DINA B? (pahina 45)

411 11 2
                                    

Sta Rosa.

Bahay ni Dina.

Nakaupo si Berting sa sofa.

Si Dina may dala dalang juice, iaabot kay Berting.

Dina: Magpalamig ka muna bess.

Aabutin ni Berting ang baso, iinom ng kaunti at ilalapag ang baso sa center table.

Berting: Kwento na bess...

Uupo si Dina malapit kay Berting.

Dina: Nawiwindang ako ngayon bess. Hindi ko alam bakit bigla na lang nagkaganito.

Berting: Baka naman busy lang si Gregg?

Iinom si Dina ng juice.

Dina: Pag gusto me paraan, pag ayaw me dahilan, pag dedma, walang pakialam!

Matatawa si Berting. Pagmamasdan ang malungkot na mukha ng kaibigan.

Berting: Okay. Para malabas mo yan, tulungan mo na lang ako sa project namin sa Music Club...

Titingin si Dina kay Berting.

Dina: Ha? Paano? Anong gagawin.

Ngingiti si Berting.

Berting: Gawin nalang nating kanta yang sitwasyon mo. Kailangan ko kasing makagawa bago tayo grumaduate. Kesa sa magmukmok ka dyan. Let's be productive!

Nilabas ni Berting ang gitara. Tumipa ng ilang chords.

Dina: Anong ginagawa mo?

Ngumiting muli si Berting.

Berting: Shhh.. Nakaisip na ako.

Patuloy sa pagtipa ng chords si Berting. Bigla syang kumanta.

Berting: ♪♫ Gusot na naman ang mukha ni Dina. ♪♫

               ♪♫ Di na sya naging masaya, di na nya nakuhang tumawa. ♪♫

Mag re react si Dina.

Dina: Sobra ka naman!

Berting: Ganun talaga yun lalagyan mo ng konting drama. Ay bess! Kumuha ka ng papel, write it down for me.

Kukuha si Dina ng papel at isusulat ang lyrics ng kantang ginagawa ni Berting.

Patuloy si Berting sa patugtog at pag isip ng susunod na lyrics.

Berting: ♪♫ Sa mga kwento ko na pinipilit, na marinig, kahit saglit, paulit-ulit. ♪♫

Matutuwa si Dina.

Dina: Infairness bess, talentado ka pala! Teka, Ano yun ulit? Sa mga kwento ko na pinipilit, na marinig, kahit saglit?

Berting: Paulit ulit...

Sinulat naman ito ni Dina.

Sinundan naman ito ni Berting ng...

Berting: ♪♫ Lapit parin ng lapit. Subukan mo kaya na magpalit ♪♫

Mapapa iisip si Dina.

Dina: Magpalit ng?

Tatawa si Berting.

Berting: Hahaha! Wala!

Hahanga si Dina sa kanyang kaibigan.

Dina: Maganda sya ha? Teka teka! Bago ka pa man maging sikat...

Iaabot ni Dina sa kaibigan ang papel.

Dina: Pirmahan mo to! Itatago ko yan bilang ebidensya na ako ang kasama mo nung sinulat mo yan, mamaya sumikat ka tapos hindi mo na ako pansinin.

Tatawa ulit si Berting at sabay biro ng...

Berting: Talaga! Pag ako sumikat, Hu U ka sakin!

Dina: Salbahe ka! Pirmahan mo na to!

Kukunin ni Berting ang papel at pipirmahan.

Maririnig sa labas ng bahay nina Dina ang patuloy na pagtugtog ni Berting ng kanyang gitara.

DINA B? #JaDineFictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon