"YOU SLAY, Ate Rara," tumatango-tangong papuri sa kanya ni Riri. "You're extra gorgeous tonight."
Nahihiyang ngumiti si Rara pero tumango rin siya bilang pagsang-ayon sa sinabi ng pinsan niya. Nakikita niya kasi ang reflection niya sa kaharap niyang full-length mirror at masaya naman siya sa hitsura niya. "Thank you, Riri. You did a good job in making me look pretty. Para ngang hindi ako 'to, eh."
Natawa ang pinsan niya habang iiling-iling. "Ate Rara, your outfit is hard to pull off. Buti na lang, maganda ka at marunong magdala ng damit."
The stylish gold one-button pantsuits with nude shirt she wore fit her perfectly. For her footwear, she opted for a poppy red slingback pumps. She thought her outfit looked vibrant enough so she chose a classic black clutch as an accessory.
"Not everyone can wear a gold pantsuits and still look good in it," pagpapatuloy ni Riri sa pagpuri sa kanya, saka nito tinuro ang mukha niya. "You look amazing, girl."
Of course, she had full make-up on. Nilagyan pa nga siya ni Riri ng highlighter at bronzer sa mukha na hindi niya usually ginagawa kaya siguro nag-improve talaga ang hitsura niya ngayon.
She thought Riri would make her wear red lipstick to give her a fiercer look, but she was wrong. Her cousin actually made her wear nude lipstick with slight pink undertones that went surprisingly well with her gold pantsuits. Then Riri took extra care in doing her eye makeup that she called as the "sparkling cat eye makeup," probably because of the gold glitter she used. And for her hair, she had it tie in a dressy low bun style.
Buti na lang at hinayaan ko si Riri na lang ang maging hair and makeup artist ko for tonight, satisfied na sabi niya sa sarili. Para na rin akong nagpaayos sa beauty parlo dahil sa skills niya.
Nasa condo niya ngayon sina Riri, Stranger, at Geeq. Si Pia naman, inutusan niyang ihatid si Ryder sa bahay ng lolo't lola niya para masigurong magiging ligtas ang kapatid niya ngayong gabi. Pero babalik din agad ang bodyguard niya kapag nagawa na nito ang utos niya.
"I look powerful," komento ni Rara habang nakatitig pa rin sa sarili niyang reflection. "And I look like a lady boss."
"You are a lady boss," sabi naman ni Riri. "Everyone woman is."
Tumango siya bilang pagsang-ayon sa sinabi ng pinsan niya. "Thank you for doing my hair and makeup, Riri. I'll treat you with something good as soon as this is over."
"You don't have to, Ate Rara," umiiling-iling na tanggi naman nito. "I just want your mission to be successful tonight. Gusto ko nang matapos 'to para maging peaceful na ang buhay niyo ni Ate Vika."
"I'll do everything to end this tonight."
Ngumiti lang si Riri, saka siya nito hinawakan sa kamay at hinila palabas ng kuwarto niya. "Let's go na, Ate Rara. Gusto ko nang makita ang reaction ni Geeq kapag nakita ka niya. I'm sure he'll be pleasantly surprised by your transformation."
Kinagat niya lang ang lower lip niya para mapigilan ang mapangiti sa kilig.
Binitawan siya ni Riri nang nasa nakalabas na sila sa kuwarto dahil mabilis itong naglakad papunta sa boyfriend nitong si Stranger na busy sa paglalaro ng Playstation habang kalaban ang bisita nila– si Geeq...
... si Geeq na napatingin agad sa direksyon niya.
At nagkatotoo nga ang sinabi ni Riri kanina.
"... he'll be pleasantly surprised by your transformation."
Geeq slowly stood up while looking at her from head to toe.
Bigla siyang na-conscious kaya nag-iwas siya ng tingin sa lalaki at tinuon na lang niya ang atensiyon niya kay Riri na nakaupo na sa tabi ni Stranger. May kung anong binubulong ang pinsan niya sa boyfriend nitong tumatango-tango at halatang nakikinig sa sinasabi ng babae.
BINABASA MO ANG
Miss Danger Finder
RomanceRara can smell dangerous people. Akala niya, advantage niya ang kakaiba niyang abilidad para mahanap ang mga tao na may malaking atraso sa pinsan niya. Pero nakilala niya si Geeq--- ang guwapong lalaking "odorless" sa pang-amoy siya. Is he a friend...