38: Rivera Issues

1.2K 57 6
                                    

HE LOOKS hotter when he's angry.

Alam ni Rara na hindi iyon ang tamang oras para i-check out si Geeq habang nakaupo siya sa edge ng kama sa clinic ng mall at umiinom ng matcha bubble tea. Nakatalikod ngayon mula sa kanya ang lalaki kaya hindi nito napapansin na tinititigan niya ito. As of now, nakatitig siya sa braso nito dahil nakapatong ang isa nitong kamay sa baywang nito habang may kausap ito sa phone.

The veins in his arms look angry. They're bulging like they're gonna pop any moment. Thank you for making him wear an outfit that shows off his sexy forearms.

Geeq looked chic in his chambray shirt with sleeves folded in his elbows. The shirt was fully tucked into his khakis and he finished his casual look with a pair of Converse sneakers. Dahil sa porma nito ngayon, mas lalong hindi nahalata na nasa early thirties na ito.

So freaking handsome.

Nawala lang dito ang atensiyon niya nang bumukas ang pinto ng banyo at lumabas mula ro'n si Eun na nagpupunas na ng basang mukha gamit ang hawak nitong face towel.

Aw, he looks tired.

Hinubad na ni Eun ang blazer nito kanina at dahil naka-chambray shirt din ito, puwede na itong makipag-twinning kay Geeq ngayon.

Good-looking people dress alike, huh?

"Hey," bati sa kanya ni Eun nang umupo ito sa tabi niya. Pagkatapos, tiningnan nito ang mukha niya na parang ini-inspect siya. "Do you feel better now? I was so scared when I saw your nose bleeding back in there. I thought you were hit in the face or something."

"I'm fine," pag-a-assure ni Rara dito. "Kailangan ko lang lagyan ng cold compress ang pisngi at ilong ko pagkatapos kong mag-nosebleed kanina. Ako ang dapat na mag-worry sa'yo. You were assaulted, Eun."

Tinawanan lang nito ang sinabi niya. "Yeah, my ass got owned by strangers."

"That's not funny," saway niya rito. "Seryoso ang nangyari sa'yo, Eun."

"Rara is right," sabi ni Geeq na tapos na pala sa pakikipag-usap sa phone. Dahil sa pagsali nito sa usapan, sabay silang napatingin ni Eun dito. "Eun, may reason ba para hindi mo na i-pursue ang paghahanap sa assailants mo?"

Tumango siya bilang pagsang-ayon kay Geeq. "I don't understand it, too, Eun."

Kanina, no'ng inaalalayan ni Rara si Eun palabas ng men's room ay sumalubong sa kanila si Geeq na may kasama nang security guards. Dahil sa sharp memory niya, mabilis at malinaw niyang sinabi sa mga guwardiya ang description ng dalawang lalaking nasa banyo kanina.

But for some reason, Eun stopped the security team from chasing his assailants.

Hindi na nakipagtalo si Geeq dahil mas inuna nitong dalhin sila sa clinic ng mall. Doon, tinulungan siya ng nurse na pahintuin ang nosebleed niya habang tiningnan naman ng doktor ang kalagayan ni Eun. She noticed that the doctor was treating Eun like a VVIP the whole time.

Anyway, habang ginagamot sila ng doktor at nurse kanina, lumabas si Geeq. Nang bumalik ito, may dala na itong matcha bubble tea para sa kanya at hot chocolate naman para kay Eun.

Very thoughtful.

"My father owns this shopping mall," sabi ni Eun mayamaya. "Ayokong magkaro'n ng balita tungkol sa assault sa'kin dahil masisira ang image ng company ni Daddy. After all, we always boast about having tight security in our properties."

"Hindi naman ang security ang problema dito," katwiran ni Rara. "Walang weapons 'yong mga assailant mo. Hindi ma-de-detect ng mga metal detector ang masasamang tao."

"'Yon nga ang nakakahiya, eh," sabi nito habang iiling-iling. "I was almost knocked out by a guy younger than me. He simply hit the back of my head. 'Tapos ayun, nahilo na ko kaya hindi na ko nakalaban no'ng kinaladkad ako no'ng muscular guy papasok ng men's room." Tumingin ito sa kanya at napansin niyang namula ang mukha nito sa pagkapahiya. "Rara, kung hindi ka dumating, baka naging punching bag na nila ako kanina. Nakakahiya na lagi mo na lang akong nililigtas pero salamat. Thank you for being my knight."

"Wala namang nakakahiya sa nangyari," sermon niya rito. "Not all civilians are trained to defense themselves against physical attacks. Kaya nga meron tayong mga pulis, security guards, etc. You shouldn't sacrifice your safety just to protect your father's company. Plus, he must be worried about you."

"Alam naman namin ni Daddy kung sino ang may gawa nito, eh," sabi ni Eun habang iiling-iling. "It must be Kuya Weston. As far as I know, he had another ugly fight with my Dad last night regarding our mother. Everytime he's angry at our father, he vents out on me."

"What an awful brother," iiling-iling na komento niya. "Anyway, we should go to the hospital, Eun. Sinabi naman kanina no'ng doktor na mas makakabuti kung sa mas malaking ospital ka magpapa-check up kasi hindi naman complete ang facilities nila dito sa clinic. Baka mamaya, may internal bleeding ka na sa ulo."

"Yeah, my father is adamant about that, too," sabi ni Eun. Kanina kasi, matagal nitong kausap ang daddy nito sa phone. Maging ang doktor nga sa clinic ay kinausap din ng ama nito. "Anyway, my father's bodyguards are already here to pick me up and bring me to the hospital. As much as I want to be with you longer, I'd have to call it a night for us, Rara. Ayokong mapagod ka pa lalo nang dahil lang sa'kin." Binigyan siya nito ng apologetic smile. "I'm sorry that this happened while we're together."

Umiling siya. "Don't worry about it."

Ngumiti lang si Eun, pagkatapos ay nag-aya na itong umalis kaya tumayo na sila at nagpaalam sa nurse at doktor na nag-alaga sa kanila simula kanina. Pero bago sila lumabas ng clinic, ipinasuot muna nito sa kanya ang blazer nito na isinuot niya dahil giniginaw na rin siya.

Dahil nasa parehong basement parking naman ang kotse nito at ni Geeq, Pagkatapos, sabay pa rin silang naglakad papunta sa basement parking kung saan parehong naka-park ang sasakyan nito at ni Geeq. Speaking of the latter...

She noticed that Geeq was quiet the whole time and he also walked one step behind her and Eun on purpose.

Why is he acting like a personal bodyguard?

Miss Danger FinderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon