DINA B? (pahina 52)

367 9 0
                                    

Sta Rosa.

Kwarto ni Berting.

Hawak hawak ni Berting ang kanyang gitara.

Pinapatugtog nya ang kinompose na kanta kay Dina.

Naisip nya yung nangyari kaninang umaga sa eskwela, yung muntik nyang pag amin sa kanyang bestfriend sa totoo nyang nararamdaman.

Wala pa man syang naisip na tono... Dinampot nya ang kanyang telepono at sumulat...

Berting: "Ang dami-dami kong gustong sabihin... Pero hanggang ngayon hindi maamin... Nililihim nitong aking damdamin... Paano ko kaya to sasabihin?"

Sinave nya ito sa Notes ng kanyang phone.

Humiga si Berting sa kanyang kama, inisip nya ang planong pag-aaral sa Australia at ang pag-asang masabi kay Dina ang tunay nyang nararamdaman.

DINA B? #JaDineFictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon