"YOU'RE kidding, right?"
"I wish I am," sabi ni Geeq habang naninigarilyo sila ni Manu sa smoking area ng coffee shop na nasa premise ng ospital. Bukod sa mga pulis, nagbabantay kay Uncle Wendell ngayon ang dalawa nitong kapatid na lalaki. Pinalabas muna si Manu ng mga tito nito para mag-chill kasi halatang frustrated pa ang kaibigan niya. "But no, I'm telling the truth."
Natahimik si Manu habang iiling-iling, saka nito binuga ang usok mula sa bibig nito bago ito nagsalita. "That's unbelievable, Geeq."
"You don't trust me?"
Hindi sumagot ang kaibigan niya.
Tumahimik siya dahil alam niyang kailangan ni Manu ng oras para ma-process ng utak nito ang mga sinabi niya. Alam niyang stressed pa ito dahil sa nagtangka ng masama sa daddy nito kanina lang.
Rara seemed quite shaken, too.
Sila lang ni Manu ang nagbigay ng statement sa mga pulis kanina at sinabi nila sa mga ito ang napag-usapan nila sa phone. Kinausap din ng mga ito si Rara pero hindi na masyadong ginisa ang babae na namumutla pa no'n. Sinabi na lang niya na natakot ito sa nangyari kaya hindi na rin ito masyadong na-question.
Pagkatapos, nag-offer siya kay Rara na ihatid ito. Pero gaya ng ginawa nito sa offer niya kaninang umaga na susunduin niya ito sa condo para sana sabay na silang pumunta ng ospital, tinanggihan siya nito. Hinayaan na niya dahil ang bodyguard nitong si Pia ang sumundo dito. Sigurado siyang makakauwi ito ng ligtas.
Mas nag-aalala ako kay Manu ngayon.
Anyway, dahil sa protection request ni Manu, meron nang dalawang police officer na nakabantay ngayon sa labas ng kuwarto ni Uncle Wendell. Bukod do'n, mas humigpit din ang security sa ospital. Meron ding posibilidad na maibalita sa national news ang nangyari kanina.
"So, that child can really smell dangerous people?" paniniguro ni Manu mayamaya, saka siya nito nilingon. "Naamoy niya 'yong bad odor no'ng culprit kanina kaya nasabi niyang fake doctor lang ito?"
"Technically, naamoy lang ni Miss Sandoval na mapanganib na tao ang fake doctor na 'yon," paglilinaw ni Geeq. "Own deduction niya ang pagsasabi na fake doctor ang na-meet natin. Base naman sa behavior ng taong 'yon at investigation ng mga pulis kanina, tama naman siya, 'di ba?"
"Yeah," tumatango-tangong pagsang-ayon nito. "Kahit sino naman, magdududa agad sa kinilos no'ng fake doctor kanina. Hindi niya tayo tatakbuhan kung totoong doktor siya."
Uminom muna siya ng iced coffee niya bago siya nagsalita uli. "Do you believe me now?"
"Geeq."
"Yeah?"
"Rara's ability can be used by the police to catch criminals– she can be an asset."
"I won't allow her ability to be exploited that way," nakasimangot na kontra niya. "Plus, it's not like you can touch her that easily."
"What do you mean by that?"
"She's Senator Conrado Herrera's granddaughter," sagot niya. "That's a secret though."
Uminom muna si Manu ng caffè americano nito bago nagsalita. "So, she's Riri Herrera's cousin, huh?"
"You know Riri Herrera?"
Tumango ito. "She was all over the news last year when she was nearly killed by a rapist. Plus, early this year, it was revealed that she's actually Senator Herrera's granddaughter and not his youngest daughter." Kumunot ang noo nito sa pagtataka. "Hindi ko alam na bukod pala kay Ria Herrera eh meron pang ibang anak ang senador."
BINABASA MO ANG
Miss Danger Finder
Storie d'amoreRara can smell dangerous people. Akala niya, advantage niya ang kakaiba niyang abilidad para mahanap ang mga tao na may malaking atraso sa pinsan niya. Pero nakilala niya si Geeq--- ang guwapong lalaking "odorless" sa pang-amoy siya. Is he a friend...