J.S. Prom.
Lahat ng mga Juniors at Seniors ay nasa bawat table na nila.
Isa sa mga estudyante na naatasang mag host ay pumunta sa harap, kinuha ang mikropono at nagsalita.
Host: Ladies and Gentlemen! Teachers and students... Before we start with our program, let us all rise for the Philippine National Anthem.
Lahat ay tatayo habang pinatutugtog ang Lupang Hinirang.
Pagkatapos ng awitin magsasalitang muli ang host.
Host: Pls remain standing for our opening prayer to be led by our science teacher, Miss Tapucar.
Pupunta sa harapan si Miss Tapucar at kukunin ang mikropono.
Miss Tapucar: Let us put ourselves in the presence of our Lord... In the name of the Father, and of the Son and of the Holy Spirit... Amen.
Tahimik ang buong ballroom habang taimtim ang lahat na nakikinig sa guro.
Pagkatapos nilang magdasal... nagsalitang muli ang host.
Host: Let us now call our beloved principal for a a very important message.
Pupunta sa harapan ang principal ng eskwelahan.
Principal: "Salamat sa inyong lahat maari na kayong umupo. It was indeed a wonderful year for all of us. For both teachers and students, Juniors, Seniors... as we gather here tonight.."
Nagbubulungan sina Ackie at Dina habang nagsasalita ang kanilang principal.
Dina: Nakita mo na ba si Berting?
Iikot ni Ackie ang kanyang paningin pero hindi nya makikita ang hinahanap.
Ackie: Hindi pa.
Dina: Saan kaya yun?
Si Berting naman ay nasa likod malapit sa pinto papuntang kusina kung saan nakatambay silang mga tutugtog.
Matatapos na ang mensahe ng principal.
Principal: I know everybody is excited tonight and aside from that alam ko din na gutom na kayo so let us enjoy our dinner, the buffet table is now open!
Pagkatapos kumain ng lahat nagsimula na ang programa at ilang nakaugaliang seremonya ng J.S. Prom. at syempre ang kapanapanabik na formal dance.
Lumapit si Gregg kay Dina.
Gregg: May I ask you to dance?
Ngingiti si Dina.
Dina: Sure.
Habang tumatayo si Dina, tutugtog ang kantang "All Of Me" ni John Legend na kakantahin ni Berting.
Makikita ni Berting si Dina at Gregg.
Berting: "What will I do without your smart mouth?"
"Drawing me in and you kicking me out"
Inaalalayan ng kanang kamay ni Gregg ang kaliwang kamay ni Dina. Pagdating sa spot kung saan sila magsasayaw, nagharap sila. Nilagay ni Dina ang kanyang mga kamay sa balikat ni Gregg samantalang si Gregg naman ay nakahawak sa baywang ni Dina.
Patuloy ang pagkanta ni Berting habang tinatanaw si Dina at Gregg.
Berting: "My heads underwater but I'm breathing fine..."
Bubulong si Gregg kay Dina.
Gregg: You look so beautiful tonight.
Dina: Bagay lang sayo.
Magdidikit ang noo nilang dalawa.
Damang dama ni Berting ang sakit na nararamdaman nya na lalo pang nagpapadagdag sa lungkot ng kanyang inaawit.
Berting: "You're my end and my beginning, even when I lose I'm winning. Coz I give you all of me..."
Natapos ang awitin. Niyaya ni Gregg si Dina sa isang sulok. Isang sulok na wala gaanong makakakita sa kanila at hinalikan ni Gregg si Dina.
Sa sulok na yun na andun din si Berting ngunit di nila ito napansin.
BINABASA MO ANG
DINA B? #JaDineFiction
RomanceBasahin ang istorya nina Dina at Berting... DINA B? A Love Written In A Song. DISCLAIMER Ang kwentong inyong mababasa ay likha lamang ng aking malikot na pag-iisip. Ang pagkakahawig sa pangalan, tao, lugar at pangyayari ay siguradong nagkataon po la...