"WHERE are we going?" nagtatakang tanong ni Sica nang isakay siya ni Manu sa pick-up truck nito. Nasa backseat naman sina Riri at Stranger na parehong umiinom ng milk tea at may baon pang sausage rolls. Nagtatakang tiningnan niya ang ex-boyfriend niyang nasa likod ng manibela. "Manu, bakit kasama natin ang mga bata?"
"We need them," sagot ni Manu sa tanong niya. "And prepare yourself, Sica. We're going to the police station now and you're going to surrender Vika's USB to them."
Understatement kung sasabihin niyang nagulat siya sa mga sinabi nito. She unconsciously clutched the seatbealt to make herself calm. "I don't have Vika's USB."
"You're lying, Sica," deklara ni Riri nang hindi man lang tumitingin sa kanya dahil busy ito sa pag-ta-type sa phone nito. "Nasa'yo ang USB ni Ate Vika. You're hiding it somewhere na maraming tulips. I don't know exactly where it is though."
Mabilis siyang umiling. "I don't know what you're talking about."
"You can't lie to me," malamig na sabi ni Riri, saka nito tinuro si Stranger. "Only this guy can lie to me."
Hinalikan ni Stranger ang kamay ni Riri bago nito iyon hinawakan. "Give it up, Miss Sica. The Herrera Women are people you don't mess with."
"How did you know that?" gulat na tanong niya sa mga bata habang nakatingin siya rito sa rearview mirror. "Pinaimbestigahan niyo ba ko or what?"
"Hindi na importante kung pa'no namin nalaman," sabi sa kanya ni Manu sa istriktong boses. "Sica, kailangan na nating i-meet si S/Insp. Martinez para matulungan natin sina Rara at Eun. Alam din namin na na-record mo ang usapan nina Weston nang sabihin niyang nasa House of Rivera ang assailants ng daddy ko."
Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. "Manu, how–"
"Sinabi ko nang hindi na importante kung pa'no," sabi nito sa frustrated na boses. Pero mukhang mabilis din nitong kinalma ang sarili. "Sica, please. I need your help. Gusto kong mahuli ang mga gumawa no'n sa daddy ko. Hindi mo ba kayang tulungan si Daddy? Hindi ba naging maganda ang trato niya sa'yo no'ng tayo pa?"
Mabilis na nangilid ang mga luha ni Sica dahil sinipa siya ng konsensiya. Matagal na niyang alam na nasa House of Rivera ang assailants ni Tito Wendell pero hindi naman niya alam kung nasa'n 'yon. Aware din naman siya na makakatulong sana sa kaso ang mga information at evidence na hawak niya pero...
I'm scared.
"Sica, bina-blackmail ka nila, 'di ba?" tanong ni Manu sa boses na puno ng pag-aalala. "Hindi ka magsisinungaling sa'min kung wala kang dahilan. I know how much you care for my dad. Alam kong hindi mo 'to gagawin kung walang pumipigil sa'yo." Hinawakan siya nito sa mga balikat para kalmahin gaya ng madalas nitong gawin noon. "Sica, I'm here. I will protect you. We will all protect you so please help us. Right now, Geeq, Eun, and Rara are risking their lives to save you and Vika and to catch Dad's assailants. They need our support."
Hindi na niya napigilan ang mag-breakdown sa harapan ni Manu. Because it was him, he could trust her life to him. "I'm scared, Manu. Kapag hindi ko sinunod sina Weston at Jackson, ikakalat nila ang sex video namin ni Jackson. Plus, they will sell Vika to the Auction."
"What?!" halatang natarantang tanong ni Riri. "Ibebenta sa auction si Ate Vika?"
"Not physically," mabilis na paliwanag naman niya. "'Yong mga sex videos na kinokolekta ng Clique from the Alpha Hunt, binebenta nila sa mga senior members ng mga fraternity na mga alumni ng St. Patrick University. Tinatawag nilang Auction 'yong process wherein nagpapalabas sila ng preview ng mga sex video na hawak nila. Then, mag-bi-bid ang mga client na 'to para bilhin ang full and HD videos ng mga teaser na nagustuhan nila. Most of these clients are old men na ang fetish eh mga teenaged girls like Vika. Kaya nga karamihan sa mga pinopormahan ng mga frat members na sumasali sa Alpha Hunt eh mga teenagers. Bukod sa madaling mabola ang mga bata, mas malaki rin ang possibility na maibenta nila sa Auction ang mga sex videos na ginagawa nila. Kaya kahit hindi sila manalo sa Alpha Hunt, kumikita pa rin sila ng malaking amount ng pera." Naikuyom niya ang mga kamay niya sa inis. "'Yong pagiging bata lang ni Vika ang dahilan kung bakit siya ang pinili noon ni Weston kesa kay Kiha."
BINABASA MO ANG
Miss Danger Finder
RomanceRara can smell dangerous people. Akala niya, advantage niya ang kakaiba niyang abilidad para mahanap ang mga tao na may malaking atraso sa pinsan niya. Pero nakilala niya si Geeq--- ang guwapong lalaking "odorless" sa pang-amoy siya. Is he a friend...