Gabi
Kwarto ni Dina.
Lumabas si Dina sa banyo ng kanyang kwarto. Marahang pinatutuyo ang buhok ng towel.
Binuksan ni Dina ang desktop at nag log-in sa Facebook.
Meron syang bagong friend request. Cinlick nya ito.
"Greggory Santos - Confirm/Not now"
Cinlick nya ang Confim.
Gumawa din sya ng message.
"Galing mo talaga! Salamat sa paghatid mo sa amin kanina."
Cinlick nya ang send.
Pagkatapos nun chineck nya ang Newsfeed.
Habang nag scroll down, napansin nya ang post ni Berting.
"Bakit ba hindi mo ako makita? Hahanapin mo ba ako pag ako'y wala na?"
Dina: Aba... At nagdadrama si Berting.
Mabilis na nag comment si Dina.
"Bessy, di bagay sayo nag e emote sa wall..."
Sabay pindot ng enter.
Mamaya pa meron syang natanggap na PM.
Si Gregg!
Cinlick nya ito agad.
"My pleasure. See you later. 5pm. Sunduin ko kayo."
Nakangiti sya habang nagrereply kay Gregg.
"See ya! Goodnight!" sabay lagay ng emoticon na humahalik.
Sa screen lumabas ang "Greggory is typing..."
"Na ka shoot nga ako sa game pero yan ang na miss ko kanina"
Sumagot si Dina...
"Hehe. Sya goodnight!"
Nagreply si Gregg ng smiley.
Pagkatapos nun chineck ni Dina kung nagreply si Berting sa comment nya pero ng tignan nya ang wall nito, wala narin ang recent post ni Berting.
Dina: Weirdo talaga tong si bessy.
Pinatay ni Dina ang PC at humiga na sa kanyang kama para matulog.
BINABASA MO ANG
DINA B? #JaDineFiction
RomantizmBasahin ang istorya nina Dina at Berting... DINA B? A Love Written In A Song. DISCLAIMER Ang kwentong inyong mababasa ay likha lamang ng aking malikot na pag-iisip. Ang pagkakahawig sa pangalan, tao, lugar at pangyayari ay siguradong nagkataon po la...