17: Thump, Thump

1.6K 77 6
                                    

I FEEL like I've thrown up my insides.

Nagulat si Rara nang paglabas niya ng banyo ay sumalubong sa kanya si Geeq na nakasandal sa dingding at nakahalukipkip- halatang hinihintay siya. "Oh. You found me. Tatawagan pa lang sana kita, eh."

"Sinabi ng Head of Security ng ospital na tumakbo ka raw papuntang banyo pagkatapos mong mag-report sa kanila," sagot ni Geeq, saka ito tumayo ng deretso at naglakad palapit sa kanya. "Do you feel better now?"

"No, I'm still a little scared," pag-amin niya, saka siya umupo sa sahig at niyakap ang mga tuhod niya. Hanggang ngayon kasi, nanginginig pa rin ang kalamnan niya sa takot. "Ngayon lang uli ako nakakita ng tao na gano'n ang amoy."

Umupo ang lalaki sa tabi niya, saka ito nag-lotus position. May space din sa pagitan nila kaya hindi naman nagdikit ang mga balikat nila. "What does he smell like, Miss Sandoval?"

"He smells like human waste- the worst kind," sagot niya. "Kapag gano'n ang amoy, it only means that that person is capable of committing heinous crimes. Like killing and raping people."

"That sounds terrible."

"It is," pagkumpirma niya. "'Yong bad odor na naaamoy ko sa mga mapanganib na tao, iba-iba ang level. When people smell like spoiled milk, they're usually mildly dangerous. Sila 'yong mga tao na nagdidilim ang paningin kaya biglang nagkakaro'n ng urge na gumawa ng masama o manakit ng ibang tao. Nawawala rin 'yong amoy nila kapag kalmado na sila." Tiningnan niya si Geeq para i-check kung nakikinig ito sa kanya. Gaya ng inaasahan niya, nakatingin nga ito sa kanya at halatang hinihintay ang sunod niyang mga sasabihin. "And trashy people smell like the garbage that they are."

Napangiti ito na parang na-detect ang hint ng pagbibiro sa boses niya. Pero mabilis din itong naging seryoso. "So, they're more dangerous than people who smell like spoiled milk?"

"Yes," sagot niya. "'Yong mga taong amoy-basura, sanay na silang gumawa ng petty crimes. Bukod do'n, natural na rin sa kanila ang pananakit ng ibang tao. At kung pasama ng pasama ang mga krimen nila, mas tumatapang din ang bad odor nila. That's why I'm always wary of people who smell like garbage."

"Kung idadagdag 'yong amoy human waste ng mga pinakamasama at pinaka-dangerous na tao, tatlong klase ng bad odor ang naaamoy mo?"

"There's a fourth kind of odor that I hope I wouldn't encounter again," sabi niya. "Kapag merong tao na ako mismo ang target at gusto akong saktan o patayin, nagiging malansa ang amoy nila. Parang amoy ng dugo."

Gumuhit ang pag-aalala sa mukha nito. "You mean to say, may nakilala ka nang tao na sinubukan kang saktan?"

"I was only eight then," pagkukuwento naman niya. "Meron kaming kapitbahay na amoy human waste. But he was a teacher so my parents scolded me everytime I told them that he smelled bad. It turns out that he's a pedophile and a member of a child-trafficking syndicate. Nalaman lang namin 'yon no'ng hinuli siya ng mga pulis." Tinuro niya ang sarili niya. "Apparently, that pedo took me as a hostage. Pumasok daw siya sa bahay namin no'n at bigla akong hinablot from my mommy. Hindi ko na rin masyadong natatandaan ang exact details ng mga nangyari that time since masyado pa kong bata no'n. Pero ang kuwento sa'kin ni Mommy, iyak daw ako ng iyak no'n habang sinasabi ko raw na may naaamoy akong dugo. Natakot sila kasi akala niya, injured na ko. So a police officer shot the pedo. No'ng mabitawan na ko ng kriminal na 'yon, saka ako nailigtas ng mga magulang ko."

Bumakas ang simpatya sa mukha nito. "It must have been traumatic for a child like you."

"It was," tumatango-tangong sabi niya. "Do'n ko na-realize na puwedeng magbago ang amoy ng isang tao."

Miss Danger FinderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon