"RIRI, I'm sorry kung dinamay kita rito," na-gi-guilty na sabi ni Rara sa pinsan niya. "I have no choice but to ask for your help. Hindi ko na kasi 'tong mag-isa."
Nasa VIP room sila ng massage spa na lagi nilang pinupuntahan. The room was similar to a conference hall though. Merong oval-shaped table na merong anim na long back sofa chairs. Bukod do'n, meron pa ro'ng tatlong massage tables at hot tub. Para kasi 'yon sa mga clients na gusto ng privacy at relaxation pagkatapos magpamasahe.
Gaya nila ni Riri ngayon. Katatapos lang nilang magpa-whole body massage sa paborito nilang mga massage therapist. Kaya heto, nag-re-relax na sila sa VIP room. Merong buko shake ang pinsan niya habang meron naman siyang green tea smoothie. Suot din nila ang komportableng terno ng pink T-shirt at shorts na may pangalan ng massage spa.
"Bakit ka nag-so-sorry?" nakataas ang kilay na tanong ni Riri sa kanya. "Tama lang naman na tinawagan mo ko, Ate Rara. The Herrera women are stronger together. If I were you, I'd also ask my Mommy's help."
"Tita Ria is kind of scary," pag-amin niya. "And she's short-tempered. Hindi bagay sa personality ng mommy mo ang nagpa-plano. Siya kasi 'yong type ng fighter na sugod lang ng sugod. Baka masira ang plano natin kung isasali natin siya."
Mukhang hindi naman nainsulto si Riri dahil napangiti pa nga ito habang tumatango-tango. "That's right. But when push comes to shove, we'll call Mommy, okay?"
Tumango siya dahil isa 'yon sa mga kondisyon nito bago ito pumayag na tulungan siya. "Tita Ria's ability is arguably the most amazing among ours. May nakikita siyang black smoke sa mga masasamang tao, 'di ba?"
"Yeah. But like our abilities, it's still useless unless we can provide proof that the bad people we see are really dangerous." Sumipsip muna ito ng buko shake bago ito nagpatuloy. "If you ask me, mas gusto ko ang ability ni Tita Rita."
Napangiti siya dahil kahit siya, gusto rin ang ability ng mommy niya. "Yeah. Nakaka-relax ang hawak ni Mommy. And she can make you sleep when she wants to." Natigilan siya nang may ma-realize siya. "But our Lola Rica's ability is arguably the strongest. Kaya niyang burahin ang memories for the past five minutes ng isang tao."
"Pang-offense ang ability nina Tita Rita at Lola. Pang-defense naman ang ability natin nina Mommy," komento ng pinsan niya. "We can build our own paranormal agency if we want to."
Natawa lang siya sa sinabi nito.
Hindi na rin siya nag-comment nang bumukas na ang double doors at dumating na sina Geeq, Manu, at Sica na gaya nila ni Riri ay suot na rin ang damit mula sa massage spa. May dala na ring kanya-kanyang drinks ang mga ito.
Mango smoothie kay Geeq, strawberry smoothie kay Manu, at avocado smoothie kay Sica. Kasunod ng mga ito sina M at J na personal bodyguards ni Riri. Sabay ding nagpaalam ang mga ito at lumabas ng VIP room para do'n magbantay.
Ahh... the odor isn't strong but Sica still smells like garbage.
Tiningnan niya si Riri at pasimple siyang tumango. Ang ibig sabihin niyon, naamoy na niya si Sica at hindi maganda ang nasinghot niya sa babae. Pasimple ring tumango sa kanya ang pinsan niya at nangangahulugan naman iyon na mag-iingat ito.
"Did you enjoy your massage?" tanong ni Rara kina Geeq, Manu, at Sica na sinaluhan na sila sa mesa. Siyempre, sa tabi niya umupo si Geeq. Nasa pagitan naman nito at ni Manu (na nasa tabi ni Riri) si Sica. Buti na lang at pabilog ang mesa kaya magkakaharap silang lahat ngayon. "I hope you had an hour well spent."
"We did," sabay-sabay na sabi nina Geeq, Manu, at Sica. "Thank you."
Nagkatinginan ang tatlo dahil sa rapport ng mga ito, saka sabay na napangiti sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Miss Danger Finder
Любовные романыRara can smell dangerous people. Akala niya, advantage niya ang kakaiba niyang abilidad para mahanap ang mga tao na may malaking atraso sa pinsan niya. Pero nakilala niya si Geeq--- ang guwapong lalaking "odorless" sa pang-amoy siya. Is he a friend...