School.
Science Class.
Miss Tapucar: Science has so many branches. Parang 7 Eleven yan... maraming branch pero lahat yan ay science. Pero as senior students we will be focusing on the branch of Science called Physics. At syempre sa pag aaral ng Pisika, makikilala nyo din ang ilang mga taong nagpakadalubhasa dito.
Dina!
Nagulat si Dina.
Dina: Yes mam?
Miss Tapucar: Maari ka bang magbigay ng halimbawa?
Kinakabahan si Ackie para sa kaibigan.
Tumayo si Dina.
Dina: Si Albert Einstein po...
Miss Tapucar: Si Albert Einstein din ang me akda ng "Theory of Relativity" Ayon kay Einstein, ito ay nagsasaad na ang persepsyon natin sa oras at sa mga pangyayari ay naapektuhan kung nasaan tayo. Halimbawa ang pag-inog ng mundo. Hindi natin nararamdaman na umiinog ito sa kanyang axis at umiikot ito sa araw. Dahil apektado ng gravity ang ating persepsyon ukol sa galaw ng ating planeta. Ngunit subukan mo na ikaw ay nasa kalawakan, walang impluwensya ng gravity at ikaw ay hindi gumagalaw sa iyong kinalalagyan, mapapansin mo ang pag inog at pag ikot nito. Naiintindihan nyo ba?
Walang kikibo sa mga estudyante.
Miss Tapucar: Ok. Let's put it this way. Sabi nga ni Einstein "Put your hand on a hot stove for a minute, and it seems like an hour. Sit with a pretty girl for an hour, and it seems like a minute. That's relativity." Actually, kahit ang mga nararamdaman natin pwedeng relative lahat yan! Halimbawa me kasama kang tao na hindi mo gusto, parang ang bagal tumakbo ng oras diba? Pero, kapag gusto mo ang kasama mo, parang kay bilis lumilipas ng mga sandali at kay daling matapos ng mga pagkakataon.
Naliwanagan ang klase sa mga sinabi ni Miss Tapucar.
At mas naintindihan naman ni Berting ang kanyang nararamdaman kay Dina.
BINABASA MO ANG
DINA B? #JaDineFiction
RomanceBasahin ang istorya nina Dina at Berting... DINA B? A Love Written In A Song. DISCLAIMER Ang kwentong inyong mababasa ay likha lamang ng aking malikot na pag-iisip. Ang pagkakahawig sa pangalan, tao, lugar at pangyayari ay siguradong nagkataon po la...