46: Flowers

1.4K 70 9
                                    

"WHAT?" gulat na tanong ni Geeq kay Manu pagkatapos marinig ang sinabi ng kaibigan niya ngayong kausap niya ito sa phone. "Alam nina Weston ang ability ni Rara? And she's being targeted by Sica's ex-boyfriend?"

"Yes," sagot ni Manu sa urgent na boses. "Mukhang trap lang ang party na pinuntahan nina Rara at Eun ngayon, Geeq. Get them out of there now. Mas mahalaga ngayon ang safety nila kesa sa hinahanap nilang memory card. Saka nandito na kami sa police station. Kausap na ni Sica si S/Insp. Martinez. Umalis na rin sina Riri at Stranger para magsumbong kay Senator Conrado Herrera."

"Alright," sagot niya. "Pupuntahan ko na si Sica ngayon. I'll call you back later."

Pagka-hang up niya sa tawag, bumalik sa mga college friends niya na nasa patio at nag-iinuman. Pagkatapos, nagpaalam na siya sa mga ito at sinabi niyang may urgent business siya. Nakita siguro ng mga kaibigan niya ang pag-aalala sa mukha niya kaya hindi na siya kinulit na mag-stay kahit ngayon lang uli siya nagpakita sa mga ito.

I'm really sorry, buddies.

Ginamit niya lang naman ang mini-reunion na 'yon para makapasok sa village kaya nakokonsensiya siya. Kaya nangako siya sa sarili niya na babawi sa mga kaibigan niya.

Anyway, pagsakay niya sa passenger seat ng kotse niya, sinabihan agad niya ang driver-slash-bodyguard mula sa security agency nila na magpunta sa clubhouse. Para sa gabing 'yon, "hiniram" muna niya sa lolo niya ang triplets na sina Wine (ang driver), Vine, at Line. Nasa backseat naman sina Vine at Line. Magkakamukha ang tatlo kaya nakikilala niya lang ang mga ito dahil sa magkakaibang kulay ng tie. Pula kay Wine, violet kay Vine, at orange kay Line.

Nakasuot ng formal black suit ang magkakapatid. Personal bodyguards kasi ng lolo niya ang mga ito. Sa tuwing may formal event na pinupuntahan ang abuelo niya, ang triplets ang kasama nito kaya sanay ang tatlo na magsuot ng formal suits kahit sinabihan naman niya ang mga ito na okay lang magsuot ng casual clothes.

"Sir, may nangyari bang masama?" tanong ni Wine. "Kailangan na ba nating tumawag ng back-up?"

"Hindi pa," sagot ni Geeq. "We need to get Rara and Eun out of the party first." Tiningnan niya ang team niya sa rearview mirror. "Whatever it takes."

"Yes, Sir," sabay-sabay na sagot naman ng triplets.

Ngumiti siya sa mga ito, saka siya tumingin sa labas ng bintana nang may marinig siyang sunod-sunod na busina. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang nakahinto sa gilid ng kalsada ang Jaguar ni Eun. Sigurado siya do'n dahil sa plate number niyon. "Wine, stop the car!"

Hininto naman agad ni Wine ang kotse.

Mabilis na bumaba si Geeq ng sasakyan at dumeretso sa Jaguar. Kinatok agad niya ang driver side at nang bumukas iyon, kinabahan siya nang makita si Eun na nakayukyok sa manibela. At wala itong kasama. "Eun, what happened?" Nag-angat ng tingin si Eun sa kanya at nabigla siya nang makitang may dugo sa gilid ng ulo nito. "Shit, kid. Who did that to you?"

"Martine and Kent," sagot ni Eun, saka ito sumandal sa upuan at halatang nahihilo pa. "They are Kuya Weston's minions. Ayaw nila kong pasakayin ng kotse ko so I had to fight them. I guess my anger helped me outdo them. But honestly, I just really ran away from them as soon as I could." Pinunasan nito ang dugo sa gilid ng noo nito, saka ito tumingala sa kanya. "Geeq, they took away Rara."

Understatement kung sasabihin niyang natakot siya sa narinig. Para ngang may dumukot sa puso niya, eh. Pero kinalma niya ang sarili niya dahil alam niyang walang mangyayari kung matataranta lang siya. "Si Weston ba ang kumuha kay Rara?"

"He might be the mastermind," sagot niya. "Pero si Spence ang kumuha kay Rara."

"Si Spence?" gulat na tanong niya. "As in your best friend?"

Miss Danger FinderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon