"I DIDN'T expect that they will confiscate our phones at the entrance," bulong ni Rara kay Eun habang naglalakad sila papasok sa engrandeng clubhouse. Ang elegante ng dekorasyon ng buong lugar– hindi halatang party iyon ng mga college students pa lang. "Alam mo ba 'to, Eun?"
"No," umiiling-iling na tanggi naman ni Eun. "Sa mga party na in-organize ni Kuya na napuntahan ko na, ngayon ko lang na-experience 'to."
Natahimik siya dahil medyo kinabahan siya ngayong wala na ang phone niya sa kanya. Meron namang passcode iyon kaya sigurado siyang hindi 'yon mabubuksan. Pero hindi siya mapakali ngayong wala na siyang contact kay Geeq.
Bakit ba hindi ko naisip ang possibility na kukunin nila ang mga phone ng mga guest nila?
Saka meron pa siyang ipinagtataka– hindi mabaho ang amoy ng venue. Pagkatapos niyang malaman ang ginagawa ng mga Clique members, inaasahan na niyang mahihilo siya sa mabahong amoy ng mga guests. She could smell bad people but they weren't as many as she expected. Majority of the guests were still odorless.
"Are you that uneasy, Rara?" pabulong na tanong sa kanya ni Eun. "Gusto mo bang kunin ang phone mo? I'll bribe the staff."
Nabuhayan siya ng pag-asa dahil sa sinabi nito. "Can you do that?"
Marahan itong tumango. "Hindi members ng Clique 'yong mga staff na sa reception area. I think sila ang organizers nitong party. Kung hindi sila members ng mga followers ni Kuya Weston, I can deal with them. Should I bribe them to get your phone?"
"Memorized mo ba ang phone number ni Spence?"
Namula ang mukha nito na parang nahiya, saka ito umiling. "No. I'm sorry."
"You don't have to apologize. Normal lang naman kung hindi mo kabisado ang phone numbers ng squad mo," saway niya rito. "Kung hindi pumayag ang organizers na dalawang phone ang kunin mo, 'yong phone mo na lang ang kunin mo. Then, call Spence and ask him to fetch us now."
"Now?" gulat na tanong nito. "We're leaving now?"
Tumango siya. "Masama ang kutob ko rito. Mas makakampante ako kung nasa labas lang ang get-away vehicle natin. Kapag tapos mo nang tawagan si Spence, pahiram ng phone mo. Tatawagan ko naman si Geeq since memorized ko naman ang number niya."
Tumaas ang kilay ng lalaki. "Memorized mo ang phone number ni Geeq?"
"Eun, I have sharp memory," paalala niya rito. "Go. Time is running. I'll stay here just in case someone is keeping an eye on us. Baka hanapin nila tayo kung pareho tayong lalabas."
Tumango lang si Eun, saka ito pasimpleng naglakad palabas ng clubhouse para bumalik sa reception area kung saan kailangang isuko ang phone pagkatapos pumirma sa registration form.
Tumayo naman si Rara sa harap ng isa sa mga round high top cocktail table. Pagkatapos, kumuha siya ng isang dalawang baso ng wine sa dumaang waiter. Ipinatong niya 'yong isang baso sa tapat niya (para kay Eun 'yon) at hindi naman niya binitawan 'yong isa.
Mayamaya lang, may waitress namang lumapit sa kanya at naglagay ng plato ng lobster sliders para sa dalawang tao. Inutusan daw ito ng "boss" na magdala ng pagkain para sa kanya. Pero bago pa siya makapagtanong kung sino iyon, umalis na ito.
Nang maramdaman niyang may nakatingin sa direksyon niya, tumingin siya sa paligid niya hanggang sa nagkasalubong ang tingin nila ni Weston Rivera na nakatayo sa gilid ng stage.
Ah, he's already here.
Weston looked chic in his maroon three-piece crisp plaid suit with white button-down shirt and dark gray necktie. For his footwear, he wore a tan leather laced-up brogue shoes. Like Eun, he also sported a slick back hair for tonight.
This devil is devilishly handsome indeed.
Ngumiti si Weston sa kanya. Like he was showing off his complete set of white teeth that made him look hotter. Inangat nito ang hawak na wine glass at bumukas ang bibig. Kahit hindi niya narinig ang boses nito, nabasa naman niya ang mga labi nito. "Welcome, Rara."
Tumango si Rara, saka niya inangat sa direksyon nito ang hawak niyang baso. "Thank you, Weston Rivera."
Ngumisi lang si Weston bago siya nito tinalikuran dahil nilapitan na ito ng mga event organizer na may bitbit na kung anong folder na ipinabasa nito sa lalaki.
Kung face value lang ang pagbabasehan, mukhang matinong tao 'yang si Weston Rivera.
"Rara, I'm back."
Nakahinga ng maluwag si Rara nang makabalik na si Eun. "Where's your phone?"
"Hindi pumayag 'yong mga staff sa reception area na ipasok ko dito ang phone," sagot ni Eun. "Pero pumayag naman silang gamitin ko ang phone ko sa labas. Tinawagan ko si Spence at pinapunta ko na siya rito. Gusto mo bang lumabas para tawagan si Geeq?"
Sasagot pa lang sana siya nang natigilan siya dahil sa biglang pag-dim ng mga ilaw. Kasunod niyon, umakyat na ng stage si Weston para magbigay ng speech nito.
"Ladies and gentlemen, I would like to formally welcome you to my thanksgiving party," nakangiti at gentle na sabi ni Weston sa mga bisita. "Hindi naman sekreto na maraming controversy na pinagdaanan ang Alpha Kappa ngayong taon. But we made it through because of your support. For that, I'm really grateful to all of you..."
Kumunot ang noo ni Rara at hindi na siya nakinig sa mga sinasabi pa ni Weston. "Something is not right here, Eun."
Tiningnan siya ni Eun nang may pagtataka sa mukha habang kumakain ito ng lobster slider. "What's wrong?"
"Weston didn't say that this is the House of Rivera," sagot niya. "Saka karamihan sa mga guests dito, kilala ko na kasi sila 'yong mga nasa list na binigay sa'kin ni Sydney before. Which makes me think that this is just an ordinary party."
Tumingin ito sa paligid, saka ito muling humarap sa kanya. "You're right, Rara. Sila-sila rin ang mga bisita ni Kuya Weston sa mga party niya noon."
And that explains why the bad odor here isn't bad like how it's supposed to be.
"Eun, let's get out of here," pag-aaya niya sa lalaki, saka niya dinampot ang table napkin para marahan iyong ipunas sa mismis sa gilid ng bibig nito. "This is not the House of Rivera."
Uminom muna ng wine si Eun bago ito tumango. "Alright. Let's go."
Hinawakan niya ang kamay nito at hinila ito palabas ng clubhouse. Busy ang ibang mga guests sa pakikinig sa speech ni Weston kaya wala namang direktang nakatingin sa direksyon nila ni Eun. Pero nararamdaman niyang may nakatingin sa kanila.
This is getting more dangerous.
Paglabas nila ng clubhouse, nakita agad nila ang dalawang Alpha Kappa members na nakabantay sa mismong Jaguar ni Eun. Hindi sila nakikita ng mga lalaki na busy sa kanya-kanyang phone ng mga ito. Mukhang may ka-chat o katext ang mga ito dahil ngiting-ngiti ang mga loko. It was easy to tell that they were talking to girls.
"They're Martin and Kent," bulong ni Eun sa kanya. "Norman's minions and they serve Weston directly when the right hand man is busy."
"Norman isn't here and that's more suspicious," sabi ni Rara. "Looks like we can't use your car. Abangan na lang natin si Spence."
Lumagpas ang tingin nito sa kanya, saka ito napangiti. "He's here."
May puting sedan ang huminto sa harapan nila. Nagmamadaling binuksan ni Eun ang passenger seat para sa kanya, saka siya nito pinasakay.
As soon as Rara was in the passenger seat with Spence behind the wheels, she heard him lock the doors inside. Hindi na niya kailangang magtanong kung bakit ni-lock agad nito ang mga pinto kahit hindi pa nakakapasok si Eun dahil mula sa rearview mirror sa harapan niya, nakita niyang meron silang kasama sa backseat.
It was Norman and he was pointing a knife at her.
Oh, it's a trap.
BINABASA MO ANG
Miss Danger Finder
RomanceRara can smell dangerous people. Akala niya, advantage niya ang kakaiba niyang abilidad para mahanap ang mga tao na may malaking atraso sa pinsan niya. Pero nakilala niya si Geeq--- ang guwapong lalaking "odorless" sa pang-amoy siya. Is he a friend...