Sta Rosa.
School Canteen.
Kakatapos lang ng rehearsal para sa graduation bukas. Nasa canteen si Dina at Ackie.
Naikwento na din nya ang nangyari sa Mama at Papa nya.
Ackie: Parang napakalungkot naman ng mga nangyayari sayo BFF...
Dina: Hindi ko na nga masyadong iniisip. Wala naman akong magagawa. At saka nuon pa alam ko naman na me problema na sila. Buti na nga lang sa Sta Rosa ako nakatira, laking lola tapos nandyan pa si Yaya. I should still be thankful!
Bibilib si Ackie sa katatagan ng kaibigan.
Ackie: Nagparamdam na ba si Gregg?
Ngingiti si Dina.
Dina: Nag te text paminsan. Lagi kasi silang me laro ni Sam. Naubos na tuloy yung oras nya sa game.
Patuloy na mag-uusisa si Ackie.
Ackie: Pero sasamahan ka nya sa Grad Ball?
Lulungkot mukha ni Dina.
Dina: That I don't know...
Ackie: Maghanap ka na BFF kasi ako kanina nilapitan ako ni Josh, yung cute guy na me nunal sa mukha. He asked me kung pwede ba daw na ako ang maging kapartner nya sa Grad Ball.
Matutuwa si Dina para kay Ackie.
Dina: Eh di mabuti! So ako lang pala ang walang kapartner...
Ackie: Hindi rin. Wala pang kasama si Berting. Nagtext sya sakin kanina at tinatanong kung me kapartner na ako sabi ko sa kanya, no offense Berting kasi pang 99 ka ng nangungulit sakin. Kaya kung ako sayo BFF, tawagan mo na si Berting now na!
Kukunin ni Dina ang kanyang telepono at I da dial ang number nito.
BINABASA MO ANG
DINA B? #JaDineFiction
RomanceBasahin ang istorya nina Dina at Berting... DINA B? A Love Written In A Song. DISCLAIMER Ang kwentong inyong mababasa ay likha lamang ng aking malikot na pag-iisip. Ang pagkakahawig sa pangalan, tao, lugar at pangyayari ay siguradong nagkataon po la...