"YOU TOLD Eun everything?"
Tumango si Rara sa tanong ni Geeq na nag-da-drive ng mga sandaling 'yon habang nasa passenger seat naman siya at kumakain ng sausage roll. "Pero hindi ko sinabi ang pangalan at identity mo. Alam ko naman kasing wala ka pang tiwala sa kanya."
Matagal bago muling nagsalita si Geeq na para bang nag-isip muna siya ng mabuti. "Well, I guess it's only fair. Malaki ang maitutulong niya sa'tin since kapatid siya ni Weston."
"Eun is a good person, Geeq."
"Is that admiration I hear in your voice?"
"Huh?"
Tiningnan siya nito no'ng huminto ang kotse dahil sa traffic light. "It seems like you started to get really fond of Eun recently."
"Ahh," tumatango-tangong komento niya. "That's true. Eun grew on me. He quite reminds me of Ryder and that feeling makes me want to take care of him."
"He might misunderstand."
"He won't," pag-a-assure niya rito, saka siya kumagat at kumain muna ng sausage roll bago magpatuloy. "I'm always firm whenever I reject him. Pero kung dumating 'yong time na kailangan ko nang deretsahin sa kanya ang reason kung bakit lagi ko siyang tine-turn down, I'll do it even if I don't want to."
"Interesting."
"Hindi mo ba itatanong kung ano ang reason ko?"
For some reason, his face turned reddish while gently shaking his head. Pagkatapos, tahimik na itong bumalik sa pag-da-drive.
"How conceited," iiling-iling na biro niya rito. "Hindi mo na tinanong kung bakit kasi alam mo na ang reason kung bakit ko ni-re-reject si Eun."
"That's not true," kaila naman nito kahit pulang-pula ang mukha. "I just thought that it was unnecessary for me to pry into your private life."
"Liar," biro ko pa rin sa kanya. "You didn't ask because you already know that I prefer men ten year older than me."
Kailangan niyang i-emphasize ang "ten years". Mas matanda rin kasi sa kanya si Eun kaya hindi niya puwedeng sabihin lang na mas prefer niya ang "older guy."
"Stop teasing me, Rara."
"K."
Bumuntong-hininga lang ang lalaki habang iiling-iling, at hindi na uli nagsalita. Mayamaya lang, nag-park na ito sa harap ng isang normal-looking establishment.
Sumilip siya sa bintana at kumunot ang noo nang makita niya kung anong klaseng lugar 'yon sa pangalan pa lang niyon: Rosie's Blossom. "A flower shop?"
"Yeah. Dito ni-request ni Ally na makipagkita sa'tin. She said this is her "safe place.""
"I don't like flower shops," sabi niya, saka siya tumingin sa lalaki na nakakunot na ang noo dahil siguro sa sinabi niya kanina. "Or any place with a lot of flowers for that matter."
"Why?"
Tinapik-tapik niya ng darili niya ang tungki ng ilong niya. "I don't know why but the scent of flowers messes up my ability. Okay lang kung konti lang ang bulaklak. Pero kapag napapaligiran ako ng flowers, hindi ko naaamoy ang scent ng mga tao sa paligid ko. And because of that, I feel uncomfortable and irritable. No'ng bata ako, nagkaro'n ako ng nosebleed no'ng nasa sementeryo kami. All Souls' Day kasi no'n kaya maraming bulaklak sa paligid. So even if a flower is odorless, it still has the same effect on me. In short, flowers are my Kryptonite." Napa-"ah" siya nang may maalala. "But your lavender scent is pleasing to my nose, Geeq."
"That's a relief then." Bumakas ang pag-aalala sa mukha nito. "But will you get a nosebleed if we go inside?"
"It depends on how long we're staying there," sagot niya. "If it's only for a few minutes, I'll be fine. I guess."
"We can't risk your safety, Rara," seryosong sabi nito. "I'll ask her to transfer to a different location."
"You don't have to be that extra," saway niya rito. "I can handle it. Plus, I won't die from a nosebleed."
Halata sa mukha ni Geeq na nainis ito sa mga sinabi niya pero nagulat pa rin siya nang pitikin siya nito sa noo. "Listen to me since this is for your safety anyway."
Tumango siya habang hinihimas-himas ang noo niya. "Okay."
"Does it hurt? Sorry, napalakas yata ang pagpitik ko sa'yo. Namula agad 'yong noo mo, eh."
"If you feel guilty, you can kiss it to make the pain go awa–" Hindi na niya naituloy ang sinasabi niya dahil bigla nitong tinakpan ng kamay nito ang bibig niya. Ah, even his hand smells nice. I can't complain at this rate.
"Rara, what's gotten into you?" tanong nito sa boses na may kaunting pag-pa-panic. "How can you flirt with a straightface on?" Mabilis naman nitong inalis ang kamay nito sa bibig niya nang ma-realize nito ang ginawa. "Sorry."
"Ah, it's fine. Ako dapat ang nag-so-sorry," sabi niya. "I was binge-watching Korean romance dramas this past week. Na-adapt ko siguro ang cheesiness ng mga bida. But I can't do anything about my resting bitch face. Sorry about that."
"You did nothing wrong so you didn't have to say sorry," iiling-iling na sabi ni Geeq, saka ito nag-iwas ng tingin. "I guess I'm at my limit, huh?"
"Hmm?"
"Nothing," iiling-iling na sabi nito. "Let's go."
Sabay silang bumaba ng kotse at pumasok sa Rosie's Blossom. Siyempre, puro bulaklak agad ang sumalubong sa kanila at umatake sa ilong niya.
Sinalubong sila ng isang middle-aged na babaeng nagpakilala bilang Rosie– ang florist at owner ng flower shop. Pagkatapos nilang magpakilala sa isa't isa, sinabihan sila ng babae na umakyat daw sa second floor dahil kanina pa raw sila hinihintay ng "bisita" nito.
The flower shop's second floor was actually a roof deck. It reminded her of some of the rooftop restaurants she had visited back in New York. Napansin agad niya ang removable glass roof at wall panels. Gano'n din ang mga nakakalat na table for two. If not for the flowers around them, it could easily be mistaken for a restaurant.
"Rara, there she is," bulong ni Geeq sa'kin na marahan pa kong tinapik sa balikat nang ma-realize siguro niyang tingin ako ng tingin sa interior ng roof deck. "The 'Ally.'"
Inalis ni Rara ang atensiyon niya sa glass roof para tumingin sa harapan kung saan may babae palang naghihintay sa kanila. Pamilyar ito kaya tinitigan niyang mabuti.
The woman was beautiful and she looked like she was just in her early to mid twenties. She also looked like a foreigner because of her mestiza looks. Also, the color of her long and wavy light brown hair looked authentic. And she had an impressive chest area and gorgeous curves. Na-emphasize kasi ng suot nitong black fitted long-sleeved shirt ang torso nito habang naging kapansin-pansin naman na matangkad ito dahil sa suot na maxi skirt.
Maliit ako kaya no'ng nag-try ako ng maxi skirt before, sumayad lang 'yon sa sahig.
"Ah," sabi ni Rara nang maalala na niya kung saan niya nakita ang babae– sa phone ni Trevor. "Miss Feliz?"
"You know Sica?" kunot-noong tanong naman ni Geeq. "How?"
***
Registration is extended ❤
BINABASA MO ANG
Miss Danger Finder
RomanceRara can smell dangerous people. Akala niya, advantage niya ang kakaiba niyang abilidad para mahanap ang mga tao na may malaking atraso sa pinsan niya. Pero nakilala niya si Geeq--- ang guwapong lalaking "odorless" sa pang-amoy siya. Is he a friend...