Canteen
Lunch Break.
Kumakain ang dalawang magkaibigan.
"Ang galing talaga ni Berting no? Biruin mo nasagot nya yun!?" bilib na bilib na sabi ni Ackie kay Dina.
"Anu ka ba? Hindi pa nga mahirap sa kanya yun!" sabay nguya ng sandwich na hawak nya.
Nanlaki ang mata ni Ackie.
"Totoo?" tanong ni Ackie.
"Alam mo ba na walang araw na hindi nanunuod ng Discovery Channel yan at gabi-gabi wala yang ginawa kundi bantayan yang langit! Grabe!" pagpapatuloy ni Dina.
Humarap si Ackie kay Dina at iniba ang usapan.
"Pero do you find him cute?" tanong nito.
Sumagot agad si Dina...
"Oo pero mas lamang yung weird te!"
Magtatanong pa sana si Ackie, pero nakita nyang papalapit na si Berting sa kanila."Shhh! Ayan na sya!"
Nakangiti si Berting habang dala-dala ang tray papalapit sa mesa nina Ackie at Dina.
Nilapag nya ito sa tapat ng magkaibigan.
"Bessy? Kain o. Ackie?" alok nito sa dalawa.
Nagpa cute na sumagot si Ackie dito.
"Thanks."
Tumingin si Dina kay Berting."Galing mo naman kanina! Kala ko di mo masasagot pero wala eh... sisiw lang sayo yun!" pambobola ni Dina sa kaibigan.
Napangiti na lang si Berting.
"Sus!" sambit nito.
Nagsalitang muli si Dina, kumbinsido sa talino ni Berting.
"Alam ko naman na sisiw lang talaga sayo yun! Mukha ngang magiging favorite ka ni Miss Tapucar dahil dun!"
Sumingit naman din si Ackie.
"Tingin ko rin..."
Hinubad ni Berting ang kanyang salamin at pinunasan ng kanyang panyo." I didn't mean to impress her. Kailangan ko lang talagang sagutin yung tanong nya. And besides grade school pa lang tayo kabisado ko na yun." pagkaklaro ni Berting sa dalawa.
" Naku naku! Pa humble ka naman masyado bessy! Tutal nasagot mo yung tanong kanina, ganito na lang! Libre mo na lang kami ng softdrinks!" request ni Dina.
"Yun lang ba? Malakas ka sakin alam mo yan. Ikaw Ackie?" tanong ni Berting.
"Sige. Rootbeer ako."
Tumingin si Berting kay Dina."Ikaw?"
"Cola lang." sagot nito.
"Ok."
Tumayo si Berting at naglakad papunta sa counter.
"Dina... me kutob ako bet ka nyan? Ba't di mo pagbigyan?" tanong ni Ackie.
Nagulat si Dina sa sinabi ni Ackie sa kanya.
"Hello? Mag bestfriends kami!" sagot ni Dina.
Nakatingin si Ackie kay Berting na kasalukuyang umo order ng softdrinks.
"Pinagmamasdan ko sya kanina, cute sya!" sabi nito.
Bumitaw ng sulyap si Dina kay Berting at tumingin kay Ackie.
"Cute si Berting pero sa talino nyan yan baka gawin lang nya akong Science Experiment!"
BINABASA MO ANG
DINA B? #JaDineFiction
Storie d'amoreBasahin ang istorya nina Dina at Berting... DINA B? A Love Written In A Song. DISCLAIMER Ang kwentong inyong mababasa ay likha lamang ng aking malikot na pag-iisip. Ang pagkakahawig sa pangalan, tao, lugar at pangyayari ay siguradong nagkataon po la...