6: Proper Introduction

2.7K 130 3
                                    

GEEQ DIDN'T know what was happening.

Pero heto siya ngayon sa maaliwalas na kusina sa two bedroom condo unit ni Rara. Nakasuot pa nga siya ng yellow apron at nakaupo sa harap ng mesa habang naghihiwa ng saging na saba sa chopping board. Ah, meron din siyang suot na disposable food prep gloves.

All the while, a woman wearing a black suit stood beside the doorframe with her arms crossed over her chest while glaring at him. Pinakilala sila ni Rara sa isa't isa kanina at sa pagkakatanda niya, 'Pia' ang pangalan nito. Pero hindi naman sinabi ng estudyante kung kaano-ano nito si Pia kaya naguguluhan siya sa kinikilos nito ngayon.

What the hell did I get myself into?

"Mister, are you done chopping the bananas?" tanong sa kanya ni Rara na nakalingon sa kanya habang nakatayo sa harap ng kalan kung saan meron itong kaharap na malaking pot. Meron iyong lamang kumukulong tubig na nilagyan nito kanina ng asukal, asin, at brown sugar. "Malapit nang ma-dissolve ang brown sugar, eh. Kailangan na nating ilagay ang saba dito."

Napalingon siya sa babae at natigilan habang in-a-absorb ang ganda nito. Her yellow apron looked cute on her. Plus, she tied her hair in a messy bun and that gave him a clear view of her white and slender neck. And that thought made him want to punch his mouth.

Stop– she's still ten years your junior.

"Yeah, katatapos ko lang silang i-chop," sagot ni Geeq nang matauhan siya, saka niya nilagay sa mangkok ang nahiwa niyang mga saging. Pagkatapos, tumayo siya at lumapit sa babae para iabot 'yon dito. "Here you go, Miss Sandoval."

"Thank you, Mister," sabi ni Rara, saka nito kinuha ang mangkok mula sa kanya. Saglit lang siya nitong sinulyapan bago ito nag-focus sa kaharap na pot. Pagkatapos, nilagay na nito ang saging sa kumukulong tubig bago takpan ng lid. "We're just going to wait until it simmers." Humarap ito sa kanya at tumingala para tingnan siya sa mga mata. "Would you like to have coffee or tea, Mister? Ah, kung hindi mo feel ang hot drinks, meron kaming instant juice at iced tea. Puwede rin tayong gumawa ng smoothie kung gusto mo."

"Iced tea will be great," sagot niya. "I'm not good with hot drinks."

"Really?" parang nagulat na komento nito. "I thought adults are obsessed with coffee or tea."

"You're stereotyping adults."

"I guess so. Sorry," sabi nito, saka ito nag-excuse sa kanya bago ito tumalikod at maglakad papunta sa cupboard. Sumunod siya sa babae at naramdaman yata nito ang pagbuntot niya kaya huminto ito sa paglalakad at kunot-noo siyang hinarap. "Mister, you don't have to follow me around. Just take a seat and wait while I prepare your iced tea."

"Uhm..." Yumuko siya para bumulong dito. And damn, her sweet scent was kind of distracting. "Did I do or say something wrong that may have upset Miss Pia?"

"Oh, Pia is not upset," sabi nito sa mahinang boses, saka ito tumingkayad para naman bumulong sa tainga niya. "She's simply too good at her job as a bodyguard."

Goosebumps!

Rara's hot breath fanned the sensitive side of his neck since she was too small to reach his ear even when she was already standing on her tiptoe.

Bigla tuloy siyang napahawak sa leeg niya at napaatras palayo sa babae.

And damn, he never thought that his "heart would skip a beat" at his age!

Napakurap-kurap si Rara na parang nagtaka sa kinilos niya. "Are you okay, Mister? Your cheeks are red. Naiinitan ka ba?"

Mabilis siyang umiling. Nakakahiya mang aminin, nararamdaman nga niyang mainit ang mga pisngi niya. "N-no. I'm fine."

Miss Danger FinderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon