"ARE you okay, kid?" nag-aalalang tanong ni Manu kay Riri. "You look like in pain."
Napasimangot si Rara dahil gaya ng sinabi ni Manu, mukha ngang nasaktan si Riri. Kung masama ang intensiyon ng pagsisinungaling ng isang tao ay malakas na boltahe ng kuryente rin ang nararamdaman ng pinsan niya. May hidden agenda si Sica.
"I'm fine. It's just cramps," pagsisinungaling naman ni Riri, saka ito tumingin kay Sica. "Please continue."
Tumango lang si Sica bago ito nagpatuloy. "Sinabi sa'kin ni Vika na ninakaw niya kay Weston 'yong USB nito na naglalaman ng lahat ng sex videos nito para sa semester na 'to. Binura rin daw niya ang lahat ng backup files nito. She also said that she burned Weston's laptop. Kung meron daw natirang copies si Weston ng mga video na 'yon sa ibang device, sigurado raw siyang hindi 'yon kasing dami ng mga videos na hawak na niya."
"What?" puno ng disgustong tanong ni Rara. "You mean to say, bukod kay Vika eh marami pang girls na kinama ang Weston Rivera na 'yon?"
"Yes," pagkumpirma ng babae. "Vika said that there's a highly-played game created by the Clique. Apparently, tuwing nagtatapos daw ang semester, nag-o-organize ng party si Weston at ginaganap daw iyon sa House of Rivera. Meron daw kasing infamous game ang male members ng Clique na tinatawag daw na 'Alpha Hunt.' Vika said that Weston is encouraging the male members to "screw" as much women as possible and secretly film it. Then, when it's time, magpaparamihan daw ng sex videos ang mga male members. Kung sino raw ang pinakamaraming "naikamang babae" at nagawan ng sex video within a time frame, iyon daw ang magiging "alpha" for the next semester. Marami raw perks ang pagiging "alpha" ng Clique kaya sineseryoso daw 'yon ng members."
"That's disgusting," halatang galit na komento ni Geeq. This was the first time he saw his jaw clenched that hard. "What kind of stupid game is that?"
"Ah, I remember that there are rules in playing the Alpha Hunt," sabi ni Sica na parang biglang may naalala. "According to Vika, Weston created three rules to make the game more exciting. First, hindi daw valid ang sex video kung pinuwersa ang babae sa pakikipag-sex kaya hindi puwedeng intoxicated o walang malay ang babae. Second, they're not allowed to screw hookers. Kailangan nilang mag-present ng evidence na nakipag-date muna sila sa mga babaeng kinama nila at hindi lang nila basta binayaran ang mga ito. Third, at the beginning, middle, and end of the video, kailangan daw sabihin ng babae na may consent ang pakikipag-sex niya. Yes, the girl has to repeatedly say that she gave consent to her partner."
"Those rules..." puno ng disgustong komento ni Manu. "Weston created those rules for himself and not for the girls."
Mabilis namang tumango si Geeq na parang sumasang-ayon sa sinabi ni Manu. "Ginawa ni Weston ang rules na 'yon para hindi sila magkaro'n ng problema kung may mag-li-leak man ng sex videos. Kung sa babae mismo manggagaling na may consent sila, mahihirapan na silang bawiin 'yon kung may plano man silang magdemanda kapag nalaman nilang kumalat ang vid."
"But still, hindi imposibleng na-threaten na sila para magbigay ng "consent,"" halatang inis din na komento ni Riri. "I want to destroy that stupid Clique!"
Humugot ng malalim na hininga si Rara para kalmahin ang sarili niya. "Kung ninakaw ni Vika ang USB na naglalaman ng sex videos ni Weston, then he must be angry."
"He is. Wala na siyang time para ulitin ang mga videos. Hindi siya mananalo kung kaunti lang ang ma-i-pe-present niyang vids. And if he loses in the Alpha Hunt Game, he will also lose his power as the Clique's current leader. So to say that he's angry is an understatement," pagkumpirma ni Sica. "Hindi binubura ni Vika ang videos sa USB na hawak niya kasi ginagamit niya 'yon para kontrolin si Weston. Nagpapatigasan kasi sila. Hawak naman ni Weston ang memory card ng sex videos nila ni Vika at 'yong isang bagay na kinakatakutan ng pinsan mo. Hindi ko alam kung ano 'yon pero mukhang iyon ang reason kung bakit nag-attempt siyang magpakamatay."
BINABASA MO ANG
Miss Danger Finder
Roman d'amourRara can smell dangerous people. Akala niya, advantage niya ang kakaiba niyang abilidad para mahanap ang mga tao na may malaking atraso sa pinsan niya. Pero nakilala niya si Geeq--- ang guwapong lalaking "odorless" sa pang-amoy siya. Is he a friend...