School.
Hallway.
Naglalakad ang tatlo ng me biglang humarang sa kanila.
Si Gregg. Senior varsity ng school. 6 footer. Muscled. Pinagkakaguluhan sa campus.
"Hi Dina!" bati nito sa kanya.
Di sya makapaniwala.
"Hi Gregg!" sagot ni Dina dito.
Ngumiti si Gregg.
"Lalo kang gumaganda habang tumatagal." pagpapatuloy nito.
Hindi kinakaya ni Dina ang compliments na kanyang natatanggap galing sa isang taong matagal na nyang crush.
"Naku Gregg. Wala ka sa basketball court kaya wag mo akong bolahin." sambit nya.
"Serious ako." pagtatapat ni Gregg.
Patuloy na nilalabanan ni Dina ang kilig na nararamdaman
"Ano pong kailangan para matapos na po itong bolahan?" tanong nya sa binata.
Humawak si Gregg sa sukbitan ng backpack na nakasabit sa kanya.
"Can we watch a movie this Sat? Good times?" tanong nito kay Dina.
Tumingin si Berting kay Dina. Blanko ang mukha pero sa isip ay may sinasabi...
"No Dina, wag kang sumama..." bulong ni Berting sa sarili.
Pero iba ang naging tugon nito.
"Sure! Pero ok lang ba kung isama ko sila? Di kasi ako papayagan na lumakad mag-isa."
Ngumiti si Gregg.
"Let me repeat what I just said "Can we watch a movie this Sat" so that means kasama sila." paglilinaw nito.
Ngumiti din si Dina.
"Ah ok... Sige. See you this Saturday. What time?"
"5pm." sagot ni Gregg.
Kinuha ni Gregg ang kamay ni Dina and kissed it.
"Salamat..."
Nag blush ng kaunti si Dina.
Namutla naman si Berting.
BINABASA MO ANG
DINA B? #JaDineFiction
RomanceBasahin ang istorya nina Dina at Berting... DINA B? A Love Written In A Song. DISCLAIMER Ang kwentong inyong mababasa ay likha lamang ng aking malikot na pag-iisip. Ang pagkakahawig sa pangalan, tao, lugar at pangyayari ay siguradong nagkataon po la...