49: Danger Finder in Danger

4.6K 80 50
                                    

"HI, RARA," masiglang bati sa kanya ni Jackson. "I brought flowers for you."

Nag-angat si Rara ng tingin sa lalaki para paningkitan ito ng mga mata. No'n niya lang napansin na may dala nga itong bouquet ng red roses. Sa sobrang baho kasi ng amoy nito, hindi na niya nasinghot ang mga bulaklak. But now that she was aware of the flowers, the scent was recognized by her sensitive nose. Thus, the nosebleed.

Damn.

Nanlaki ang mga mata ng lalaki na parang natuwa sa nangyari sa kanya. "Your nose is bleeding!" excited na sabi nito. "Totoo ngang weakness mo ang amoy ng mga bulaklak! You really turn me on, Rara Sandoval."

And she was grossed out when she saw the bulge in his suddenly tight pants. Mabilis siyang tumingin sa mukha ng lalaki para ipakita rito ang disgusto niya. "You disgust me, pervert."

Tinawanan lang siya nito, saka nito pinatong ang mga bulaklak sa mesa.

It was a shame that Jackson was handsome and decent-looking in his smart causal attire. Tingin niya ay nasa early to mid thirties na ito pero halatang batak sa workout ang katawan nito kaya hindi mapagkakamalang "matanda" na.

He was actually the epitome of someone tall, dark, and handsome.

Pero kung ga'no siya kaganda sa mata, gano'n din siya kasama sa ilong.

"Weston probably told you about my fetish. Hence, the boner," sabi ni Jackson, saka ito umupo sa high stool na kinauupuan ni Weston kanina. Kumuha ito ng unan sa kama para takpan ang pagkalalaki nito. May natitira pa pala itong hiya sa katawan. "Nasabi na rin ba sa'yo ni Weston kung bakit naging interested ako sa'yo?" tanong nito habang pinupunasan ng tissue ang ilong niya kahit pilit niyang iniiwas ang mukha niya rito. "Your cheeks are swollen. That douchebag hit you, huh?"

"Touch me again and I'll kill you," banta niya rito nang alisin na nito ang kamay sa mukha niya. Tumigil na rin kasi sa pagdurugo ang ilong niya kaya huminto na rin ito sa ginagawa. "You better pray to God to give me more patience because if He gives me more strength, I will use it to strangle you and Weston Rivera to death."

Natawa si Jackson na parang tuwang-tuwa sa pagbabanta niya. "God, I really love women with strong willpower!" Umangat ang mga kamay nito na parang gusto siyang hawakan pero nang tingnan niya ito ng masama, mukhang pinigilan nito ang sarili. "The millions I will pay Weston will surely be worth it once you're mine, Rara Sandoval. Ngayon pa lang, sigurado na kong mag-e-enjoy ako sa'yo. I really, really want to take you right here, right now, but I have to abide by Weston's stupid rules first."

Kinilabutan siya sa sobrang pandidiri dahil sa mga sinabi nito. Labag man sa loob niya, nakahinga siya ng maluwag dahil sa mga 'rules' ni Weston kasi mukhang iyon ang dahilan kung bakit hindi pa siya pinagtatangkaan ng Jackson na 'to.

"You're curious, aren't you?" nakangising tanong ng lalaki. "I'll explain the rules to you since you need to cooperate with me anyway."

As if I'll cooperate with a pervert like you.

Pero himbis na sabihin iyon, kinagat niya lang ang ibabang labi niya para magpigil. Madalas ibilin sa kanya ni Pia noon na kapag na-kidnap siya, huwag siyang gagawa o magsasabi na ikagagalit ng mga abductors niya. Hangga't wala raw ginagawa sa kanya, kailangan daw niyang maging kalmado at obedient para hindi i-provoke ang mga ito. Lalaban lang daw siya kung nasa panganib na ang buhay niya.

Well, she kind of already broke that when she aggravated Weston earlier. Natutunan naman niya ang leksyon niya nang dalawang beses siya nitong sinampal. Dahil do'n, naalala niya ang bilin sa kanya ni Pia na in-a-apply na niya ngayon sa sitwasyon niya. As much as possible, she really needed to "behave" now.

Miss Danger FinderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon