"YOU'RE lying, Ate Rara."
Natigilan si Rara sa pagtatanggal ng butones ng suot niyang yellow oversized checkered polo dahil sa sinabing iyon ni Riri. Silang dalawa lang ang nasa dressing room ng massage spa na 'yon kaya nakakapag-usap sila ng gano'n. "I am. That's why I brought you here as an apology."
"You're lying again," deklara nito sa usual nitong masungit na tono, saka nito hinawakan ang kamay niya. If she was indifferent, then her cousin was snobbish. "Dinala mo ko dito sa massage spa kasi gusto mo lang magpa-whole body massage. Nagkataon lang na dumalaw ako sa condo mo no'ng paalis ka na kaya sinama mo na ko, 'di ba?"
"Stop reading my mind," saway niya rito, saka niya binawi ang kamay niya mula rito. Nababasa kasi ni Riri ang isipan ng mga tao na hinahawakan nito sa kamay. Pero ten seconds lang ang limit niyon dahil may masamang side effect ang abilidad nito. "You'll get a nosebleed."
"Ano 'yong inutos mo kay Stranger, Ate Rara?" sita nito sa kanya. "My ability doesn't work on him but I know that he's lying when he said he just had pizza with you the other day. Hindi ka makikipagkita sa boyfriend ko kung wala kang iuutos sa kanya."
"Riri, don't worry about your boyfriend. Hindi ko siya ipapahamak."
"That's not my point, Ate Rara," giit naman nito, saka nito tinapik ang dibdib nito. "I want to help you. Kaya bakit si Stranger ang nilapitan mo at hindi ako? I know what you're up to, Ate. Iniisip mo na na-bully si Ate Vika at hinahanap mo ang mga tao na posibleng reason kung bakit niya 'yon ginawa sa sarili niya, 'di ba?"
Kumunot ang noo niya sa pagtataka. "Pa'no mo naman nalaman 'yan?"
"I was with you when Ate Vika's sorority sisters went to visit her in the hospital," sagot nito. "I heard you when you said that they smelled like garbage. Then, a few days after that, you went home with bruises and scratches from a fight." Marahan nitong pinitik ang noo niya. "I used to be your aunt before we found out that we're actually cousins. Kilala kita kaya alam ko na pinaghihinalaan mo ang sorority ni Ate Vika. Hindi mahirap for me na ma-figure out ang ginagawa mo ngayon."
Muntik na siyang mapangiti sa sinabi nito. "Maturity-wise, you seem to be older than me, Aunt Riri. Kung ikaw siguro ang nasa position ko ngayon, siguradong hihingi ka ng tulong sa mga adults. Plus, you already have an influence as an Herrera at your age."
Pareho man silang apo ni Senator Conrado, magkaiba pa rin ang estado nilang magpinsan.
And to be frank, the general public only knows Riri as our lolo's granddaughter.
Nag-decide kasi noon ang lolo niya na i-announce sa public ang revelation tungkol kay Riri nang magdesisyon ang pinsan niya na gamitin na ang apelyido ng daddy nito. Mas mabuti na raw na sa kanila magmula ang balita kesa sa ibang tao pa. Kaya hayun, sa loob ng ilang linggo eh laman ng lifestyle and entertainment pages ng mga tabloid at magazine ang pinsan niya.
"Don't say that, Ate Rara," saway ni Riri sa kanya. "You're still an Herrera. Saka okay naman na sina Lolo at Tita Ria, 'di ba?"
Nakipagtanan kasi noon ang mama niya sa papa niya kaya itinakwil ito ng pamilya nito. Simula no'n, hindi na nabanggit sa publiko nang naging senador ang lolo niya. But a few years ago, her grandfather had a change of heart. "Nakipagbati" ito sa mama niya para magkaro'n ito ng karapatang mangialam sa buhay nila ng kapatid niya.
Kaya pagka-graduate niya ng high school, pinadala siya ng lolo niya sa America para sa mas maganda raw na edukasyon at ito rin ang pumili ng course para sa kanya. Of course she hated it. Pero ginamit niya ang pagkakataon na 'yon para protektahan si Ryder. Kapalit ng pag-aaral niya sa abroad ay hindi pakikialamanan ng lolo niya ang buhay ng kapatid niya.
BINABASA MO ANG
Miss Danger Finder
RomanceRara can smell dangerous people. Akala niya, advantage niya ang kakaiba niyang abilidad para mahanap ang mga tao na may malaking atraso sa pinsan niya. Pero nakilala niya si Geeq--- ang guwapong lalaking "odorless" sa pang-amoy siya. Is he a friend...