7: The House of Rivera

2.6K 106 3
                                    

"I WAS surprised to find out that Trevor is your nephew, Mister," sabi ni Rara sa lalaki habang inaabot dito ang kubyertos para sa mangkok ng minatamis na saging sa harapan nito. "Small world, isn't it?"

"Yeah, small world," pagsang-ayon naman ni Geeq na nakaupo na sa likod ng pabilog na mesa sa pagitan nila. For some reason, he looked uncomfortable. "Miss Sandoval, is it really okay for us to talk here in your room?"

Dinala niya si Geeq sa kuwarto niya dahil kung sa dining area sila mag-uusap, siguradong magpapabalik-balik do'n sina Ryder at Trevor para mag-eavesdrop.

Meron siyang tea table set sa kuwarto niya dahil mahilig siyang mag-tsa at madalas lang naman siyang nabahay. Sa mga pagkakataong wala siyang ginagawa, nag-tsa-tsa lang sila ni Pia habang kumakain ng mga dessert na sila mismo ang nag-bake.

Saka parati namang maayos, maaliwalas, malinis, at mabango ang well-maintained niyang bedroom. Bukod sa queen-size bed niya na may four poster at puno ng stuffed toy ang headboard, meron din siyang sofa bed na tinutulugan naman ni Pia. Sa may windowsill naman, may mga pile ng unread books siya na hindi na nagkasya sa mini-bookshelf niyang nakadikit sa dingding. May sarili siyang bathroom sa kuwarto at walk-in closet.

Anyway, the walls of her bedroom had pastel colors while the dominant colors of her furnitures were white and pink.

Napa-"ah" si Rara nang may ma-realize siya. "Oh, do you feel awkward because my room looks very girly?"

"That's not it, Miss Sandoval," umiiling at natatawang tanggi naman ni Geeq. "It's just that... I'm a man... and you're a woman..."

"Ah, don't worry. Hindi naman iisipin nina Ryder at Pia na may gagawin tayo," paliwanag niya rito. "At kung may plano ka namang masama sa'kin, malalaman ko 'yon since magbabago ang amoy mo. When that happens, I'll beat you." Inangat niya ang braso niya. "I have frail-looking arms but I was trained to fight and defend myself since I was a kid. Plus, isang sigaw ko lang, papasok na dito si Pia."

"That's reassuring," natatawang sabi nito. "Not that I plan to do something bad to you."

I know that. "Anyway, you're also after the House of Rivera, aren't you?"

"You're really straightforward, aren't you?" nakangiti pero halatang seryoso nang sabi ng lalaki. "Yes, I'm also looking for the House of Rivera." Kumain muna ito ng saging na para bang nag-iisip ng sasabihin kaya hinintay niya lang ito. Mayamaya nga, nagsalita na uli ito habang nakatingin ng deretso sa kanya. "Pa'no mo naman nalaman ang tungkol dito?"

"Nakaka-receive ako ng mga text from a person calling themselves as 'Ally,'" matapat na sagot niya. "Siya ang nag-utos sa'kin na puntahan ka sa dog café at iligtas. That person said you're also looking for the House of Rivera so I decided to meet you."

"I see," tumatango-tangong sabi nito. "Again, thank you for saving me."

Tumango lang siya. "Why are you looking for the House of Rivera?"

"Because I want justice," deretsong sagot ng lalaki na mas lalo yatang naging seryoso. "Did you hear what happened to Mr. Wendell Litimco– the former Head of Security?"

"He was apparently beaten up by a group of student-gangsters."

Hindi niya makakalimutan ang nangyari sa dating Head of Security ng university nila dahil nabalita 'yon sa national TV. May nakuhang CCTV footage sa school premise nila kung saan makikitang hinagis ang katawan ng matanda mula sa isang umaandar na pulang pick-up truck. Hindi kita sa video ang plate number pero nasiguro nilang estudyante ang mga gumawa niyon dahil sa dalawang lalaking nakatayo sa cargo space. Humarap pa ang mga ito sa CCTV at kumaway. But until now, the police can't find the people identified in the video.

Miss Danger FinderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon