8: Sorority War

2.1K 89 1
                                    

Note: Double update today because I wasn't able to upload an update yesterday. PLDT Fibr service sucks. Anyway, happy reading.

***

IN THE end, we still didn't find the possible connection between us, pagre-review ni Rara sa isipan ng usapan nila ni Geeq kahapon. Kinatok sila ni Trevor habang pareho silang nag-iisip dahil pinapauwi na raw ng mommy nito ang bata. Nagpahatid dito ang pamangkin nito kaya umalis na ito kahit halata namang marami pa silang gustong sabihin sa isa't isa. Hindi ko rin nasabi sa kanya ang plano ko kay Eun.

"Rara Sandoval."

Natigilan si Rara sa paglalakad sa bakuran ng boarding house kung sa'n nakatira si Sydney nang may tumawag sa kanya. Nang mag-angat siya ng tingin, sumalubong sa kanya si Spence- ang best friend ni Eun. Hindi na siya nagulat na makita si Spence sa boarding house dahil dine-date nito si Sydney. But she had a bad history with this guy from the very beginning so she wasn't really pleased to see him now. "What?" tanong niya nang hindi binababa ang mask niya.

"Eun told me what happened between the two of you," sagot ni Spence, saka ito huminto sa harapan niya habang nakapasok ang mga kamay sa mga bulsa ng pantalon nito. Dahil matangkad ito, umabot lang siya sa mga balikat nito kaya pababa ang tingin nito sa kanya. But she knew he was also looking down on her because this jerk hated her for some reason. "So, my hunch was right. You're bad news. Ginagamit mo lang si Eun para makapasok sa House of Rivera."

Tumaas ang kilay niya sa mga sinabi nito. "The first time we met, you told me that the House of Rivera doesn't exist."

"Sinabi na sa'yo ni Eun ang totoo kaya wala nang point para itago 'yon," katwiran nito. "But you know what? Eun and I have never been invited to the House of Rivera."

Nagulat siya sa narinig niya pero hindi niya 'yon pinahalata.

"You may not know this but Eun and Weston have a very bad relationship as brothers," pagpapatuloy ng lalaki nang hindi siya nagkomento kanina. "Weston was even kicked out of their house because of Eun. Do you think Weston will invite his younger bro in his "kingdom?""

Napalayas si Weston ng bahay dahil kay Eun? Could Eun be more dangerous than Weston?

Pero isipin pa lang niya ang childlike expression ng eye candy na 'yon sa ilang linggong pagsunod-sunod nito sa kanya, hindi na niya mapaniwalaan 'yon.

"Are you done?" tanong niya kay Spence nang hindi na ito nagsalita. "Kailangan ko kasing makausap si Sydney kaya kung wala ka nang sasabihin, papasok na ko sa loob."

Halata ang iritasyon sa mukha ni Spence nang sumagot ito. "Don't test your luck, Rara Sandoval. When you beat Sydney, she kept silent because she was too embarrassed to tell her members who didn't witness the fight that she lost to a stranger. Sa'kin lang siya nagsumbong ng nangyari no'n. But that doesn't mean that she has forgotten everything. In fact, the night you crashed my party and I kicked you out, Sydney and her gang were supposed to follow you."

Napasimangot siya nang may ma-realize siya sa mga sinabi nito. "So, kahit alam mo ang masamang plano sa'kin ng girlfriend mo, naki-cooperate ka pa rin sa kanya?"

"You beat my girlfriend, you bitch," mapait na paalala ni Spence sa kanya. "I don't hit girls but that doesn't mean there's no other way to "return the favor." Kaya no'ng nalaman ko from Sydney na hinahanap mo sa mga staple guest ng mga party ni Weston, sinabi ko sa kanya na idagdag niya ko sa listahang binibigay niya sa'yo that time. Effective kasi nagpunta ka nga sa party ko, 'di ba?" Pumalataktak ito habang iiling-iling. "But too bad you met Eun that night. That fool fell in love with you at first sight. He warned us not to touch you and even though he's not as intimidating as Weston, he's still a Rivera so we have no choice but to follow his order. We're not stupid to get on his bad side." Ngumisi ito na parang may naalalang good news. "But now, the situation has changed. Eun doesn't care about you anymore, Rara Sandoval. Which means Sydney and her sisters can do whatever they want to you."

"Thanks, but I can take care of myself," sabi ni Rara sa flat na boses, saka niya nilagpasan si Spence. Plus, Pia is only one call away.

Kasama niya ang bodyguard niya pero pinag-park niya ito sa kabilang block dahil ayaw niyang pinapaalam sa iba na may "bantay" siya. Pero sinabi ng babae na kapag hindi pa raw siya nakakabalik pagkatapos ng twenty minutes ay susunod na ito sa kanya.

So I have to finish this quick.

Nagpunta siya sa boarding house ni Sydney kahit alam niyang galit pa rin sa kanya ang babae. Hihingi siya ng bagong listahan dito ng mga staple guest. Para kung sakaling hindi gumana ang plano niya kay Eun ay may fallback siya.

"You really have the nerve to show up here, huh?" sabi ni Sydney nang pumasok siya sa bahay. Nagtext siya rito kaya hindi na siya nagulat nang makita itong nakaupo sa couch na parang kanina pa siya hinihintay. This girl was beautiful in an "evil queen" kind of way. Mestiza ito at lamang ang Western features nito kaya mapanga ito. Dahil sa tabas ng mukha nito, nagmukha itong mataray. Well, maldita naman talaga ito. "What do you need this time?"

Binaba muna ni Rara ang black surgical mask niya bago siya sumagot. "I need a new list of Weston Rivera's staple guests." Pagkatapos ng utos niya, umupo siya sa loveseat sa tapat ng sofa. "This time, don't you dare include people who have never been in the House of Rivera."

Ngayong alam na niyang hindi pa nakakapunta sa House of Rivera sina Eun at Spence, may pakiramdam siya na hindi pa rin nakakapunta ro'n si Sydney. Kaya siguro 'yong ibinigay nitong listahan sa kanya noon ay mga guest lang sa mga ordinaryong party ni Weston Rivera. Posibleng totoo na iniisip ng mga tao na 'yon na code lang ang House of Rivera at hindi location.

But if Eun hasn't been there yet, how come he knew that I was looking for it?

Mukhang kailangan niyang bantayang mabuti ang eye candy na 'yon.

"What made you think that you can still boss me around?" nakangising sabi ni Sydney, saka ito tumayo. "Eun already dumped you so no one's going to protect you from my wrath now." Ipinatong nito ang isang kamay sa baywang nito habang ang isa naman, nakaangat sa ere. Pagkatapos, pumitik ito. "Girls, let's teach this bitch a lesson she'll never forget!"

Mayamaya lang ay bumaba sa hagdan ang tatlong babae na mas muscular kesa sa mga normal na alalay ni Sydney. Bukod sa built ng mga ito, may dala pang kanya-kanyang baseball bat ang mga babaeng 'yon. Mukhang pinaghandaan talaga nito ang pagdating niya, ha?

"Fine, let's talk this way," sabi ni Rara, saka siya tumayo at sinuot uli ang black surgical mask niya dahil nag-iba na ang amoy ng mga babae. "You all smell like garbage, you know?"

***

NEXT UPDATE: NOVEMBER 19, 2018 [5PM]

Miss Danger FinderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon