sa national flag ng Pilipinas at nakapatong ang kanya-kanyang mga kamay sa dibdib habang kumakanta ng Lupang Hinirang.
This is kind of embarrassing.
Pinagtitinginan kasi sila ng mga estudyanteng dinadaanan lang sila at halatang pinagtatawanan. Silang dalawa lang kasi sa labas ng covered activity center ang huminto sa paglalakad para kumanta ng national anthem.
"Sa dagat at bundok... sa simoy at sa langit mong bughaw..."
Pasimple niyang tiningnan ang babae sa tabi niya at huminto na rin siya sa pagkanta dahil nakakahiya mang aminin, hindi na niya kabisado ang Lupang Hinirang.
Unlike this girl who was singing the national anthem passionately.
She looks like a little chick.
Nakasuot kasi ang babae ng loose yellow shirt, skinny jeans, at yellow sneakers.
It's hard to look good on that color but she pulls it off just fine.
Hindi niya maintindihan kung bakit pero kahit nakasuot ito ng black surgical mask na tumakip sa kalahati ng maliit nitong mukha ay alam niya agad na maganda ang babae.
Is it because of her eyes?
Tumingala sa kanya ang babae na sa itim at emotionless pa lang na mga mata ay halata nang may nakaka-intimidate itong personality. "... ang mamatay nang dahil sa'yo."
Huh?
"It's over," deklara ng babae sa flat na boses. "Sir, maybe you should learn to memorize our national anthem by heart."
Napakamot si Geeq ng pisngi dala ng pagkapahiya. "Uh, sure. Thanks for the... advice?"
Tumango lang ang babae, saka ito nagsimulang maglakad palayo sa kanya. Not only her voice but the way she walked also exuded confidence. Kahit tuloy petite ito, ang laki pa rin ng presensiya nito at malabong hindi mapansin.
To be honest, I can't take my eyes off her earlier.
Aminin man niya o hindi, sinadya niya ring bagalan ang paglalakad niya kanina dahil tinitigan niya ito. Una, medyo na-weirdo-han siya sa babae dahil nakapikit ito sa ilalim ng initan. Pangalawa, nag-alala siya dahil naisip niya na baka masama ang pakiramdam nito at bilang temporary Head of Security, responsibilidad niyang siguraduhing ligtas ang mga estudyante. Pero ang pangatlo ang pinakamabigat na dahilan.
The little chick looks familiar.
Nagsimula na siyang maglakad sa opposite direction kahit nawalan na siya ng motivation na puntahan ang pamangkin niya. Kasi habang naglalakad siya, hindi pa rin niya maalis sa isipan niya ang babae kanina.
Yellow, black mask, unflinching gaze...
Pamilyar sa kanya ang mga 'yon. Para bang sagot sa sino-solve niyang mystery ay biglang kumirot ang kanang tuhod niya na naoperahan dalawang buwan na ang dumadaan. Napilitan tuloy siyang huminto sa paglalakad para saglit na ipahinga ang mga binti niya.
The sharp jab of pain his kneecap get from time to time never failed to remind him of the fatal accident he had been involved with two months ago because he didn't listen to someone.
That pretty kid with black mask and yellow hoodie that time?
"No freaking way," hindi makapaniwalang bulong ni Geeq sa sarili niya, saka siya lumingon sa paligid para hanapin si 'Little Chick.' Pero unfortunately, hindi na niya ito nakita. Could she really be the same girl who can apparently smell dangerous people?
***
NEXT UPDATE: NOVEMBER 10, 2018 [12NOON]
BINABASA MO ANG
Miss Danger Finder
RomanceRara can smell dangerous people. Akala niya, advantage niya ang kakaiba niyang abilidad para mahanap ang mga tao na may malaking atraso sa pinsan niya. Pero nakilala niya si Geeq--- ang guwapong lalaking "odorless" sa pang-amoy siya. Is he a friend...