"I CAN'T believe this development, Geeq," sabi ni Manu sa kaibigan niya habang pareho silang nakasandal sa hood ng kotse nito. Nasa tapat sila ng boarding house kung saan nakatira si Sica habang hinihintay itong lumabas. Sa ngayon kasi ay nag-e-empake na ito ng mga gamit nito bilang paghahanda sa lilipatan nitong "penthouse." "Sica is in the middle of this mess."
"Me, too," pagsang-ayon ni Geeq niya. Pagkatapos, nilingon siya nito. "Hey, alam mo bang nagtatrabaho noon si Sica sa St. Patrick as a school counselor?"
Napakamot siya ng pisngi habang tumatango-tango. "Uh, yeah. Sa St. Patrick siya nag-work pagkatapos ng breakup namin."
"Ah, so two years din pala siyang nag-work sa university. Na-mention niya kasi kay Rara kanina na kaka-resign lang niya sa St. Patrick..." Unti-unti itong natigilan at binigyan siya ng nagdududang tingin. "Wait, Manu. Bakit alam mo 'yon kahit hiwalay na kayo ni Sica? Were you stalking her all this time?"
"Of course not," mariing kaila naman niya habang umiiling-iling pa. "Nagkataon lang na na-mention sa'kin ni Daddy noon na nakita niya sa university si Sica. I'm not a stalker."
"If you say so."
Manu just rolled his eyes at him. "Anyway, na-mention mo na nag-de-demand si Sica ng bodyguard, 'di ba?"
"Yeah. Since my grandfather owns a security agency, I'll ask him to let us borrow the most elite security team that he has."
"Can I do the job?"
"Huh?"
"May one week pa ko bago ma-lift ang suspension ko," paliwanag niya. "I want to stay with Sica until then."
"You're still in love with her, aren't you?" iiling-iling na tanong nito sa kanya. Nang ma-realize siguro nito na wala siyang planong sumagot, nagpatuloy na ito. "Manu, alam ni Sica na capable kang protektahan siya pero hindi ka niya ni-request. She probably knows that you still love her. I could be wrong but in my perspective, mukhang ayaw na ni Sica na maging close uli kayo kasi baka natatakot siyang mas lumalim pa ang feelings mo for her."
Ouch.
"Tinawagan lang kita ngayon kasi sinabi sa'kin ni Rara kanina na magsama ako ng taong pinagkakatiwalaan ko para raw may kasama akong magbantay kay Sica," paliwanag nito. "Pero ibang usapan na kung gusto mong maging personal bodyguard ng ex-girlfriend mo."
"Geeq, alam mo ba kung bakit ako na-suspend?"
Umiling ito kasabay ng pagkislap ng curiosity sa mga mata nito. "Ang sinabi mo lang sa'kin before eh may sinuntok kang civilian."
"The victim was Sica's current boyfriend."
"What?!"
"In my defense, I saw that guy trying to hit Sica in public," mabilis na paliwanag niya. Hindi niya ito sinabi kay Geeq noon kasi alam niyang wala siya sa lugar para ipagkalit ang bagay na sigurado siyang ayaw na ni Sica na malaman ng iba. But he has to do it now to get what he wants. "Off ko no'ng araw na 'yon at nag-decide akong dumalaw sa mga kasamahan ni Daddy na mga security guard sa St. Patrick. That was during the first week since he fell into a coma. Nag-ko-conduct din kasi ako ng sarili kong investigation no'n kasi naiinip na ko sa kakahintay sa resulta ng imbestigasyon ng mga fellow police officer ko. Anyway, while I was talking to a security guard at the guardhouse, I saw Sica and got worried when I saw a car tailing behind her. Then, huminto 'yong kotse at merong lumabas na guy from the driver side. He grabbed Sica by the wrist while he held the car door open for her. Pero kilala ko si Sica kaya alam kong ayaw niyang pumasok sa kotse. So nilapitan ko sila at tinanong ko kung ano ang problema."
Geeq scoffed at that. "Of course you did."
"Anyway, that didn't end well, obviously," pagpapatuloy niya. "That guy got jealous of me and accused Sica of cheating on him with me. Siyempre, nag-react agad ako at sinabi kong hindi gano'n si Sica. Pero hindi nakinig ang gagong 'yon, eh. He tried to hit Sica. Alam mo na siguro kung ano ang ginawa ko."
BINABASA MO ANG
Miss Danger Finder
RomanceRara can smell dangerous people. Akala niya, advantage niya ang kakaiba niyang abilidad para mahanap ang mga tao na may malaking atraso sa pinsan niya. Pero nakilala niya si Geeq--- ang guwapong lalaking "odorless" sa pang-amoy siya. Is he a friend...